Archive of Statements

Ipagbunyi ang ika-61 anibersaryo ng Kabataang Makabayan! Isulong ang digmang bayan hanggang sa tagumpay!
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Cavite | Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) | Marjorie Topacio | Spokesperson |

Buong tatag at giting na sinasalubong ng mga Kabataang Kabitenyo ang araw na ito upang ipagdiwang ang ika-61 anibersaryo ng pagkakatag ng Kabataang Makabayan sa perspektibang pagtagumpayan ang pambansa demokratikong rebolusyon sa kumpas ng Kilusang Pagwawasto. Gayong nasa rurok ngayon ang ahitasyon ng taumbayan dulot ng sistematikong korapsyon at katiwalian, marapat lamang na sagpangan ng […]

Kabataang Lagunense, isulong ang digmang bayan!
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Laguna | Kabataang Makabayan-Laguna | Victoria Madlangbayan | Spokesperson |

Pinagpupugayan ng lahat ng rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna ang ika-61 anibersaryo ng Kabataang Makabayan, kasabay ang kaarawan ng dakilang proletaryadong si Gat Andres Bonifacio! Nang itinatag ang KM noong 1964, tanda ito ng pangunguna ng kilusan ng kabataan-estudyante sa pagmulat sa malawak na hanay ng sambayanang Pilipino upang itaguyod ang pambansang demokratikong rebolusyon […]

Biguin ang kampanyang supresyon at maglingkod sa bayan sa landas ng rebolusyon
November 30, 2025 | New People's Army | Southern Tagalog Regional Operational Command (Melito Glor Command) | Cleo del Mundo | Spokesperson |

Binabati ng Melito Glor Command-NPA Southern Tagalog ang Kabataang Makabayan sa ika-61 anibersaryo nito. Taas kamao kaming nagpupugay sa kapangahasan at kasigasigan ninyong sumuong sa pakikibaka at pangunahan ang iba’t ibang pagkilos upang tutulan at labanan ang laganap na korapsyon ng rehimeng US-Marcos II. Libu-libo ang lumalahok na kabataan sa mga mobilisasyong kontra-korapsyon at kasabay […]

Kamtin ang tunay na hustisyang pangkalikasan at panlipunan sa pamamagitan ng digmang bayan
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Pangmatagalang hakbangin at hustisyang pangkalikasan at panlipunan ang kailangan ng Palawan, hindi huwad na proyekto at mga pabalat-bungang solusyon ng pambansa at lokal na gubyerno. Ito ang hiyaw ng mamamayang Palaweño sa papatinding epekto ng mga bagyo at natural na kalamidad na tumatama sa bansa ilang beses sa buong taon. Ngayong buwan, matinding pangwawasak na […]

Pag-alabin ang diwang rebolusyonaryo ni Andres Bonifacio at lahat ng bayani ng rebolusyon! Kabataang Ilokano, sumampa sa NPA!
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Ilocos | Rosa Guidon | Spokesperson |

Ngayong Araw ni Andres Bonifacio, ang makabayan at rebolusyonaryong adhikain ng sambayanang Pilipino ay naglalagablab upang tuluyan nang wakasan ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo at itayo ang lipunang malaya, payapa, sagana at pantay-pantay. Ang apoy ng armadong rebolusyon na sinindihan ni Andres Bonifacio ay patuloy na nagliliyab at lumalaganap sa buong bansa. Itinatanghal natin […]

Pagil-ayaben ti rebolusyonaryo a pakinakem ni Andres Bonifacio ken amin a banwar ti rebolusyon! Kabataan nga Ilokano, sumampa iti NPA!
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Ilocos | Rosa Guidon | Spokesperson |

Tatta nga Aldaw ni Andres Bonifacio, ti patriyotiko ken rebolusyonaryo a tarigagay ti umili a Pilipino ket gumilgil-ayab tapno magibusanen ti imperyalismo, pyudalismo ken burukrata kapitalismo ken buangayen ti gimong a nawaya, natalinaay, nasaliwanwan ken pada-pada. Ti apoy ti armado a rebolusyon a ginangtan ni Andres Bonifacio ket agtultuloy a gumilgil-ayab ken sumaksaknap iti intero […]

Isulong ang rebolusyong Pilipino para ibagsak ang imperyalismo, pyudalismo at burukrata-kapitalismo!
November 30, 2025 | Communist Party of the Philippines | CPP Southern Tagalog Regional Committee | Public Information Office |

Ngayong araw ng kapanganakan ng bayaning si Gat. Andres Bonifacio, nararapat lamang na pakawalan ng mamamayang Pilipino ang kanilang kolektibong galit at poot sa naghaharing rehimeng US Marcos II sa pagnanakaw sa bilyun-bilyong kaban ng bayan. Habang nakikiisa sa kanilang laban, binabati at nagpupugay kami sa di natitinag na determinasyon ng sambayanang Pilipinong hindi lamang […]

Gawing inspirasyon ang buhay at pakikibaka ni Ericson Acosta
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | Artista at Manunulat ng Sambayanan (Armas) | Balangay Tanya Domingo |

Isang mapulang pagpupugay ang inaalay ng ARMAS-Tanya Domingo kay Ericson Acosta, rebolusyonaryong martir, masugid na manggagawang pangkultura, at bayani ng sambayanan. Inialay niya ang kanyang buhay para sa mahabang panahong pagsisilbi sa masa, inialay niya ang kanyang samu’t saring lakas para sa pagsulong ng Demokratikong Rebolusyong Bayan. Nais din pagpugayan ng aming balangay ang mga […]

Pagpugayan si Ka Jose Maria Sison, bayani ng anakpawis, tagapagtatag ng Kabataang Makabayan
November 30, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Cavite | Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) |

Ang National Democratic Front-Cavite at Kabataang Makabayan-Cavite (Balangay Cristina Catalla) ay nag-aalay ng pulang saludo at pinakamataas na pagpupugay sa lahat ng rebolusyonaryong martir na nag-alay ng kanilang dakilang buhay para sa Rebolusyon. Kabilang dito ang naging susing tagapagtatag ng Kabataang Makabayan na si Kasamang Jose Maria Sison. Dakilain natin ang kanilang mga ala-ala sa […]

Kundenahin ang muling teroristang pambobomba ng 8th ID sa Palapag
November 29, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Eastern Visayas | Celine Manlimbasog | Spokesperson |

Nakatanggap ng panimulang ulat ang National Democratic Front-Eastern Visayas hinggil sa isinagawang air strike ng 8th ID katuwang ang 78th IB sa himpilan ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa erya ng Barangay Nipa, Palapag, Northern Samar kaninang pasado alas-2 ng madaling araw. Mariin naming kinukundena ang muling paggamit ng sobra-sobrang lakas para […]