Mga protesta

,

 

Kalbaryo ng Mamamayan, isinagawa sa Semana Santa. Isinagawa ang Kalbaryo ng Mamamayan 2026 mula Martes Santo hanggang Byernes Santo, Abril 3, para ilahad ang mga pasanin ng mamamayang Pilipino, laluna sa harap ng krisis sa ekonomya.

Sinimulan ang aktibidad sa komunidad sa NIA Road sa Quezon City noong Marso 31. Nagkaroon ng katulad na mga aktibidad sa Tondo sa Maynila, Caloocan, Malabon, Navotas, at sa Welcome Rotonda at Tatalon sa Quezon City. Kasabay na idinaos ang Kalbaryo ng Manggagawang Pangkalusugan at Mamamayan sa harap ng Department of Health laban sa pagtaas ng presyo ng gamot at dagag na hirap sa pagpapa-ospital. Sa Davao City, nagkaroon ng “Kalbaryo sa Katawhan” sa pangunguna ng mga progresibong grupo.

Barikada kontra mina ng katutubong Palaw’an. Nagtayo ng barikada ang mga katutubong Palaw’an at residente ng Sityo Linao, Barangay Ipilan, Brooke’s Point sa Palawan mula noong Marso 26 para pigilan ang pagpasok at pagmimina ng Calmia Nickel, Inc. Dahil sa kanilang paninindigan, tinatakot at ginigipit sila ng kumpanya.

Ang Calmia Nickel, Inc, na magsisilbing opereytor ng proyektong mina na Infanta Nickel Project, ay kinontrata ng MacroAsia Mining Corporation na subsidyaryo ng MicroAsia Corp na pag-aari ng burgesyang kumprador na si Lucio Tan.

Mga protesta