Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.
Pag-asa ng bayan—seryoso ang kasalukuyang henerasyon ng kabataan na patotohanan ito at harapin ang hamon ng kanilang panahon. Buong sigasig nilang tinutupad ang tungkuling pangunahan at pasiglahin ang pakikibaka ng bayan upang kamtin ang pambansang kalayaan at tunay na demokrasya. Nagningning ang sektor ng kabataan sa pangunguna sa malalaking walkout sa mga pamantasan hanggang sa mga […]
Nagdeklara ang Palawan ng state of calamity matapos rumagasa ng bagyong Tino sa probinsya noong unang linggo ng Nobyembre. Pinakamatinding tinamaan ang mga bayan sa Hilagang Palawan na El Nido, Roxas, San Vicente, Taytay, Araceli, Dumaran, Cuyo, Agutaya, Magsaysay, Cagayancillo at Calamianes Group of islands. Nag-landfall ang bagyong Tino sa Batas Island, Taytay noong Nobyembre […]
Habang nagpapasasa ang mga burukrata-kapitalista sa kinakamal nilang yaman sa pangungurakot, nagtitiis sa hirap ang mga maralitang magsasaka sa bansa. Nakapanayam ng Kalatas sina Ka Yessa, 53 at Ka Kentin, 55 mula sa magkaibang probinsya sa Timog Katagalugan. Kapwa sila mga maralitang magsasaka na kinagisnan na ang hirap ng buhay ng pagsasaka. Ang mag-anak ni […]
Kontrolado ng imperyalismong US ang kultura ng Pilipinas mula nang sinakop ng una ang huli at hanggang sa igawad ang huwad na kalayaan at itatag ang papet na republika ng bansa. Ipinalaganap ng US ang imperyalistang kultura upang bigyang katwiran ang pagkubabaw at pagsasamantala sa bayan kasabay ng pagpatay sa diwang makabayan at anti-imperyalista ng […]
Pinasinungalingan ng 203rd IBde at 1st Company, 2nd CMO Battallion ang lehitimong labanan sa pagitan ng AFP at isang yunit ng Lucio de Guzman Command (LdGC)-BHB Mindoro na naganap noong October 1 sa Sityo Badyang, Barangay San Roque, Bulalacao, Oriental Mindoro upang pagtakpan na bigo sila sa pagpinsala sa BHB. Nabigo ang isang tim ng […]
Iginawad ng Partido Komunista ng Pilipinas at Regional Operations Command ng BHB-TK ang pinakamataas na Pulang saludo at pagpupugay kay Jordan “Sa Sy/Ka Moy/Ka RF” Mopon, 40, sa kanyang pagkamartir noong Oktubre 17 sa Sityo Balagbag, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan. Nabuwal siya sa labanan sa pagitan ng pasistang tropa ng 73rd DRC, 703rd Infantry […]
Inilunsad ng People’s Rising for Climate Justice ang International Learning and Solidarity Mission (ISM) sa mga komunidad na apektado ng militarisasyon at inhustisya sa kapaligiran (climate injustice) mula Oktubre 11-14 sa Mindoro at Rizal. Isinagawa nila ang mga imbestigasyon sa mga komunidad, lalo sa mga pambansang minorya na isa sa mga pangunahing biktima ng malawakang […]
Inilibing noong Oktubre 23 sa Rizal ang rebolusyonaryong martir na si Jordan “Ka Boyong/Ka SY” Mopon. Siya ang tumayong punong kumander ng Narciso Antazo Aramil Command-BHB Rizal at ng subrehiyonal na kumand. Nabuwal siya habang magiting na nakikipaglaban sa mga pasistang 73rd DRC ng 703rd Infantry Brigade noong Oktubre 17 sa Sityo Balagbag, Brgy. San […]
Naglunsad ang Katipunan ng mga Magsasaka ng Timog Kataglugan (KASAMA-TK) ng iba’t ibang porma ng pagkilos upang gunitain ang Buwan ng mga Magbubukid ngayong Oktubre. Oktubre 18. Matagumpay na inilunsad ang forum sa LICEO, simbahan ng San Pablo, Laguna katuwang ang San Pablo Ayaw sa Korap (SAPAK) na may temang “Mamamayan Magkaisa para sa Lupa […]