Archive of Sectoral

Ang Pakikipagsapalaran ni Jeremy Gardinero
December 07, 2022

“Manong, bagsak ang presyo ng patatas sa NVAT, trenta lang,” bungad ng isang lalaki, maliit at bilugan, pagkababa mula sa trak. “Pero singkwenta raw ang repolyo sa La Trinidad.” “Ania ngay, wrong timing” sabi ni Jeremy, malayong pinsan niya, balingkinitan at mas matangkad ng ilang pulgada, habang umiiling. “Swerte ng mga umani ng repolyo, nakatsamba […]

Rebolusyonaryong samahan ng manggagawang pangkalusugan, nagraling-iglap
December 07, 2022

Tahimik na nagtipon at surpresang nagmartsa kahapon sa kahabaan ng Carriedo Avenue sa Lunsod ng Maynila ang mga kasapi ng Makabayang Samahang Pangkalusugan (MSP), ang rebolusyonaryong organisasyon ng mga manggagawang pangkalusugan. Bahagi ito ng paggunita sa ika-44 anibersaryo ng kanilang organisasyon. Sa maiksing programa, ipinabatid ng MSP ang pangangailangang lumahok sa armadong rebolusyon ng mga […]

Alyansa para ipabasura ang SIM registration, inilunsad
December 04, 2022

Nagtipun-tipon kahapon sa Quezon City ang mga eksperto sa komunikasyong digital, tagapagtaguyod ng karapatang-tao, at iba pang grupo para ilunsad ang isang network na magkakampanya para ipabasura ang SIM Card Registration. Ipinasa ang batas para rito noong Oktubre at sisimulan na ang pampublikong pagidinig kaugnay ng implementing rules and regulations nito sa Disyembre 5. Sa […]

Nob 30: Araw ni Bonifacio at ng Masang Anakpawis
December 02, 2022

Nagmartsa mula Liwasang Bonifacio tungong paanan ng Mendiola sa Lunsod ng Maynila ang mga manggagawa, maralitang-lunsod at iba pang mga sektor bilang paggunita sa ika-159 Araw ni Bonifacio na idineklara din nilang Araw ng Masang Anakpawis. Panawagan nila ang pagtataas ng sahod, at pagbaba ng presyo ng mga bilihin. Sa minimun, dapat itaas ang sahod […]

Minimum ng mga manggagawang pangkalusugan, itaas sa 33k!
November 26, 2022

Nagsagawa ng noise barrage o pag-iingay sa harap ng Department of Health sa Lunsod ng Maynila ang iba’t ibang unyon sa ilalim ng Alliance of Health Workers (AHW) noong Huwebes, Nobyembre 24. Ito ay para hinging itaas tungong ₱33,000 ang minimum na sweldo ng mga manggagawang pangkalusugan katulad sa pribado at pampublikong sektor. Ito rin […]

Itaas ang sweldo, panawagan ng mga kawani ng gubyerno
November 24, 2022

Nagtipon sa Quezon City noong Nobyembre 22 ang iba’t ibang pederasyon ng mga kawani ng gubyerno para ipahayag ang kanilang pagkakaisa para itaas ang sweldo ng mga kawani, katiyakan sa trabaho at karapatan sa pag-uunyon. Kabilang sa mga dumalo ang Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Kapisanan ng mga Manggagawa sa […]

Summit na inilunsad ng NCIP, binatikos ng mga katutubo
November 23, 2022

Nagprotesta ang mga grupo ng pambansang minorya sa harap ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Nobyembre 16 para kundenahin ang inilunsad na summit ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) sa loob ng mismong kampo ng AFP sa araw na iyon. Ayon kay Bai Eufemia Cullamat, isang Lumad at Council Member ng Sandugo, “walang […]

Manggagawang pangkalusugan ng RITM, tutol sa balak na pagsasara sa ospital
November 21, 2022

Naglunsad ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) noong Nobyembre 18 para batikusin ang bantang pagpapasara ng ospital. Kinundena rin nila ang hindi pagbabayad ng kanilang Health Emergency Allowance para sa Hulyo-Disyembre 2021 at Hulyo-Disyembre 2022. Pinangunahan ng Alliance of Health Workers (AHW) ang naturang pagkilos. Nangangamba ang mga […]

Grupo ng mga freelancer na mamamahayag, planong itatag
November 21, 2022

Inirekomenda ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pagtatayo ng gremyo ng mga mamamahayag na freelancer. Ang rekomendasyon ay batay sa isang pag-aaral na ginawa ng organisasyon kaugnay sa kalagayan ng mga freelance na mamamahayag. Ipinrisenta ang pag-aaral sa isa sa mga pulong ng organisasyon noong Nobyembre 19. Malugod itong tinanggap ng […]

Mga kabataan, nagprotesta kontra ROTC, kaltas-badyet at panunupil
November 20, 2022

Naglunsad ng koordinadong protesta ang mga progresibong organisasyon ng kabataan noong Nobyembre 17 bilang paggunita nila sa International Students’ Day. Panawagan nila ang maayos at ligtas na harapang klase, pagtutol sa mandatory ROTC, kaltas-badyet sa mga state university and college at ang nagpapatuloy na panunupil sa kanilang sektor. Ilang daang kabataan ang nagmartsa mula Morayta […]