Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pagbuwag sa NTF-Elcac, inirekomenda ng espesyal na tagaulat ng UN
February 02, 2024

Nagtapos ngayong araw, Pebrero 2, ang 10-araw na pagbisita ng UN Special Rapporteur para sa pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatan sa malayang pagbibigay ng opinyon at pagpapahayag para siyasatin ang kalagayan nito sa Pilipinas. Kabilang sa pinagtuunan niya ng pansin ay ang mga gawi na nakaaapekto sa malayang pagpapahayag tulad ng Red-tagging, harasment at ligal […]

Lektura ng USAID sa UP Manila, binatikos ng mga estudyante
February 02, 2024

Binatikos ng University of the Philippines (UP)-Manila University Student Council (USC) ang pagpasok ng US Agency for International Development (USAID) at pagsasagawa nito ng lektura sa loob ng kampus noong Enero 31. Tinuligsa ito ng konseho dahil sa pagtatangka ng US na itulak sa loob ng unibersidad ang imperyalistang adyenda nito. “Kasama ang iba pang […]

Pagdausdos ng GDP, tanda ng paglala ng krisis sa ekonomya
February 02, 2024

Patuloy na dumausdos ang gross domestic product (GDP) o lokal na produksyon noong nakaraang taon. Inianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 31 na lumago lamang nang 5.6% ang GDP sa huling kwarto at buong taon ng 2023, na kapos sa target nitong 6%-7%. Taliwas sa unang ipinagmamalaki ng mga upisyal sa ekonomya ng […]

Hatol ng International Court of Justice, dapat ipatupad ng Israel—ILPS
February 02, 2024

Ipinaabot ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino matapos ilabas ng International Court of Justice (ICJ) ang hatol nito laban sa Israel kaugnay ng isinampang kaso ng South Africa na paglabag sa Convention on the Prevention and Punishment of the Crime of Genocide. Naglabas ng desisyon ang ICJ noong […]

Mga magsasaka sa Masbate, ninakawan, pinaputukan ng CAFGU at militar
February 02, 2024

Kinundena ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Masbate ang mga kaso ng pagnanakaw at walang habas na pamamaril ng mga elemento ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at yunit ng 2nd at 96th IB sa ilang bayan sa Masbate noong huling linggo ng Enero. Labis ang takot at tromang idinulot nito sa masang magsasaka […]

Tropa ng 80th IB na protektor ng Wawa-Violago Dam, inambus ng BHB-Rizal
February 01, 2024

Inambus ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB sa Lukutang Malaki, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Enero 31, alas-5:10 ng madaling araw. Isang pasistang sundalo ang napaslang, habang dalawang iba pa ang nasugatan. Ang naturang yunit militar ay tagabantay sa mapanirang proyektong Wawa-Violago Dam sa Rizal. Ayon […]

Porum ng US Air Force sa UP-Diliman, napaatras
February 01, 2024

Napaatras ng mga estudyante at iba’t ibang grupong demokratiko ang plano ng US Air Force na magsagawa ng porum sa College of Science sa University of the Philippines (UP)-Diliman ngayong araw, Pebrero 1. Mahigit 46 organisasyon at 464 indibidwal ang pumirma sa petisyon para ikansela ang naturang porum. Anila, ang abanteng teknolohiya ay di dapat […]

Utang ng Pilipinas, pumalo sa ₱14.62 trilyon
February 01, 2024

Pumalo sa ₱14.62 trilyon ang utang ng Pilipinas sa katapusan ng 2023, mas mataas nang ₱1.8 trilyon mula nang maupo sa poder si Marcos Jr, at ₱8.68 trilyon o halos doble ng ₱5.954 trilyong utang ng bansa noong 2015, bago maupo sa poder si Rodrigo Duterte. Sa pagitan ng dalawang presidente, halos nagtriple ang utang […]

5-araw na piket sa Maynila, inilulunsad ng mga empleyadong tinanggal sa BACIWA
January 31, 2024

Nagtungo sa Maynila ang mga tinanggal na empleyado ng Bacolod City Water District (BACIWA) upang magpiket-protesta sa pambansang tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) sa Quezon City mula Enero 29 hanggang Pebrero 2. Giit nilang ibasura ang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Water ng mga Villar at BACIWA na dahilan ng pagkawala […]

Pagsisimula ng klase sa UP Manila at UP Visayas, sinalubong ng protesta
January 31, 2024

Nagprotesta ang mga iskolar ng bayan sa University of the Philippines (UP) Manila at UP Visayas sa pagbubukas ng klase nito noong Enero 29. Karaniwang inilulunsad ng mga estudyante ng UP ang tinatawag nitong “First Day Rage” para salubungin ang pagbubukas ng klase at patampukin ang iba’t ibang isyung panlipunan. Sa UP Manila, isinagawa ng […]