Tutol ang kunwa’y mga “ekonomistang mambabatas” sa Mababang Kapulungan sa panukalang dagdag-sahod na kakarampot na ₱100 na isinusulong ngayon sa Senado. Ayon kina Rep. Stella Quimbo at Rep. Joey Salceda, ang anumang pagtaas ay magreresulta diumano sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin at serbisyo (inflationary) at “pagsasara” ng mga small and medium enterprises (SME.) […]
Inilunsad ng mga manggagawa sa Southern Tagalog, sa pangunguna ng Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (Pamantik-KMU), ang karaban at protesta sa iba’t ibang ahensya ng paggawa ng gubyerno noong Pebrero 5 sa Laguna. Anang grupo, pagsisimula ito ng kanilang kampanya para sa paggunita sa Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Inirehistro nila […]
Southern Tagalog workers, led by Pagkakaisa ng Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (Pamantik-KMU), staged a caravan and protest before various government labor agencies on February 5 in Laguna. The group says these kicks off their campaign in line with Labor Day commemorations on May 1. They called for significant wage increases, job security, and […]
Kasama sa mga nagprotesta laban sa pakanang charter change sa harap ng Senado kahapon, Enero 5, ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Itinaon ang pagkilos sa pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong baguhin ang mga probisyon sa ekonomya ng Konstitusyong 1987. “Dismayado ang mga manggagawa sa buong […]
Tuluy-tuloy ang tanggalan ng mga manggagawa sa industriya ng teknolohiya sa buong mundo nitong taon. Sa unang apat na linggo pa lamang ng 2024, umabot na sa 24,584 manggagawa mula sa 93 kumpanya ang nawalan ng trabaho. Karugtong ito sa paglusaw ng mga kumpanya sa teknolohiya ng 260,000 trabaho noong 2023. Ayon sa mga pagsusuri, […]
Nagsimula na ang panibagong negosasyon ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union (NPIWU) at pamunuan ng Nexperia Philippines para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) para sa 2024 hanggang 2026. Inianunsyo ito ng unyon noong Enero 25. Magaganap ang panibagong negosasyon kasunod ng tanggalan sa mga manggagawa at ilang upisyal ng unyon noong Setyembre 2023. Dumalo sa […]
Hindi bababa sa 80 manggagawa ng SkyCable Corporation ang tatanggalin sa trabaho sa darating na Pebrero 26 matapos maisapinal ng pamunuan ng kumpanya ang pagbebenta nito sa kumpanyang PLDT ni Manny V. Pangilinan. Ang SkyCable ay pag-aari ng mga Lopez. Tatanggalin ang mga manggagawa sa pagdadahilang “redundancy.” Binatikos ng SkyCable Supervisors, Profesional/Technical Employees Union (SSPTEU) […]
Dismayado ang National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) dahil hindi ipinaalam o inilinaw ng pamunuan ng istasyon sa telebisyon na CNN Philippines sa mga manggagawa nito ang usapin kaugnay ng posibleng pagsasara ng kumpanya. Naiulat noong Enero 25 na nagdesisyon umano ang Nine Media Corp. at CNN na ihinto na ang kanilang kasunduan […]
Muling ipinanawagan ng mga manggagwa ng kumpanyang Chun Chiang Enterprises Manufacturing Incorporated (CCEMI) na ibigay na sa kanila ang kanilang separation pay. Labis na itong naantala mula nang magsarado ang kumpanya dahil sa umano’y pagkalugi noong 2022 sa kasagsagan ng pandemya. Nagpoprodyus ang kumpanya ng mga trousers at slacks para sa lalaki. Pag-aari ang pagawaan […]
Nagkaisang iginiit ng mga manggagawang nawalan ng trabaho sa New Zealand ang hindi pa naibibigay sa kanila na sahod nang biglang magsara ang kumpanyang nagkontrata sa kanila. Kasabay nito, itinulak nila ang embahada ng Pilipinas na kagyat na ilabas ang tulong at ayudang nararapat sa kanila. Nawalan ng trabaho ang mahigit 1,000 manggagawa, kabilang ang […]