Pahayag

Pagparusa sa mga kriminal na CAFGU at taksil na ex-NPA, nagpapatuloy sa Masbate

, ,

Pinarusahan ng isang tim ng Jose Rapsing Command-Bagong Hukbong Bayan Masbate si CAA Rodel Monsalod, aktibong kasapi ng CAFGU, sa Barangay Cadulawan, bayan ng Cataingan, nito lamang ika-10 ng Setyembre 2024, 8:00 ng umaga.

Pinara ng mga kasama si Monsalod habang minamaneho ang kanyang motor at doo’y iginawad ng Hukbo ang parusa.

Matatandaang pinarusahan din ng NPA-Masbate ang traydor na ex-NPA at aktibong asset ng militar na si Jay-R Avalle sa Barangay Baras, bayan ng Esperanza noong Agosto 30.

Ang pagparusa kay Monsalod at Avalle ay kabahagi sa patuloy na pagtugon ng NPA-Masbate sa hinaing ng mga Masbatenyo para sa rebolusyonaryong hustisya.

Si Monsalod ay aktibong giya sa mga operasyon at kampanya ng pagpatay sa mga sibilyan. Kasama rin siya sa mga goons ni Gov. Antonio Kho na aktibo sa pagpapalayas sa mga magsasakang inaagawan ni Kho ng lupa sa Cataingan.

Kabilang siya sa pwersa ng 2nd Infantry Batallion Phil. Army-Alpha Company na nakabase sa Barangay Estampar sa Cataingan na notoryus sa mga krimen nito laluna sa mga mamamayan ng ikatlong distrito ng Masbate.

Hinihikayat ng NPA-Masbate ang mga kasapi ng CAFGU na tumiwalag na sa bulok na organisasyong kanilang kinabibilangan. Ang pag-CAFGU ay tulad rin ng pagpapatiwakal. Para sa mga upisyal ng militar at pulis, mga hamak lamang na tuta, utusan at pambala sa kanyon ang mga CAFGU. Sa paniniwalang protektado sila ng militar, kaawa-awang pinalalaki ang ulo ng mga CAFGU na ito, tinetreyning na mag-asal hayop at hinahayaang gumala kung saan-saan upang mamerwisyo at maghasik ng teror sa masa.

Subalit kapag binira ng NPA, pinababayaan lamang ang mga CAFGU na tulad nina Monsalod at Avalle ng kani-kanilang yunit na kinabibilangan. Sa pagkamatay ni Monsalod at Avalle, walang rumesponde sa militar at mga pulis dahil sa takot na marahil ay tambangan din sila ng NPA.

Pinag-iingat ng NPA-Masbate ang mga Masbatenyo sa tiyak na ganting atake ng militar. Dapat pangunahan ng mga lokal na Sangay ng Partido at mga organisasyong masa, katuwang ang mga lokal na upisyal sa barangay, ang pagbabantay at pagdepensa sa kanilang mga kababaryo sa mga pataksil na atake ng militar.

Patuloy na maglulunsad ang Jose Rapsing Command-BHB Masbate ng mga taktikal na opensiba upang parusahan ang AFP-PNP-CAFGU sa kanilang mga teroristang krimen. Babala rin ito sa mga naghaharing uri sa prubinsya na walang saysay ang kanilang pakana na durugin ang armadong paglaban sa prubinsya. Hangga’t inaapi at pinagsasamantalahan ang mga Masbatenyo, patuloy pang lalakas ang BHB sa prubinsya.

Pagparusa sa mga kriminal na CAFGU at taksil na ex-NPA, nagpapatuloy sa Masbate