Ang kasapian ng Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma) at mga progresibong edukador ay nagpapahayag ng mahigpit na pakikiisa sa lahat ng mga maliliit na opereytor at tsuper ng jeepney na magwawakas ang prangkisa sa katapusan ng taong 2023 alinsunod sa anti-mamamayang modernization program ng rehimeng US-Marcos. Bagama’t pinalawig ng inutil na Pangulong Marcos ang […]
Inatasan noong Disyembre 28 ng Korte Suprema ang Department of Transportation (DOTr) at ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkomento sa petisyong inihain ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) kontra sa pagpapatupad ng sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVM). Inihain ng Piston […]
Nagmartsa patungong Mendiola sa Maynila ang mahigit 3,000 maliliit na tsuper at opereytor ng dyip at kanilang mga pamilya, kasama ang iba pang demokratikong sektor, noong Disyembre 29. Iginiit nila sa rehimeng US-Marcos ang pagbabasura sa sapilitang konsolidasyon ng prangkisa at dedlayn nito na Disyembre 31. Para sa mga tsuper at opereytor, usapin ito ng […]
Nagtigil-pasada ngayong araw, Disyembre 27, ang mga tsuper sa Davao City sa ilalim ng grupong Transmission-Piston. Ayon sa mga ulat, naparalisa nang 90% ang ruta ng Matina Aplaya at Matina Crossing kaninang alas-7 ng umaga. Nasa 80% naman ang natigil sa transportasyon sa ruta ng Toril. Bahagi ang tigil-pasada sa Davao ng serye ng mga […]
Buung-buo ang suporta ng rebolusyonaryong mamamayan ng TK sa mga driver at maliliit na operator ng mga jeep at UV express vans na kasalukuyang lumalaban para sa kanilang karapatan sa kabuhayan at tunay na makamasang sistema ng pampublikong transportasyon. Makatarungan ang pagpoprotesta at paglulunsad ng tigil-pasada lalo ngayong nalalapit na ang deadline ng franchise consolidation […]
Nagsampa ng petisyon ang mga grupo ng tsuper at opereytor ng pampublikong pampasaherong sasakyan (public utility vehicle o PUV) sa Korte Suprema noong Disyembre 20 para pigilan ang implementasyon ng PUV phaseout sa darating na Enero. Hiniling nila, sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston), na maglabas ng […]
Nagprotesta sa upisina ng Land Transportation Office (LTO) sa Quezon City noong Disyembre 18 ang mga drayber ng bus mula sa iba’t ibang kumpanya upang tutulan ang hindi makatarungang Demerit Points System ng ahensya na ipinatupad noon pang 2019. Pinangunahan ang pagkilos ng Malayang Alyansa ng Bus Employees at Laborers (Manibela). Nagpataw ang naturang sistema, […]
Magkasamang nagmartsa tungong Mendiola sa Maynila sa ikalawang araw ng tigil-pasada noong Disyembre 15 ang grupo ng mga tsuper at opereytor na Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at Samahang Manibela Mananakay at Nagka-Isang Terminal ng Transportasyon (Manibela), at kanilang mga tagasuporta. Ito ay para singilin at panagutin si Ferdinand Marcos […]
Ipinararating ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) ang lubos na pakikiisa sa ilandaang libong drayber at opereytor ng mga jeep na naglunsad ng dalawang-araw na tigil-pasada upang labanan ang harap-harapang pagnanakaw sa kanilang kabuhayan ng rehimeng US-Marcos sa tabing ng “franchise consolidation” at huwad na programa ng “jeepney modernization.” Binabati namin ang mga drayber at […]
Sa unang araw ng tigil-pasada ng mga tsuper at opereytor, nagtayo ng kampuhan ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at No To PUV Phaseout Coalition sa harap ng upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para tutulan ang anti-mahirap na public utility vehicle (PUV) phaseout. […]