Pahayag

Artista ng Bayan, isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan upang labanan ang gerang agresyon ng imperyalistang US sa Iran

,

Download: PDF

Mataas na pinagpupugayan ng Artista at Manunulat ng Sambayanan (ARMAS)-Balangay Felix Salditos, ang mamamayan ng Iran at lahat ng aping bayan na nilalabanan ang gerang agresyon at terorismo ng imperyalistang US.

Mula Pebrero 28, walang tigil ang pambobomba ng US at Israel sa Iran. Kabilang dito ang paaralan kung saan nasawi ang 160 na mga estudyante, mga gusaling sibil, at ospital. Higit 1,000 na Iranian ang naitalang namatay sa limang araw ng pambobomba ng imperyalistang US at zionistang Israel.

Deka-dekada na ang terorismo ng US sa Middle East gaya ng pagsalakay sa Iraq, paglusob sa Lebanon, at ang henosidyo sa Palestine. Malinaw ang pakay ng imperyalistang US sa Middle East na dambungin at kontrolin ang mayamang rekurso nito, at ng Zionistang Israel na magtayo ng hegemonya nito sa rehiyon.

Hindi malayo ang nangyayari sa Middle East sa nangyayari sa Pilipinas. Sa tumitinding imperyalistang tunggalian, lumalala rin ang pag-uudyok ng gera sa China o pagpalibot rito sa First Island Chain Strategy nito. Sa pahintulot ng papet na estado ng Pilipinas, dumarami ang EDCA sites, na sa totoo’y mga base-militar ng US sa iba’t ibang panig ng bansa, at pinagsisilbing lunsaran o launching pad laban sa China. Nilalagay nito sa kapahamakan ang sambayanang Pilipino dahil tiyak ay magiging target sa pagputok ng pandaigdigang gera sa Asya.

Ramdam na ramdan ng mamayang Pilipino ang imperyalistang sigalot. Patuloy na tumataas ang presyo ng langis. Sa mga magsasaka, lalong tataas ang gastos sa produksyon dahil magtataasan ang presyo ng inputs, transportasyon, at langis para sa mga makinarya at irigasyon. Lulundo ito sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyong pampubliko gaya ng kuryente, tubig, transportasyon na aapektuhan ang mga katulad nating creative workers, propesyunal, estudyante, at bawat mamamayan.

Wasto ang paglaban ng Iran sa gerang agresyon ng US. Gayundin ay wasto ang paglaban ng masang Pilipino sa lumamalang panghihimasok ng US. Wasto ang pagtangan ng armas upang pabagsakin ang ugat ng kahirapan sa Pilipinas–ang salot na imperyalismo, mga papet nitong burukrata kapitalismo, at ang nagpapanatali ng atrasadong kaayusan sa kanayunan na pyudalismo.

Bilang mga artista ng bayan, malaki ang hamon na tanganan ang landas ng rebolusyon upang makamit ang tunay na kalayaan, pambansang soberanya, at kalayaan sa pagpapahayag. Sa tagumpay ng Demokratikong Rebolusyong Bayan at pagsulong ng sosyalistang lipunan, maitataguyod natin ang Tunay na Reporma sa Lupa at Pambansang Industriyalisayon na siyang magiging tuntungan ng tunay na kaunlaran sa kanayunan at buong bansa para sa kapakinabangan ng sambayanan.

Isusulong natin ang lipunang may kakayahang magsarili. Lilikha tayo ng mga hilaw na materyales para sa pambansang konsumpsyon, hindi para sa eksportasyon, at ititigil ang pag-asa sa importasyon ng mga batayan at produktong agrikulutral. Magtatayo rin tayo ng mga industriyang lilikha para sa pangangailangan at interes ng sambayan.

Mahigpit ang pangangailangan sa paglahok ng mga manggagawang pangkultura sa matagalang digmang bayan. Itaguyod ang makabayan, siyentipiko, at pang-masang kultura. Gamitin ang kasanayan, talento, at sining para ilantad ang terorismo ng imperyalistang US. Magrekluta ng mga rebolusyonaryong artista ng bayan at magpalawak ng hanay. Tanganin ang landas ng rebolusyon–tumungo sa kanayunan, sumapi sa Bagong Hukbong Bayan, itaguyod ang pamumuno ng Partido Komunista ng Pilipinas at ang Kilusang Pagwawasto, at ipagtagumpay ang Demokratikong Rebolusyong Bayan.

Artista ng Bayan, isulong ang Demokratikong Rebolusyong Bayan upang labanan ang gerang agresyon ng imperyalistang US sa Iran