Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Kasong perjury at slander, panggigipit ng AFP at DoJ kina Jonila Castro at Jhed Tamano
October 15, 2023

Ipinadala ng Department of Justice ang isang subpeona o pagpapatawag kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Oktubre 12 para harapin ang mga kasong perjury at slander na isinampa ng 70th IB. Naniniwala ang mga grupo sa karapatang-tao na ang mga ito ay pawang panggigipit at ganting-salakay matapos isiwalat ng dalawa ang ginawang pagdukot, tortyur […]

Kandidato sa pagka-kagawad sa Masbate, dinahas ng 2nd IB
October 15, 2023

Sinakal, isinubsob ang mukha sa lupa, at pinagbantaang patayin ng mga tauhan ng 2nd IB ang kasalukuyang barangay tanod at kumakandidatong kagawad sa Barangay Matubinao, Cataingan, Masbate na si Ariel Urag noong Oktubre 12 ng umaga. Sinalakay ng 15 sundalo ang bahay para takutin si Urag at pasunurin sa kanilang paghaharing militar sa prubinsya. Malayang […]

68-anyos na magsasaka, pinaslang ng 77th IB sa Abra
October 15, 2023

Hustisya ang sigaw ng pamilya at mga kaanak ng 68-anyos na magsasakang si Antonio Diwayan Agliwan na pinaslang ng mga sundalo ng 77th IB sa Sityo Talipugo, Barangay Buneg, Lacub, Abra noong Oktubre 13 ng hapon. Pinasinungalingan ng pamilya ang paratang ng militar na si Agliwan ay kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napatay […]

Marcos, sinungaling sa pagsabing tumaas na ang bilihan ng palay
October 15, 2023

Sadyang nagsisinungaling si Ferdinand Marcos Jr at kanyang mga alipures sa Department of Agriculture sa mga pahayag na tumaas na tungong ₱24 kada kilo ang bilihan ng palay ngayong anihan. Sa Camarines Norte, umaabot lamang sa ₱16 hanggang ₱18.50 ang bilihan nito. Sa unang distrito ng Camarines Sur, nasa ₱14-₱18 ang bilihan. Nangangamba ang mga […]

Guatemala, niyayanig ng malalaking protesta
October 14, 2023

Sunud-sunod na malalaking protesta ang inilunsad ng mamamayan sa Guatemala simula Oktubre 2 laban sa tangka ng naghaharing pangkatin na pigilan ang pag-upo ni Bernardo Arévalo bilang presidente matapos siya manalo sa eleksyon noong Agosto. Nakatakdang umupo sa pwesto sa Enero 2024 si Arevalo, isang dating guro na tumakbo sa plataporma ng paglaban sa korapsyon. […]

Pag-itsapwera ni Marcos Jr sa paggunita sa Pag-aalsang EDSA 1986, binatikos
October 14, 2023

Kinundena ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law (CARMMA) at iba pang demokratikong mga organisasyon ang Proclamation No. 368 na inilabas kamakailan ni Ferdinand Marcos Jr na nagtatanggal sa anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA People Power, Pebrero 25, sa listahan ng mga holiday o pampublikong araw ng pagdiriwang sa bansa para sa […]

Beteranong organisador ng manggagawa, pinarangalan
October 13, 2023

Inilunsad ng mga demokratiko at progresibong organisasyon ang tatlong araw na parangal para kay Jude Thaddeus Fernandez, beteranong organisador ng Kilusang Mayo Uno (KMU), sa University of the Philippines (UP)-Diliman noong Oktubre 10 hanggang Oktubre 12. Nagsimula ang parangal kay Ka Jude sa pagsalubong ng mga organisasyon sa kanyang labi noong Oktubre 10 upang ihatid […]

Mga manggagwang pangkalusugan, nagprotesta para sa benepisyo at badyet
October 13, 2023

Muling nagkasa ng protesta ang mga manggagawang pangkalusugan noong Oktubre 10 sa tapat ng Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) sa Avenida Rizal sa Maynila para igiit ang dagdag-sweldo, agarang pagbibigay ng mga benepisyo at mas malaking badyet para sa sektor ng kalusugan. Nagtipun-tipon sa protesta ang mga kasapi ng Alliance of Health Workers […]

Hustisya para kay Jennifer Laude, patuloy na ipinananawagan
October 13, 2023

Nagrali ang mga grupo ng LGBTQ+ at kabataan sa Baguio City at Quezon City noong Oktubre 11 para muling ipanawagan ang hustisya para kay Jennifer Laude. Siyam na taon na mula nang paslangin si Laude ngunit wala pa ring nakakamit na makabuluhang hustisya ang pamilya ng biktima. Pinangunahan ang pagkilos ng grupong Bahaghari. Si Laude […]

Mga obispo sa Mindanao, nananawagang ikansela ang permit sa pagmimina sa Tampakan
October 13, 2023

Apat na obispo sa Mindanao ang nanawagan para sa lubusang pagbabasura sa kasunduang nagpapahintulot sa Sagittarius Mines Incorporated (SMI) na minahin ang Tampakan copper-gold site sa Tampakan, South Cotabato. Isinumite ng mga obispo ang kanilang apela sa Presidential Action Center noong Oktubre 11. Isusumite rin nila ito sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). […]