Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Patrol Base ng 62nd IB sa Guihulngan City, pinaputukan ng BHB
December 15, 2023

Tahimik na nakalapit at pinaputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros ang patrol base ng 62nd IB sa Barangay Sandayao proper, Guihulngan City, Negros Oriental bandang alas 8:00 ng gabi noong Disyembre 13. Dalawa ang nasugatan sa nagulantang na mga pasistang tropa ng 62nd IB. “Kongkretong tugon ito ng BHB sa […]

Amyenda sa anti-mangingisdang BFAR FAO 264, naigiit
December 15, 2023

Naigiit ng mga mangingisda sa Gubat, Sorsogon ang pag-amyenda noong Disyembre 11 ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Fishery Administrative Order (FAO) No. 264 matapos ang pagpetisyon nila sa ahensya. Pinalakas ng Save Gubat Bay Movement (SGBM) ang kampanya nito kontra sa FAO 264 simula noong Hunyo ngayong taon. Ipinanawagan ng SGBM […]

Taas-singil sa tubig, bunga ng kainutilan ng gubyerno
December 15, 2023

Dismayado ang mga maralita sa anunsyo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na inaprubahan nito ang pagtataas sa singil ng mga pribadong kumpanya sa tubig na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Co. Inc sa darating na Enero 2024. Ayon sa Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), ang pagtaas ng presyo ng mga batayang […]

Kampuhan kontra PUV phaseout, itinayo sa upisina ng LTFRB
December 14, 2023

Sa unang araw ng tigil-pasada ng mga tsuper at opereytor, nagtayo ng kampuhan ang Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston) at No To PUV Phaseout Coalition sa harap ng upisina ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Quezon City para tutulan ang anti-mahirap na public utility vehicle (PUV) phaseout. […]

3 sundalo ng 20th IB, napatay sa engkwentro sa BHB-Northern Samar
December 14, 2023

Nag-ooperasyon sa tabing ng pagtugon sa epekto ng bagyo at pagbaha ang nakasagupa ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Northern Samar (Rodante Urtal Command) na mga tropa ng 20th IB sa Barangay San Miguel, Las Navas, Northern Samar noong Nobyembre 23. Tatlong sundalo ng mga berdugo ang napatay habang ligtas na nakaatras ang yunit ng hukbong bayan. […]

Tuluy-tuloy na protesta para sa benepisyo at karapatan, inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan
December 14, 2023

Walang-maliw na mga kilos protesta at aksyong masa ang inilunsad ng mga manggagawang pangkalusugan at kanilang unyon sa pamumuno ng Alliance of Health Workers (AHW) mula pa noong Disyembre 5. Linggo-linggong naglulunsad ng mga pagkilos ang AHW sa mga ospital. Noong Disyembre 13 sumugod sila sa Department of Budget and Management (DBM) para igiit ang […]

Kaso ng panggigipit laban sa mga manggagawang pangkultura ng Bayan, ibinasura
December 14, 2023

Ibinasura ng isang korte sa Quezon City ang kasong isinampa ng Quezon City Police Department (QCPD) laban kay Max Santiago at sa tatlo pang kasapi ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) dahil sa umano’y paglabag sa Clean Air Act (Republic Act No. 8749) nang magsunog ng effigy noong Hulyo 24 kasabay ng ikalawang state of the […]

Magsasaka sa Northern Samar, pinatay ng 74th IB
December 14, 2023

Pinatay sa walang-patumanggang pamamaril ng mga sundalo ng 74th IB ang magsasakang si Pido Mendes sa Barangay San Jose, Mapanas, Northern Samar noong Nobyembre 22. Nasa kasagsagan noon ng isang focused military operation ang naturang yunit militar na nakapailalim sa kumand ni BGen. Noel Vestuir ng 802nd Bd. Si Mendes, humigit-kumulang 60-taong gulang, ay malaon […]

Pagpatay sa magsasaka sa Negros Occidental, gustong pagtakpan ng 62nd IB
December 13, 2023

Nagtambak ng ilandaang tropang militar ang 62nd IB sa Binalbagan at karatig na mga bayan sa Negros Occidental simula Disyembre 9. Layunin nitong patahimikin at supilin ang mga kaanak at residente sa kanilang panawagang hustisya para kay Braulio “Banny” Tobalado na pinatay ng mga sundalo noong Disyembre 6 sa Barangay Amuntay, Binalbagan. Pinatindi nito ang […]

Mga tsuper sa UP-Diliman, nagtigil-pasada
December 13, 2023

Nagtigil-pasada noong hapon ng Disyembre 13, ang mga tsuper ng dyip sa rutang dumadaan sa kampus ng University of the Philippines (UP)-Diliman. Inilunsad at pinangunahan ito ng UP Transport Group (UPTG), isang araw bago ang nakatakdang dalawang araw na pambansang tigil-pasada kontra sa Public Utility Vehicle (PUV) phaseout sa pangunguna ng Pagkakaisa ng mga Samahan […]