Archive of Environment

Ipagtanggol ang isla ng Sibuyan, Romblon mula sa mapanirang pagmimina!
February 13, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon na tumindig at nagbarikada laban sa pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa isla ng Sibuyan. Dahil sa kanilang paglaban, naobliga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang konstruksyon ng causeway project at iba pang aktibidad ng APMC doon. Makatwiran ang pagpapatigil ng […]

Pagtatayo ng anim na nuclear power plant sa Pangasinan, tinututulan
February 06, 2023

Nagpahayag ng pangamba at pagkundena ang Kalikasan People’s Network for the Environment sa planong pagtatayo ng anim na nuclear power plant sa bayan ng Labrador, Pangasinan. Iniulat ang naturang impormasyon ng Pangasinan People’s Strike for the Environment (PPSE). Naisiwalat ang naturang plano ng lokal na gubyerno matapos dumulog ang mga residente ng bayan sa PPSE […]

Operasyong pagmimina sa Sibuyan Island, pansamantalang napatigil
February 05, 2023

Dahil sa mga barikada at sama-samang pagkilos ng mga residente ng Sibuyan Island, natulak ang Altai Philippine Mining Corporation (APMC) na pansamantalang itigil ang mga operasyon nito noong Sabado, Pebrero 4. Napatigil ito matapos mabunyag sa publiko ang maraming paglabag ng kumpanya sa batas at pangwawasak nito sa kapaligiran. Sa harap ng malakas na panawagan […]

Pinasasahol ng bulok na sistema ang epekto ng mga natural na sakuna
February 01, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Bicol | Ma. Roja Banua | Spokesperson |

Nais palabasin ng rehimeng Marcos Jr. na wala itong papel sa nangyayaring tuluy-tuloy na pananalanta ng natural na sakuna at mga epekto ng pagbabago ng klima sa bansa. Na ang tangi nitong magagawa ay magbigay ng ayuda at sagipin ang mga binaha, ginuhuan ng lupa at iba pa. Ngunit ang totoo, ang maka-dayuhan at maka-kapitalistang […]

NDF-EV lambasts state terrorists, corporate plunderers over extreme flooding, landslides in vulnerable communities
January 27, 2023 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Eastern Visayas |

The National Democratic Front – Eastern Visayas today said the extreme flooding and landslides experienced in the region and other parts of the country must prompt the people to exact climate justice and demand accountability over the environmental crimes perpetrated by big capitalists, landlords, government agents and their mercenary security forces. The NDF-EV said that […]

Matitinding pagbaha sa Palawan, isinisi sa pagmimina
January 08, 2023

Lubog sa baha ang bayan ng Brooke’s Point sa Palawan nitong linggo sa walang awat na pag-ulan mula simula ng taon dulot ng “shear line” o pagdudutong ng magkaibang direksyon ng hangin, kakumbina ang mga pag-ulan at low-pressure area. Noong Huwebes, 3,841 pamilya o 18,082 mga residente na ang napilitang magbakwit patungo sa mas mataas […]

Chad Booc, kinilala bilang bayani ng kalikasan
December 31, 2022

Ginawaran ng Center for Environmental Concerns (CEC) bilang “Most Distinguished Awardee” si Chad Booc sa inilunsad nitong 7th Gawad Bayani ng Kalikasan noong Disyembre 28. Pinili ng CEC si Booc dahil sa kanyang walang patid na pagtatanggol sa karapatan ng mga Lumad sa kanilang lupang ninuno at sa kalikasan laban sa mga mapaminsalang mina. Ikinalugod […]

Kagubatan, nasira sa pambobomba ng AFP sa Northeast Mindanao
December 20, 2022

Halos 100 mga puno ang nasira sa inilunsad na pambobomba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kagubatan ng Mt. Hilong-Hilong sa hangganang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Sur noong Nobyembre 30. Nag-iwan din ito ng malalaking butas sa lupa (crater) na may lalim na hanggang […]

Konstruksyon ng Kaliwa Dam, iraratsada ngayong Pasko?
December 13, 2022

Pilit inilulusot ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagtutuloy sa konstruksyon ng New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project. Ayon sa pahayag ng adminstrador ng MWSS na si Leonor Cleofas noong Disyembre 12, “kumpleto” na ang lahat ng permit ng proyekto dahil “pinirmahan” na ito ng mga katutubong komunidad sa Rizal at Quezon. Kinumpirma […]

Climate justice, sigaw ng mamamayang Pilipino
November 13, 2022

Nakikiisa ang iba’t ibang grupong pangkalikasan at demokratiko sa Global Day of Action for Climate Justice na isinagawa kahapon, Nobyembre 12, sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang internasyunal na pagkilos ay itinaon sa ika-27 Conference of the Parties of the UNFCCC (COP27) na nagaganap sa Sharm el-Sheikh, Egypt mula Nobyembre 6 hanggang 18. Ang […]