Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa BisayaEnglish

 

Global Climate Strike. Inilunsad noong Nobyembre 12 ang mga protesta sa iba’t ibang panig ng mundo kasabay ng COP27 (27th Conference of the Parties). Sa Pilipinas, nagtipon ang mga demokratikong grupo sa Bantayog ng mga Bayani sa ilalim ng panawagang Climate Justice Now at End Climate Imperialism.

Sahod Itaas, Presyo Ibaba. Petisyon at serye ng mga pagkilos ng mga unyon at grupong manggagawa para itulak ang estado na itaas ang sahod at ibaba ang presyo ng mga bilihin. Sinimulan ang petition signing sa Cubao, Quezon City noong Nobyembre 11. Noong Nobyembre 16, nagtungo sila sa Kongreso para ipanawagan ang pagsabatas ng Anti-Union Interference Bill.

Dadag-badyet sa mga ospital. Nagpiket sa harap ng Senado ang mga myembro ng Alliance of Health Workers noong Nobyembre 17 para igiit ang dagdag-badyet para sa mga pampublikong ospital, taas-sweldo at dagdag na mga manggagawang regular.

Unity walk laban sa ROTC. Naglunsad ng isang “unity walk” ang daan-daang estudyante mula sa iba’t ibang unibersidad sa Metro Manila noong Nobyembre 18, Internasyunal na Araw ng Mga Estudyante. Tinutulan nila ang pagbabalik sa Mandatory ROTC sa mga eskwelahan na itinutulak ni Bise Presidente Sara Duterte.

Mga protesta