Inilunsad ng mga drayber at opereytor ng dyip at iba pang pampublikong transportasyon ang tigil-pasada kahapon, Oktubre 16, para tuligsain ang korapsyon sa loob ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr). Ang tigil-pasada ng mga drayber at opereytor sa pangunguna ng grupong Manibela ay suportado rin ng Pagkakaisa ng […]
Nanawagan ang Pinagkaisang Lakas ng Mamamayan (PLM) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na kagyat na bigyan ng ayuda ang mga maralitang residente ng Payatas, Quezon City na nalubog ng abot-baywang na baha noong huling linggo ng Setyembre. Dismayado sila sa kawalang aksyon ng gubyerno. Anila, ganito palagi ang sitwasyon ng mga residente […]
Marahas na denimolis ng pinagsanib na pwersa ng PNP at lokal na gubyerno ng Valenzuela ang mahigit-kumulang 400 kabahayan sa Block 6 sa Barangay Veinte Reales noong Miyerkules, Hulyo 12. Sugatan ang ilang residente at kanilang mga tagasuporta. Pinagtangkaan pang dakipin kahit ang midya at kabataan na nagdodokumento ng barikada. Ayon sa ulat ng mga […]
Binatikos ng grupong Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) ang inilunsad ng “konsultasyon” ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber at opereytor ng dyip kahapon, Hulyo 7, sa Camp Karingal sa Quezon City. Imbes na kapakanan ng sektor ang pag-usapan, paninira sa mga progresibong grupo ang naging […]
Habang pansamantalang naipagpaliban ang pakanang jeepney phaseout sa Metro Manila, todo na itong ipatutupad sa Davao City. Noong Hunyo 29, pormal nang ibinigay ng Asian Development Bank ang $1 bilyon utang para sa Davao Public Transport Modernization Project, isang proyektong mag-aangkat ng 1,100 bus na magiging pamalit sa mga tradisyunal na dyip. Ginamit ng ADB […]
Binabati ng NDF-Bikol ang lahat ng pamilya ng mga biktima ng madugong drug war ni Duterte sa kanilang tapang at determinasyon na isiwalat sa buong mundo ang mga krimen ng dating pangulo at papanagutin ang lahat ng salarin sa kanilang utang na dugo. Sa kabila ng samu’t saring salimuot, nagsimula nang makapagsumite ng kanilang mga […]
Ipinagdiwang ng grupong Kadamay ang pagdaloy ng tubig sa BFP Pabahay sa Pandi, Bulacan. Binati nito ang mga residente na walang kapaguran at sama-samang ipinaglaban ang kanilang karapatan sa batayang serbisyong panlipunan. “Matapos ang anim na taon ng paghihintay, nakamit na rin sa wakas ng mga taga BFP Pabahay sa Pandi, Bulacan ang kanilang hiling […]
Binatikos ni Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas ang pagpapatupad ng Manila Electric Company’s (Meralco) ng dagdag na singil sa kuryente nitong linggo. Idinadahilan ng kumpanya ang pagsirit ng demand sa panahon ng matinding tag-init. Papatong pa ang taas-singil sa plano ng kumpanya na pagkulekta ng ₱7.9 bilyon na sinasabi nitong […]
Kinundena ng grupo ng maralita na Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang pagpapatipon at pang-reredtag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga maralitang lunsod na kasapi ng Zone One Tondo Organization (ZOTO) at Koalisyon ng Maralita (KnM) sa Caloocan City noong Abril 22. Pinalalabas ng DSWD na ang 300 myembro ng naturang […]
Di bababa sa tatlong komunidad ng maralita sa Tondo at Batangas ang dumanas ng panggigipit, panlilinlang at paninindak mula pangalawang linggo ng Marso. Ayon sa grupong Kadamay, dumating sa komunidad ng Hapilan at Aroma sa Barangay 105, Vitas, Tondo ang humigit-kumulang 90 sundalo ng 11th IB noong Marso 9. Nag-ikot sila para alamin ang kinaroroonan […]