Archive of International

Pagtatambak ng armas at matagalang presensya ng militar ng Canada at UK sa Pilipinas, tusong inilulusot
January 18, 2024

Di na lamang US ang papayagan ng rehimeng Marcos Jr na magtambak ng tropa, mga sandata at gamit-militar sa Pilipinas, pati Canada at United Kingdom ay pahihintulutan na rin nito sa ilalim ng nilulutong mga kasunduang militar sa pagitan nito at nabanggit na mga bansa. Isang kasunduan sa “enhanced defense cooperation” o EDCA ang sinasabing […]

Mga manggagawang Pilipino na nawalan ng trabaho sa New Zealand, naggiit ng karampatang tulong
January 17, 2024

Nagkaisang iginiit ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa New Zealand ang hindi pa naibibigay sa kanila na sahod nang biglang magsara ang kumpanyang nagkontrata sa kanila. Kasabay nito, itinulak nila ang embahada ng Pilipinas na kagyat na ilabas ang tulong at ayudang nararapat sa kanila. Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang […]

Aerial strikes ng US at UK sa Yemen, kinundena ng ILPS-US
January 17, 2024

Mariing kinundena ng International League of Peoples’ Strugles-US ang pag-atake ng imperyalismong US at kasapakat nitong United Kingdom sa bansa at mamamayang Yemen. “Naninindigan kami para sa karapatan ng mamamayang Yemeni, hindi lamang para depensahan ang kanilang lupa, kundi pati sa kanilang karapatan na tulungan ang mamamayang Palestino, na pareho nilang nagtatanggol sa kanilang lupa,” […]

Paglabag sa internasyunal na makataong batas ng AFP sa kampanyang aerial bombing, binatikos
January 16, 2024

Binatikos ng grupong International Coalition for Human Rights in the Philippines (ICHRP) ang lansakang paglabag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa internasyunal na makataong batas (IHL) sa paglulunsad nito ng labis-labis at superyor na lakas na mga pag-atake at kampanyang aerial bombing laban sa maliit at mahihinang istruktura ng mga kampo ng Bagong […]

Mga estudyante at guro sa India, nagprotesta laban sa kontra-insurhensyang operasyon SAMADHAN-Prahar
January 15, 2024

Nagtipun-tipon ang mga estudyante at guro ng Delhi University sa kampus nito sa Delhi, India noong Enero 10 sa pangunguna ng Forum Against Corporatization and Militarization (Facam) para magprotesta laban sa kontra-insurhensyang operasyong SAMADHAN-Prahar. Tinuligsa nila ang ang kampanyang ito ng rehimen ni Naendra Modi, na pangunahing tumatarget sa mga sibilyan at hindi armadong rebolusyonaryo […]

6-buwang sanggol, pinaslang ng mga pwersa ng estado sa India
January 10, 2024

Kinundena ng Forum Against Corporatization and Militarization (Facam), grupo sa India, ang pagpaslang ng mga pwersa ng reaksyunaryong estado ng India sa isang 6-buwang sanggol sa Mutvendi, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 1. Ayon sa ulat, pinalalabas ng mga pwersa ng estado na nagkaroon ng “engkwentro” sa mga gerilyang Maoista nang mapaslang […]

Pagpapalaya sa migranteng Pilipino na si Mary Jane Veloso, muling iginiit
January 09, 2024

Muling ipinanagawan ng Migrante International ang kagyat na pagpapalaya kay Mary Jane Veloso, migranteng Pilipinong biktima ng human at drug trafficking, na nakakulong sa Indonesia simula pa 2010. Iginiit ito ng grupo kasabay ng pagbisita ni Indonesian president Joko Widodo sa bansa mula Enero 9 hanggang Enero 11 para makipagpulong kay Ferdinand Marcos Jr. Nailigtas […]

Internasyunal na mga partido at organisasyon, nagpaabot ng pagbati sa ika-55 anibersaryo ng PKP
January 01, 2024

Ipinabot ng iba’t ibang kaibigang partido at organisasyon mula sa ibang bansa ang kanilang pagbati at pagpupugay sa Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa pagdiriwang ng ika-55 anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2023. Naglabas ng pahayag ng pakikiisa ang mga organisasyong mula sa India, Turkey, United States, at Ireland. Sa bidyo-pahayag ng Komite Sentral ng […]

68 mamamahayag na ang napatay sa Gaza
December 22, 2023

Sa huling ulat na inilabas ng Committee to Protect Journalists (CPJ) noong Disyembre 21, umaabot na sa 68 mamamahayag at manggagawa sa midya ang kabilang sa 19,000 namatay sa gaza at West Bank mula Oktubre 7. Labinlima ang naiulat na sugatan, tatlo ang nawawala at 20 ang sinabing inaresto ng mga pwersa ng Zionistang Israel. […]

Mungkahing magbuo ng "national torture prevention body," suportado ng mga abugado
December 17, 2023

Sinuportahan ng National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) ang mungkahi ng mga tauhan ng United Nations (UN) sa gubyerno ng Pilipinas na magtayo ng isang “national torture prevention body” para bantayan at pigilan ang pagsasagawa ng tortyur ng mga pwersa ng estado. Nabuo ng mga eksperto ang mungkahi nang dumating sa bansa noong Disyembre 3-14 […]