Archive of United Front

Kagyat na pagpapalaya kay Leila de Lima, muling ipinanawagan
October 10, 2022

Muling ipinanawagan ng iba’t ibang sektor at grupo ang kagyat na pagpapalaya sa dating senador na si Leila de Lima. Ito ay matapos na siya’y maging hostage kahapon ng isang detenido sa pinagbibimbinan niya sa PNP Costudial Center sa Camp Crame sa Quezon City. Isa sa mga nagpahayag ng pangamba sa insidente ang Gabriela Women’s […]

Prente laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon, inilunsad
October 02, 2022

Pormal na inilunsad noong Setyembre 28 ang International People’s Front (IPF), isang nagkakaisang prente laban sa imperyalismo at lahat ng reaksyon, sa Phuket, Thailand. Higit 40 delegado ang nagpulong sa loob ng higit isang linggo. Nilahukan ito ng marami pang iba sa pamamagitan ng internet. Nagmula ang mga delagado sa mga rehiyong North at Latin […]

Imbestigasyon ng ICC sa mga krimen ni Duterte, tuluy na tuloy na
September 28, 2022

“Walang merito” o hindi makatatayo ang argumento ng gubyerno ng Pilipinas laban sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court sa mga krimen laban sa sangkatauhan ng nagdaang rehimeng Duterte. Ito ang naging tugon ni Karim Khan, prosekyutor ng korte, sa pusisyon ng gubyerno ng Pilipinas na hindi na dapat ituloy ng ICC ang kaso. […]

Pakikiisa sa paggunita sa ika-50 anibersaryo ng Batas Militar, ipinaabot ng CPI (Maoist)
September 21, 2022

Ipinaabot ni Kasamang Amrut, tagapagsalita ng Communist Party of India (CPI-Maoist) para sa internasyunal na mga usapin, ang pakikiisa sa paggunita ng sambayanang Pilipino sa ika-50 anibersaryo ng deklarasyon ng batas militar ngayong araw. Ayon kay Kasamang Amrut, dapat bigyan ng rebolusyonaryong pagpupugay ang lahat ng mga martir at nag-alay ng buhay sa paglaban sa […]

Suportahan ang panunumbalik ng negosasyong pangkapayapaan, ipaglaban ang pangmatagalan at makatarungang kapayapaan!
September 05, 2022 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Positibo ang mga pagsisikap ni Senador Loren Legarda at mga makabayan at progresibong kongresista sa Kamara na muling buksan ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP. Kapuri-puri ang pagsuporta rito ng mga taong simbahan, makataong institusyon at mamamayan sa gitna ng pakana ng mga alipores ng ilehitimong rehimeng Marcos II na pigilan ito. […]

Labi ng batang biktima ng gera kontra-droga, hinukay para muling ma-awtopsiya
August 16, 2022

Tumungo kahapon, Agosto 15, ang mga kaanak ni Kian de los Santos, biktima ng “gera kontra-droga” ng rehimeng Duterte, sa La Loma Cemetery sa Maynila para i-exhume (hukayin o ilabas sa nitso) ang kanyang mga labi. Ngayong araw ang katapusan ng upa sa nitso sa sementeryo. Ang pag-exhume ay isinagawa sa tulong ng Project Arise, […]

Kasong panunuhol laban kay Sen. de Lima, ibinasura ng Ombudsman
August 11, 2022

Isinapubliko ng upisina ng Ombudsman kahapon, Agosto 10, ang resolusyong nagbabasura sa kasong panunuhol laban kay dating Sen. Leila de Lima at kanyang badigard na si Ronnie Dayan. Ang resolusyon ay nabuo noon pang Enero 5 pero ipinaalam sa upisina ng senador noon lamang Agosto 8. Ibinasura ng Ombudsman ang kaso dahil sa “malalaking di pagkakatugma” […]

Abugadong Pinoy, ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty
August 11, 2022

Ginawaran ng 2022 Roger N. Baldwin Medal of Liberty si Angelo Karlo Guillen, ang Pilipinong abugado na nakabase sa Panay, dahil sa kanyang pagtataguyod sa karapatang-tao sa Pilipinas. Ang naturang karangalan ay nakapangalan kay Baldwin, ang pangunahing tagapagtatag ng American Civil Liberties Union (ACLU) at International League for Human Rights. Iginawad sa kanya ang karangalan […]

Bukas na liham para sa mga CAFGU at armadong grupo ni Brgy. Captain Adriel “Boyet” Besana
August 03, 2022 | New People's Army | Bicol Regional Operational Command (Romulo Jallores Command) | NPA-Masbate (Jose Rapsing Command) | Luz del Mar | Spokesperson |

Madalas kayong ginagawang bantay sa gabi habang mahimbing na natutulog ang mga militar at si Brgy. Captain Adriel ”Boyet” Besana. Ginagawa kayong mga giya at pain sa kanilang operasyon. Ipinapaloob sa intel upang mangalap ng impormasyon laban sa rebolusyonaryong kilusan at New Peoples Army. Pinaggagawa kayo ng kampo at katulong habang kakarampot lang ang natatanggap […]

Pagpapatuloy ng imbestigasyon ng ICC, napapanahon at kinakailangan
June 25, 2022

Ikinalugod ng grupong Rise Up ang desisyon ng international Criminal Court na ipagpatuloy ang pormal na imbestigasyon sa mga krimen laban sa sangkatuhan ni Rodrigo Duterte at mga kasapakat kaugnay sa madugong “gera kontra-droga” ng kanyang rehimen. Tinapos nito ang pansamantalang pagpapaliban na noo’y hiningi ng gubyerno ng Pilipinas. Ayon sa ICC, nakita nitong hindi […]