Balita

CBA sa PhilFoods, nilalabag ng kapitalista

Nagprotesta noong Nobyembre 11 ng umaga ang mga manggagawa ng Philfoods Fresh Baked Product Inc sa Laguna International Industrial Park (LIIP) sa Biñan, Laguna. Sa pangunguna ng kanilang unyon na PPFBPI-OLALIA-KMU, nanawagan sila sa kapitalista na tuparin ang napagkasunduang mga probisyon sa napirmahan na collective bargaining agreement (CBA).

Ayon sa Pamantik, panrehiyong balangay ng Kilusang Mayo Uno sa Southern Tagalog, partikular sa itinulak ng mga manggagawa ang pagbibigay ng retroactivity at meal allowance. Anito, nagtungo ang unyon sa upisina ng National Conciliation and Mediation Board para panagutin ang kapitalistang PhilFoods sa naturang mga paglabag.

Mula nang maitayo ang unyon noong Setyembre 2023, naging tuluy-tuloy ang mga pakikibaka ng mga mangagagawa dito. Noong unang hati ng 2024, nanindigan ang unyon laban sa paulit-ulit na deadlock sa negosasyon para sa CBA na nagsimula noong Enero.

Ang Philfoods Fresh Baked Product Inc ay kapatid na pagawaan ng Gardenia Bakeries, isang multinasyunal na kumpanya. Nagmamanupaktura ito ng tinapay at iba pang baked goods.

AB: CBA sa PhilFoods, nilalabag ng kapitalista