KAGUMA-Bikol sa pahayag ni DepEd Sec. Briones na bigyan ng award ang mga guro bilang motibasyon

Hindi award ang kailangan ng mga guro kundi sapat at kaukulang suporta sa sektor ng edukasyon! Matagal nang mataas ang kanilang motibasyong paghusayin ang pagtuturo at magbahagi ng kaalaman sa mga bata at estudyante. Mapa-modular o face-to-face classes, sila ang pumapasan ng gastos para sa kanilang mga klase – mula sa pag-print ng mga modyul, pagbili ng mga bond paper para sa mga exam at module, load para sa internet, gadgets at marami pang iba. Kung magprotesta man sila upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan, binabansagan naman silang terorista at dinadahas!

Nananawagan ang Katipunan ng mga Gurong Makabayan-Bikol na magkaisa ang lahat ng guro at ang mamamayan sa buong bansa upang kundenahin ang kapabayaan ng DepEd at ng gubyerno! Igiit ang sapat na pondo para sa serbisyong pang-edukasyon at mga karapatan ng mga guro sa bansa.

KAGUMA-Bikol sa pahayag ni DepEd Sec. Briones na bigyan ng award ang mga guro bilang motibasyon