Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

UE students oppose looming tuition hike
February 07, 2024

Students of the University of the East (UE)-Manila and UE-Caloocan through their respective student councils expressed their opposition to the looming increase in tuition and other fees next school year. In a letter to UE President Zosimo Battad, the UE-Caloocan Central Student Council (CSC) sent a letter urging the administration to listen to the students […]

Unang araw ng klase sa UP Diliman, UP Los Baños at UP Baguio, sinalubong ng rali
February 06, 2024

Binuksan ng mga iskolar ng bayan sa University of the Philippines (UP)-Diliman at Los Baños ang bagong akademikong taon o pasukang 2024-2025 ng mga kilos protesta at martsa sa loob ng kani-kanilang kampus sa noong Pebrero 5 at 6. Ipinanawagan ng mga estudyante ang pagtataguyod ng akademikong kalayaan at binatikos ang patuloy na komersyalisasyon sa […]

Mga Canadian, nanawagan sa gubyerno ng Canada na itigil ang suportang militar sa Pilipinas
February 06, 2024

Nanawagan noong huling linggo ng Enero ang Ontario Committee for Human Rights in the Philippines (OCHRP) na itigil ng gubyerno ng Canada ang pagsuporta nito sa kampanyang kontra-insurhensya sa Pilipinas. Kabilang sa suporta nito ang pagbebenta ng di bababa sa walong helikopter, pagbibigay ng ayudang militar sa pamamagitan ng ASEAN na nagkakahalaga ng $13 bilyon, […]

Mga manggagawa, kinontra ang chacha ng Senado
February 06, 2024

Kasama sa mga nagprotesta laban sa pakanang charter change sa harap ng Senado kahapon, Enero 5, ang mga manggagawa sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno (KMU). Itinaon ang pagkilos sa pagdinig sa Resolution of Both Houses No. 6 na naglalayong baguhin ang mga probisyon sa ekonomya ng Konstitusyong 1987. “Dismayado ang mga manggagawa sa buong […]

Ika-125 taong anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano, ginunita sa protesta
February 05, 2024

Nagprotesta ang mga grupong pambansa-demokratiko sa harap ng embahada ng US kahapon, Pebrero 4, upang gunitain ang ika-125 taong anibersaryo ng pagsisimula ng gerang Pilipino-Amerikano na pumatay ng daan-daang libong Pilipino. Mahigit 20,000 sundalong Pilipino at mahigit 200,000 sibilyan ang napatay sa gera, liban pa sa tinatayang isang milyong namatay sa gutom at sakit na […]

Isang linggong pagdiriwang sa anibersaryo ng Partido, isinagawa sa Central Panay
February 04, 2024

Serye ng mga aktibidad ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at rebolusyonaryong masa sa Central Panay noong huling linggo ng Disyembre 2023 hanggang unang linggo ng Enero para ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Hindi nahadlangan ng pinatinding focused military operation ang isang linggong aktibidad ng mga Pulang mandirigma at masa. […]

Pag-aresto sa direktor at tatlong iba pa sa Quezon, kinundena
February 04, 2024

Kabi-kabila ang pagkundena ng mga grupo ng artista, direktor at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao sa arbitraryong pag-aresto ng Philippine National Police (PNP)-Quezon sa direktor ng pelikula at propesor na si Jade Castro at tatlo niyang kaibigan sa Mulanay, Quezon noong Pebrero 2. Idinadawit ang mga biktima sa naiulat na pagsunog ng apat na hindi kilalang […]

Yunit ng Partido sa Maynila, nagdaos ng muling panunumpa at parangal sa mga martir
February 03, 2024

Napuno ng rebolusyonaryong mga awitin, parangal sa dakilang mga martir, at kritikal-sa-sariling pagtalakay sa mensahe ng Partido sa ika-55 na anibersaryo nito ang pagtitipon ng isang komite ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isang syudad sa Metro Manila kamakailan. Hindi bababa sa 20 mga kadre at kasapi ang dumalo sa pagtitipon. Naghandog ng awit […]

Mga estudyante ng DLSU, nagrali kontra taas-matrikula
February 03, 2024

Mahigit 100 estudyante ng De La Salle University (DLSU)-Manila ang nagprotesta sa loob ng kampus nito sa Taft Avenue, Malate, Manila noong Enero 31 para ipahayag ang kanilang pagtutol sa nakaambang pagtaas ng matrikula sa susunod na pasukan. Nagmartsa rin ang mga estudyante sa kampus ng DLSU-Laguna sa araw na iyon. Parehong pinangunahan ang pagkilos […]

Pagtarget ng Israel sa mamamahayag sa Gaza, kinundena ng mga eksperto ng UN
February 03, 2024

Kinundena ng tatlong espesyal na tagapag-ulat ng United Nations (UN) ang sadyang pagtarget ng Israel sa mga mamamahayag at mga myembro ng midya na anila’y ginagamit na estratehiya para sadyang patahimikin ang kanilang pag-uulat. Naglabas ng pinag-isang pahayag noong Pebrero 1 sina Irene Khan (UN Rapporteur on free expression), Francesca Albanese (UN Rapporteur on Palestine) […]