During his campaign, one of Marcos II’s most ambitious promises is to lower the price of rice to P20. He claimed that this will be on top of his agenda once he won. But just like all those who came before him, this promise just vanished to thin air. NDF-Bikol is one with the Bikolano […]
Hindi natuwa ang mga mamamahayag sa pagbisita ng mga myembro ng Philippine National Police sa bahay ng isang mamamahayag para alukin diumano ito ng “proteksyon.” Ayon sa National Union of Journalists of the Philippines, nababahala sila sa pagbisita ng mga pulis sa kanilang mga bahay nang walang paunang koordinasyon, kahit pa iyon ay sinabing pagsisikap […]
Sa simula’t sapul, malinaw na sa taumbayan na walang ibang aasahan sa ikalawang rehimeng US-Marcos kung hindi lubos pang pagsahol at pagdausdos ng kalagayang pang-ekonomiya at pampulitika sa ating bansa. Agad naman itong pinatunayan ni Pangulong Bongbong Marcos sa unang mahigit isandaang araw ng kanyang ilehitimong rehimen. Neoliberal na patakaran sa ekonomiya Pagkaupong-pagkaupo pa lamang […]
Higit 250 indibidwal mula sa mga komunidad ng maralita sa Payatas, Holy Spirit, Tatalon, Commonwealth, Bagong Silangan at Don Mariano ang dumalo sa pagtitipon at asembleya ng pagtatatag sa Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan-National Capital Region (PLM-NCR) kahapon. Inilunsad ang asembleya sa Quezon City Circle. Sa asembleya, nag-ulat ng iba’t ibang balangay ng PLM ng kani-kanilang […]
Nanawagan ang Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ngayong araw sa mga residente ng Guihulngan City na maghanda para labanan ang pasistang panggagahis ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos magbagsak ng 200 tropa ang 62nd IB sa dalawa nitong barangay noong Oktubre 14. Nangangamba ang yunit ng BHB para sa masa at sa kanilang […]
Binatikos ng Movement Against Disinformation (MAD) ang panibagong serye ng red-tagging at kasinungalingang ibinulalas ng dating tagapagsalita ng National Task Force-Elcac na si Lorraine Badoy at kapwa niyang mga ahente ng ahensya sa isang programa ng Sonshine Media Network International (SMNI) noong Oktubre 11. Nagsalita sa naturang istasyon si Badoy kung saan malisyosong nagpakalat ng […]
Wala pang engkwentrong nagaganap sa Guihulngan City sa pagitan ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at mga sundalo ng 62nd IB ayon sa ulat ng BHB-Central Negros. Inilinaw ng yunit na ang naganap ay isang operasyong isnayp ng BHB, at isang kaso ng pagpapaulan ng bala ng 62nd IB sa isang sibilyang komunidad. […]
Tahasang ibinasura nitong Oktubre ng presidente ng US na si Joseph Biden ang panawagan ng 66 bansa sa United Nations General Assembly na muling buksan ang negosasyong pangkapayapaan at ipatupad ang tigil-putukan para tapusin na ang gera sa Ukraine. Kabilang sa mga nananawagan ang China at India na may bilyun-bilyong mamamayan. Kasama ang iba pang […]
Matagumpay na isinagawa ng pamprubinsyang balangay ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya) sa Aklan ang dalawang araw na humanitarian mission sa komunidad ng mga mangingisda sa Barangay Cawayan, New Washington, Aklan noong Oktubre 12 hanggang 13. Layon ng naturang misyon na alamin […]
Pinirmahan ni Ferdinand Marcos Jr noong Oktubre 10 ang batas para ipagpaliban ang eleksyon sa barangay at Sangguniang Kabataan mula Disyembre 5 ngayong taon tungong huling Lunes ng Oktubre 2023. Ang panukala ay nagmula sa kasalukuyang mga upisyal na nais palawigin ang termino ng kani-kanilang kasapakat sa antas barangay. Agad itong sinang-ayunan ni Marcos bilang […]