Nakiisa ang National Democratic Front (NDF)-Mindoro sa panawagan ng mamamayang Mindoreño na agarang tugunan ang hinaing ng mga pamayanang sinalanta ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero. Anang NDF-Mindoro, apektado ng sakuna ang hindi bababa sa 76 na mga barangay sa siyam na bayan. […]
Nananawagan ang Jose Rapsing Command – Bagong Hukbong Bayan Masbate sa mga Masbatenyo, laluna sa mga mamamayan ng Mobo na alisin ang takot at sama-samang labanan ang panibagong atakeng militar sa kanilang bayan. Nagsisilbi ang muling pagsasailalim ng Mobo sa okupasyong militar para bigyang-daan ang pagpapalawak ng operasyon ng dambuhalang minang Filminera – Masbate Gold […]
Makatarungan at nararapat na paigtingin ang mga pakikibaka ng mamamayan laban sa pagmimina sa harap ng mga pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte na isulong ito bilang “solusyon” sa bagsak na ekonomya ng Pilipinas matapos ang pandemya. Kaisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng sambayanan para tutulan at pigilan ang mapaminsalang pagmimina sa rehiyon at buong bansa. […]
Nagprotesta noong Pebrero 28 ang Youth Advocates for Climate Action Philippines (YACAP), Pamalakaya at iba pang grupo sa harap ng Dusit Thani Hotel sa Makati City para igiit na papanagutin ang mga rehiyon at bansang mayayaman at makapangyarihan na tinaguriang “Global North” na pangunahing pinangagalingan ng matinding polusyon na nagpapalubha sa climate change. Itinaon ang […]
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa mamamayang Palaweño at buong bansa na suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka at natibong Palaw’an sa Brooke’s Point laban sa mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation. Mula Pebrero 18, nagbarikada ang mga residente sa sayt ng mina sa Brgy. Maasin para igiit sa pambansang gubyernong ipahinto […]
Nagtayo ng barikadang bayan ang mga residente ng Brooke’s Point, Palawan noong Pebrero 18 para ipatigil ang iligal at mapangwasak na mga operasyong mina ng Ipilan Nickel Corporation (INC) sa lugar. Ayon sa mga grupong maka-kalikasan, nag-oopereyt ang minahan kahit walang permiso mula sa lokal na gubyerno. Itinayo nila ang barikada matapos tumangging sumunod ang […]
Magpapalala lamang sa climate crisis ang planong itayong waste-to-enery (WTE) incinerator ng lokal na gubyerno ng Davao City. Magsusunog ito ng mga plastik at lilikha ito ng greenhouse gas at nakalalasong usok, ayon sa mga grupong maka-kalikasan. “Hindi WTE incinerator ang sagot sa limitadong kapasidad para sa koleksyon at segregation (paghiwa-hiwalay) ng basura ng Davao […]
Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon na tumindig at nagbarikada laban sa pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa isla ng Sibuyan. Dahil sa kanilang paglaban, naobliga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang konstruksyon ng causeway project at iba pang aktibidad ng APMC doon. Makatwiran ang pagpapatigil ng […]
Nagpahayag ng pangamba at pagkundena ang Kalikasan People’s Network for the Environment sa planong pagtatayo ng anim na nuclear power plant sa bayan ng Labrador, Pangasinan. Iniulat ang naturang impormasyon ng Pangasinan People’s Strike for the Environment (PPSE). Naisiwalat ang naturang plano ng lokal na gubyerno matapos dumulog ang mga residente ng bayan sa PPSE […]
Dahil sa mga barikada at sama-samang pagkilos ng mga residente ng Sibuyan Island, natulak ang Altai Philippine Mining Corporation (APMC) na pansamantalang itigil ang mga operasyon nito noong Sabado, Pebrero 4. Napatigil ito matapos mabunyag sa publiko ang maraming paglabag ng kumpanya sa batas at pangwawasak nito sa kapaligiran. Sa harap ng malakas na panawagan […]