Archive of National Minority

Pagtatayo ng Cabacanan Dam sa Ilocos Norte, tinututulan
December 27, 2023

Nagpahayag ng matinding pagtutol ang Isnag Yapayao Balangon Tribal Council Inc (IYBTC) at Isnag Yapayao Ugayam Tribal Council (IYUTC) sa planong pagtatayo ng ₱800-milyong Cabacanan Small Reservoir Irrigation Project (CSRIP) sa kabundukan ng Barangay Saguigui, Pagudpud, Ilocos Norte. Nakatakdang magtayo ng malaking dam para sa proyekto sa naturang barangay at katabing Barangay Dampig na sakop […]

Writ of preliminary injunction kaugnay ng "teroristang" designasyon, dininig ng korte
December 17, 2023

Nagtipon sa harap ng Baguio Justice Hall, Baguio City ang mga kaanak, kaibigan at kasama ng apat na aktibista at lider ng Cordillera People’s Alliance (CPA) noong Disyembre 14 habang dinidinig ang inihain na writ of preliminary injunction kaugnay ng “teroristang designasyon” sa kanila ng Anti-Terrorism Council. Ang injunction ay temporaryong pagtatanggal sa mga implikasyon […]

Bai Bibyaon, magiting na lider ng Talaingod Manobo at pambansang minorya, pumanaw na
December 09, 2023

Inianunsyo ng grupong Sabokahan Unity of Lumad Women noong Disyembre 6 ang pagpanaw ng magiting na lider ng mga Talaingod Manobo na si Bai Bibyaon Ligkayan Bigkay noong Nobyembre 20. Pinamunuan niya ang iba’t ibang pakikibaka ng Lumad mula Mindanao hanggang Metro Manila. Ayon sa grupo, pumanaw siyang kapiling ang kanyang mga mahal sa buhay. […]

Ka Tagub/Roche at Ka Teng/NY/MC, karangalan kayo ng mga Hanunuo at mga katutubong Mangyan, mga bagong bayani ng Mindoro at sambayanan!
November 30, 2023 | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | MINDORO |

Kami, ang mga kasapi ng MINDORO (rebolusyonaryong organisasyon ng mga katutubong Mangyan sa Mindoro) ay nakikiramay sa pamilya at kamag-anak nina Ka Tagub/Roche at Ka Teng/NY/MC. Sila ang mga tunay na mártir at bayani ng Hanunuo Mangyan na inialay ang kanilang kaisa-isang buhay upang ipaglaban ang lupaing ninuno at karapatan sa pagpapasya sa sarili ng […]

"Teroristang" designasyon laban sa 4 na aktibistang katutubo, hinamon sa korte
November 26, 2023

Naghain ng petisyon ang mga lider ng Cordillera Peoples Alliance (CPA) na sina Windel Bolinget, Sarah Abellon-Alikes, Jennifer Awingan-Taggaoa, at Stephen Tauli sa Baguio Regional Trial Court noong Nobyembre 23 para ipabasura ang arbitraryong designasyon sa kanila na “terorista” ng Anti-Terrorism Council (ATC). Ito ang kauna-unahang ligal na aksyon na inihain sa korte laban sa […]

3 Lumad na kumukuha ng durian, pinaulanan ng bala ng 88th IB
November 23, 2023

Pinaulanan ng bala ng mga sundalo ng 88th IB ang mga Lumad na kinilala lamang bilang Levi at Jemboy at isang di pinangalanan sa Sityo Takukon, Barangay Indalasa, Malaybalay City, Bukidnon noong Nobyembre 17 ng umaga. Nasa gubat ang tatlo para kumuha ng duryan nang bigla na lamang silang pinagbabaril ng mga sundalo. Bugbog, sugat […]

Berdugong 9th IBPA, numero unong sinungaling at lumalabag sa karapatang-tao sa prubinsya ng Camarines Norte
November 04, 2023 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Camarines Norte (Armando Catapia Command) | Carlito Cada | Spokesperson |

Hindi totoo at walang nangyaring engkwentro sa pagitan ng mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan ng Armando Catapia Command at tropa ng militar noong Setyembre 23, 2023 sa Barangay Malaya bayan ng Labo, Camarines Norte. Hindi rin totoo ang iniulat ni Lt. Col. Dennis A. Santos na mayroong isang katribu ang nahuli at kusang nagsuko. Si […]

Pagbuwag sa protestang kontra-mina sa Palawan, kinundena
October 30, 2023

Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan ang pagbuwag sa protesta ng mga grupong kontra-mina sa Barangay Maasin, Brooke’s Point sa Palawan laban sa operasyon ng Ipilan Nickel Corporation (INC) noong Oktubre 25. Nananawagan ang mga nagpuprotesta na kagyat na itigil ang pagmimina at tuluyan na itong isara. Hinaing ng mga grupo, labag ang mga operasyon ng […]

Mamamayang Moro, nagrali sa Maynila at mga syudad sa Mindanao para sa Palestine
October 29, 2023

Nagtipon ang ilandaang Moro sa Luneta Grandstand sa Maynila noong Oktubre 26 para ipahayag ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino at tutulan ang nagaganap na henosidyo ng Israel sa Gaza. Ang protestang ito ay bahagi ng serye ng mga pagkilos na isinagawa ng mga Moro sa Marawi, South Cotabato, Tawi-tawi at Sulu. Sa South Cotabato, […]

Blokeyo sa pagkain, nagdulot ng gutom sa 2 barangay sa Quezon
October 27, 2023

Nagdudulot ng malawakang kagutuman at kahirapan ang blokeyong pang-ekonomya na ipinapataw ng mga yunit ng 2nd ID sa mga barangay ng General Nakar, Quezon. Ang blokeyo ay ipinataw ilang linggo mula nang simulan ng 80th IB, 1st IB at Special Action Forces ng pulis ang kanilang operasyong militar sa naturang bayan noon pang Setyembre. Pangunahing […]