Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa English

 

Presyo ng bigas, ibaba. Nagprotesta noong Setyembre 12, ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno laban sa nagtataasang presyo ng mga bilihin, laluna ng bigas. Panawagan nila, itaas ang sahod ng mga manggagawa para makaagapay sila sa walang awat na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Hustisya para kay Alzate. Nagsagawa ng pagkilos noong Setyembre 14 ang mga kasapi ng National Union of People’s Lawyers (NUPL), kasama ang iba pang demokratikong grupo, sa Quezon City para kundenahin ang brutal na pagpaslang sa abugadong si Atty. Maria Saniata Alzate. Ang pagkilos ay kasabay ng paggunita ng NUPL sa ika-16 na anibersaryo ng pagkakatatag nito. Nagkaroon ng parehong aktibidad sa Baguio City at Iloilo City.

Patalsikin sina Diokno at Balisacan. Nag-motorcade noong Setyembre 18 ang anim na grupo sa agrikultura para igiit ang pagpapatalksik sa pwesto sa kalihim ng Department of Finance na si Benjamin Diokno at hepe ng National Economic Development Authority na si Arsenio Balicasan matapos nila imungkahi ang lubusang pagtanggal ng taripa sa imported na bigas.

Protestang mag-aaral sa UP at Ateneo. Noong Setyembre 12, nagtipon ang mga estudyante ng University of the Philippines (UP)-Diliman sa Palma Hall sa kampus nito sa Quezon City para magprotesta kasabay ng pagbubukas ng klase para sa bagong akademikong taon sa unibersidad. Ipinahayag nila ang pagtutol sa planong pagkaltas sa badyet sa UP. Nagkaroon din ng katulad na pagkilos sa UP-Los Baños noong Setyembre 7.

Magkasunod na protesta naman ang inilunsad ng mga estudyante ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) at Ateneo de Davao University (AdDU) noong Setyembre 15 at Setyembre 16 laban sa Mandatory ROTC.

Fuel subsidy, kulang na kulang. Nagprotesta sa Cebu City ang mga drayber sa ilalim ng PISTON, kasama ang mga myembro ng pambansang konseho nito, noong Setyembre 18 para batikusin ang napakaliit at hindi pa natatanggap na ipinangakong fuel subsidy ng rehimen. Nakataon ang protesta sa ika-11 linggo at isa na namang “big time” na pagtaas ng presyo ng langis na ₱2-₱2.40 kada litro sa araw na iyon.

Mga protesta