Archive of Workers

Lider-unyonista ng Daiwa-Seiko Philippines, ginigipit habang papalapit ang negosasyon ng unyon
June 17, 2023

Muling pinuntahan at tinakot ng mga sundalo ang pangulo ng Malayang Unyon ng Daiwa-Seiko Philippines (MUDSP) na si Arvin Mendoza sa kanyang bahay noong Hunyo 10. Batid niya na ang panggigipit ay dahil sa nakatakdang negosasyon para sa collective bargaining agreement (CBA) ng unyon at maneydsment. Nagdulot ng pangamba ang bisita sa pamilya ni Mendoza. […]

Panghihimasok ng militar sa Gardenia at Philfoods, binatikos
June 17, 2023

Binatikos ng unyon ng mga manggagawa sa Gardenia Bakeries Phils at Philfoods Fresh Baked Products ang panghihimasok ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sa pahintulot ng mga kapitalista ng dalawang kumpanya, sa mga planta at internal na usaping pang-manggagawa ng mga ito. Naghain ng reklamo ang Unyon ng mga Panadero sa Gardenia Bakeries Phils […]

Kaso laban sa tatlong nagwelgang tsuper, ibinasura
June 13, 2023

Ibinasura ng Muntinlupa Municipal Trial Court ang kasong isinampa laban sa tatlong tsuper na nagpiket sa kasagsagan ng transport strike na isinagawa noong Marso 7. Ibinalita ito ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston). Anila, ibinasura ang kaso matapos paulit-ulit na hindi sumipot sa mga pagdinig ang mga nagsampa. Ang tatlong […]

₱225 dagdag sahod sa Allgemeine Bau-Chemie Phil, nakamit ng unyon
June 13, 2023

Naiigiit ng unyon ng mga manggagawa sa Allgemeine Bau-Chemie (ABC) Philippines ang kabuuang ₱225 na dagdag-sahod sa pakikipagpanegosasyon ng kanilang unyon (ABC Labor Union) para sa kanilang collective bargaining agreement noong nakaraang linggo. Ang ABC-Philippines ay isang kumpanyang sosyohan ng Pilipino at Austrian na gumagawa ng mga materyal pangkonstruksyon. Bukod dito, makatatamasa ang mga manggagawa […]

Mga unyon sa Laguna, binweltahan ang NTF-ELCAC
June 09, 2023

Pinangunahan ng unyon ng Gardenia at Philfoods ang mga manggagawa ng Laguna sa pagpiket sa Sta. Rosa noong ika-6 ng Hunyo bilang pagpapamalas ng pagtutol nila sa serye ng harasment at pagdalaw ng mga sundalo at NTF-ELCAC sa kanilang mga pabrika para mang red-tag sa mga unyonista sa mga inilulunsad nitong mga seminar. “Mariin naming […]

Mga welga para sa dagdag-sahod, nagpapatuloy sa UK at US
June 05, 2023

Tumigil ang mga tren sa England noong Hunyo 3 nang ikasa ng 12,000 drayber sa ilalim ng Associated Society of Locomotive Engineers and Firemen (ASLEF) ang 24-oras na welga para sa karampatang kumpensasyon ng kanilang obertaym at mas makataong kundisyon sa paggawa. Umaabot sa 60% ng serbisyong tren ang naparalisa. Pangalawang aksyon na ito ng […]

700 empleyado ng Duty Free Philippines, sisipain
June 03, 2023

Nakatakdang tanggalin sa trabaho ang 700 empleyado ng Duty Free Philippines (DFP), isa sa mga government-owned and -controlled corporation o GOCC na target ng pakanang “right-sizing” ng rehimeng Marcos. Noong Mayo, natanggap ng mga kasapi ng United Workers of Duty Free Philippines ng pangalawang pabatid para sa “reorganisasyon” ng kumpanya. Sa pabatid na ito, pinapili […]

Ibang unyon ng Nestle, sumuporta sa laban ng unyon sa Wyeth-Nestle Laguna
June 02, 2023

Nagpadala ng pinag-isang sulat sa upisina ng Nestle Philippines ang mga lider-unyon ng mga pabrika ng Nestle sa Cagayan de Oro City at Lipa, Batangas noong Mayo 26 para batikusin ang iligal na tanggalan ng kapwa nila manggagawa sa Wyeth Production Plant sa Canlubang, Laguna. Sa naturang sulat, binanggit nila ang nakasulat na patakaran ng […]

Mga manggagawa sa Paperland Inc, nakatakdang magwelga
May 28, 2023

Naghapag ng notice of strike (NoS) ang mga manggagawa ng Paperland Inc noong Mayo 26 matapos ma-deadlock ang negosasyon para sa collective bargaining agreement nito para sa taong 2022-2025. Nagpasyang magwelga ang mga manggagawa matapos tanggihan ng maneydsment ang lahat ng hinihinging dagdag na probisyon sa ekonomya at pulitika sa binubuong CBA. Panawagan ng mga […]

Mga manggagawang Bikolano, makipagkaisa sa mga iligal na tinanggal na Wyeth-Nestle workers
May 27, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Revolutionary Council of Trade Unions-Bicol |

Ipinapaabot ng Revolutionary Council of Trade Unions – Bikol (RCTU-Bikol) ang mahigpit na pakikipagkaisa sa 140 manggagawa ng Wyeth-Nestle na iligal na tinanggal at pinagbawalang pumasok mula nitong Mayo 18. Hindi makatwiran ang ginawang biglaang lockout sa mga manggagawa kabilang na ang 10 upisyal ng unyon. Sa panahon ng matinding kagipitan at kahirapan, ang pagtatanggal […]