Archive of Workers

Mga sinisanteng manggagawa ng Jollibee sa US, nagprotesta
July 10, 2023

Nagprotesta ang sinisanteng mga manggagawa ng Jollibee Food Corporation sa restawran ng kumpanya sa Journal Square sa Jersey City, New Jersey, sa US noong Hulyo 6. Inilunsad nila ang pagkilos matapos magsumite ng reklamo sa US National Labor Relations Board noong nakaraang linggo at planong pagsumite ng sulat sa maneydsment ng Jollibee na tinanggihan ng […]

Pekeng konsultasyon ng LTFRB, kinundena
July 08, 2023

Binatikos ng grupong Piston (Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide) ang inilunsad ng “konsultasyon” ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga drayber at opereytor ng dyip kahapon, Hulyo 7, sa Camp Karingal sa Quezon City. Imbes na kapakanan ng sektor ang pag-usapan, paninira sa mga progresibong grupo ang naging […]

2 linggong protestang manggagawa, nagpapatuloy sa Korea
July 07, 2023

Tinatayang aabot sa kalahating milyong Koreano ang lalahok sa dalawang linggong welgang bayan sa Korea sa pangunguna ng Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) laban sa rehimeng Yoon Suk-yeol na nagsimula noong Hulyo 3 at tatagal hanggang Hulyo 15. Iginigiit ng mga unyon ang pagbaba sa pwesto ng anti-manggagawa at maka-negosyong si Yoon, pagpapahinto sa […]

₱40 dagdag-sahod sa Metro Manila, tinipid at binarat—KMU
June 30, 2023

Inianunsyo kahapon ng Department of Labor of Employment (DOLE) ang pagpapatupad ng kakarampot na ₱40 na dagdag-sahod o katiting na 7% pagtaas sa National Capital Region matapos desisyunan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang hiling ng mga manggagagawa. Ayon sa sentrong unyon na Kilusang Mayo Uno (KMU), “tinipid at binarat […]

Panggigipit sa manggagawang Korean, tumitindi
June 29, 2023

Nakiisa ang mga manggagawang Pilipino sa manggagawang Koreano sa kanilang laban sa tumitinding panunupil ng estadong Korean at di makataong kundisyon sa paggawa sa South Korea. Nakiisa sila, kasama ang International League of People’s Struggles, sa Korean Construction Workers Union (KCWU) at sa Korean Confederation of Trade Unions (KCTU) sa pakikibaka ng mga ito sa […]

Busabos na kalagayan ng mga marino, binatikos
June 26, 2023

Ginunita kahapon ang International Day of Seafarers sa iba’t ibang panig ng mundo na nagtuon ng pansin sa labis na busabos na kalagayan ng mga marino o mga manggagawa sa mga barko at dagat. “Nanggagaling sa pinakamahihirap na bansa ang mga seafarer,” ayon sa grupong Migrante, sa isang pahayag ng pakikiisa. “Tumatanggap sila ng mabababang […]

Mga tsuper at opereytor, nagpiket sa LTFRB
June 22, 2023

Nagtungo ang maliliit na tsuper at opereytor ng dyip sa upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office sa Quezon City noong Lunes, Hunyo 19, upang muling igiit ang pagbabasura sa kontra-mahirap na Omnibus Franchising Guidelines na salalayan ng jeepney phaseout ng gubyerno. Inilabas ang naturang atas ng LTFRB noong 2017. Iginigiit […]

Unyon ng CENECO, magwewelga kontra pribatisasyon
June 21, 2023

Naghain ng Notice of Strike noong Hunyo 19 sa National Conciliation and Mediation Board ang CENECO Union of Rationale Employees (CURE) para labanan ang pagpapatupad ng pinirmahang Joint Venture Agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Electric Holdings Inc at Central Negros Electric Cooperative (CENECO). Anila, isasapanganib ng kasunduang ito ang trabaho ng mga empleyado at […]

Pag-empleyo ng mga di pasadong nars, di angkop na solusyon
June 20, 2023

Binatikos ng Fiiipino Nurses United (FNU) ang pakana ng bagong kalihim ng Department of Health na si Teodoro Herbosa na mag-empleyo ng mga bagong gradweyt na nars na hindi nakapasa sa nursing board o pagsusulit para sa sertipikasyon ng mga nars. “Hindi ito angkop na solusyon sa kakulangan ng mga nars,” ayon sa FNU. “Ang […]

10 sinesante sa Wyeth-Nestle, napabalik ng unyon
June 19, 2023

Naigiit ng Wyeth Philippines Progressive Workers Union (WPPWU) DFA-KMU ang pagbabalik sa di bababa sa 10 manggagawa na tinanggal ng kumpanya sa pangatlo at huling pakikipagnegosasyon nito sa maneydsment noong Hunyo 16 sa Calamba, Laguna. Mula ito sa panawagang ibalik ang 145 na manggagawa. Kabilang dito ang pangulo at apat na upisyal ng unyon. “Natira […]