Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Mga kawani ng gubyerno, iginigiit ang badyet para sa dagdag-sweldo
August 12, 2023

Nagprotesta ang mga kawani ng gubyerno noong Agosto 10 sa harap ng House of Representatives sa Quezon City para igiit ang dagdag na badyet para sa mga kawani. Kasabay ang protesta ng unang araw ng pagdinig sa House Committee on Appropriations ng panukalang ₱5.768 trilyong pambansang badyet ng rehimeng Marcos Jr para sa 2024. Pinangunahan […]

Imbestigasyon sa pagpatay ng 37th IB sa guro ng mga Lumad, itinutulak
August 12, 2023

Itinutulak ng Save Our Schools (SOS) Network ang isang imparsyal (walang kinakatigan) at buong imbestigasyon sa pagpatay ng 37th IB kay Rowe Jhon Libot, boluntir na guro sa eskwelahan ng mga Lumad, noong Hulyo 27 sa Kalamansig, Sultan Kudarat. Ayon sa grupo, ang walang-awang pagpaslang sa kanya ng mga sundalo ay paglabag sa internasyunal na […]

₱1 bilyon kumpensasyon sa Marawi, halos ubos sa loob ng isang araw
August 11, 2023

Halos naubos sa loob ng isang araw ang ₱1 bilyong pondong inilaan para sa kumpensasyon o bayad-pinsala sa mga biktima ng pambobomba ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City. Sa isang pagdinig sa Kongreso noong Agosto 1, inulat ni Maisara Latiph, pinuno ng Marawi Compensation Board (MCB), na nalimas ang ₱800,000 sa unang […]

Pera ng mamamayan, ginagamit para sa konstruksyon ng mga base militar ng US
August 11, 2023

Puspusan na ang konstruksyon at paglalatag ng mga base militar ng US na tinatawag na mga “EDCA site,” gamit ang pondo ng mamamayang Pilipino at mga tau-tauhan nito sa Armed Forces of the Philippines. Noong nakaraang linggo, mismong si Defense Sec. Gilbert Teodoro at AFP chief Charles Brawner ang nagtungo sa Lal-lo, Cagayan, para madaliin […]

War game, idadaos ng US sa Pilipinas sa tabing ng "relief operations"
August 11, 2023

Hindi lamang magdadaos ang mga tropang Amerikano ng isa na namang “pagsasanay-militar” “sa teritoryo ng Pilipinas, nag-imbita pa ito ng ibang hukbo para gamitin ang bansa bilang lunsaran ng isang war game na nakatuon laban sa China. Isasagawa ng US ang Pacific Airlift Rally 2023 sa Clark Air Base sa Mabalacat, Pampanga; sa Colonel Jesus […]

Unang araw ng eskwela sa UST, sinalubong ng protesta
August 11, 2023

Nagprotesta ang mga mag-aaral ng University of Sto. Tomas (UST) sa harap ng pamantasan sa España Boulevard, Manila City noong Agosto 9, unang araw ng klase. Panawagan nila ang pagtataguyod sa karapatan sa edukasyon ng kabataan. Sa partikular, iginiit nila na iatras ng administrasyon ang 6% pagtaas sa matrikula at ibang bayarin sa UST. “Ngayong […]

GDP sa ika-2 kwarto, pinakamaliit sa 12 taon
August 11, 2023

Inilabas kahapon, Agostoo 10, ang datos ng Philippine Statistics Authority kaugnay sa lalupang pagbagal ng ekonomya ng Pilipinas sa nakaraang apat na kwarto. Ayon sa PSA, lalupang bumagal ang paglago ng gross domestic product ng bansa (GDP) sa Abril-Hunyo tungong 4.3%, mula sa 6.4 sa nakaraang kwarto. Pinakamaliit ang paglagong ito mula 2011. Bago nito, […]

Datos ng estado sa empleyo, hindi tugma sa datos ng paghihirap
August 10, 2023

Hindi tugma ang ipinagmamayabang ng estado na “gumagandang datos” sa empleyo kung ikukumpara ito sa mga sarbey ng kahirapan at kagutuman. Noong Hunyo, iniulat ng Philippine Statistics Authority na tumaas nang 2.25 milyon ang bilang ng mga may trabaho kumpara sa nakaraang taon. Ayon sa ahensya, tumaas nang 1.2 milyon (tungong 31.7 milyon) ang may […]

Dekalidad na edukasyon, di sarbeylans at paniktik
August 10, 2023

Tuluy-tuloy ang pagkastigo ng mga guro sa ilalim ng Alliance of Concerned Teachers kay Sara Duterte, kalihim ng Department of Education at co-chairperson ng NTF-Elcac, sa kanyang paggigiit na bigyan ng daan-daang milyong pisong “confidential and intelligence funds” para sa 2024. Kwestyunable at malinaw na maling paglaanan (misappropriation) ang pagbibigay ng pondong ito sa isang […]

Bahagyang pagbaba ng implasyon sa Hulyo, walang epekto sa nagtataasang presyo
August 10, 2023

Patuloy na tumaas ang presyo ng bigas, gulay, isda at langis noong Hulyo sa kabila ng ipinagmayabang ng mga upisyal ng rehimeng Marcos Jr na pagbaba ng tantos ng implasyon tungong 4.7%. Lalo itong sisipa ngayong Agosto matapos ipatupad ang mga taas-singil sa LRT at toll fee at ang walang-awat na pagsirit ng presyo ng […]