Sa Diwa ng Pag-aalsang EDSA, Ibagsak ang Bulok na Sistema!
Tama ang pag-aalsang EDSA pero hindi nito napalitan ang lumang sistema kaya hanggang ngayon ay nananatili ang korapsyon at maruming pamamahala sa reaksyunaryong gubyerno kaya wasto ang isa pang pag-aaklas ng taumbayan.
Para matiyak ang tagumpay nito at hindi na manunumbalik ang bulok na gubyernong pinaghaharian ng mga burgesya kumprador at panginoong maylupa na kontrolado ng imperyalismong US, kailangan ng isang armadong pag-aalsa para ibagsak ang kasalukuyang malakolonyal at malapyudal na lipunan.
Makalipas ang 40 taon, nananatiling sadlak sa kahirapan ang mamamayan sa lalawigan ng Quezon lalo na ang magsasaka sa niyugan na pangunahing ninakawan ng pamilyang Marcos at kroni nila.
Hanggang ngayon, mailap ang kasaganaan para sa magniniyog dahil hindi pa rin naisasauli sa kanila ang ₱210 bilyong pondo ng coco levy.
Nasa lalawigan din ang maraming biktima ng paglabag sa karapatang pantao kagaya ng pamamaslang, iligal na pag-aresto at pagbilanggo, at sapilitang pagkawala.
Hanggang ngayon, mailap ang katarugan para kay Abet Enriquez na nananatiling desaparecido at sa mga napaslang sa Guinayangan Massacre at marami pang biktima ng diktadurang Marcos.
Sa ika-apatnapung taon ng pag-aalsang EDSA ay isang Marcos pa rin ang naghahari sa bansa, siya ngayon ang nangunguna sa pagpapatupad ng kontra-rebolusyunaryong digma na katumbas rin ng di deklaradong batas militar. Ito ang pamana ng diktador na Marcos na iniingat-ingatan ngayon ni Bongbong Marcos.
Hindi lamang paghaharing militar ang pinanatili ni Bongbong Marcos kundi maging ang pagiging napakakorap at mandarambong na katangian ng gubyerno kapalit ng walang kaparis na karalitaan ng sambayanang Pilipino.
Pero hindi kailanman napaluhod ng mga nagdaang rehimen ang paghahangad ng taumbayan sa isang tunay na malaya sa kontrol ng dayuhang imperyalismong US at lipunang may kapayapaang nakabatay sa katarungan.
Sa EDSA o saanmang lansangan ng bansa, kinakailangang magbuklod ang mamamayang Pilipino para ibagsak ang rehimeng US-Marcos II. Magagawa ito ng may katiyakan sa patuloy na pagsalig ng sambayanang Pilipino sa armadong pakikibaka bilang pangunahing anyo ng paglaban para wakasan ang imperyalismong US, ang pyudalismo at ang burukrata kapitalismo.
Gamitin nating pagkakataon ang paggunita sa ikaapatnapung taon ng pag-aalsang EDSA para higit na palakasin ang paglaban sa kasalukuyang Marcos at mga alipores nito hanggang mapabagsak ang naghaharing rehimen.