Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Agosto 26, itinakdang Internasyunal na Araw ng Pagkilos para sa kilusang mapagpalaya sa Pilipinas
August 02, 2023

Ilulunsad ng Friends of the Filipino people in Struggle (FFPS) sa Agosto 26 ang isang Global Day of Action para suportahan ang pakikibaka ng mamamayang Pilipino para sa pambansang paglaya. Itinaon nila ang aktibidad sa anibersaryo ng “Sigaw ng Pugad Lawin” kung saan pinangunahan ni Andres Bonifacio ang pagpupunit ng mga sedula bilang simbolo ng […]

70 taon ng pakikibaka para sa soberanya at kapayapaan ng mamamayang Korean, ginunita
August 02, 2023

Nakiisa ang International League of Peoples’ Struggle (ILPS) at iba’t ibang organisasyon sa Asia sa pagdiriwang ng ika-70 taong anibersaryo ng pagtatagumpay ng mamamayang Korean laban sa imperyalistang gera ng US noong Hulyo 27. Sa araw na iyon, isinagawa ng mga organisasyon ang isang “watch party” (sabayang panonood) sa isang pagtitipon na isinagawa sa Bali, […]

"Big time" na pagtaas ng presyo ng langis ngayong Agosto, tinutulan
August 01, 2023

Pagpatak ng alas-6 ng umaga ngayong unang araw ng Agosto, tumaas ang presyo ng langis nang hanggang ₱3.50 kada litro. Kahapon, isang araw bago ang pagsirit na ito sa presyo ng langis, nagtipon ang mga manggagawa at mga tsuper sa harap ng Philcoa sa Quezon City para iprotesta ang isa na namang “bigtime” na pagtaas […]

Magsasakang matagal nang ginigipit ng pulis at militar sa Negros Oriental, pinasurender
August 01, 2023

Labag sa kanyang mga karapatan, si Tonying Sulano, isang magsasaka, ay ipinarada bilang “surenderee” ng Regional Mobile Force Battalion (RMFB)-7 ng Philippine National Police noong Hulyo 30 sa Barangay Nagbagang, Santa Catalina, Negros Oriental. Ilang taon nang paulit-ulit na ginigipit ng pulis at militar si Sulano. Pinalalabas ng mga pulis na sumuko si Sulano dala […]

Detatsment militar sa Guihulngan City, pinaputukan ng BHB
August 01, 2023

Isa ang napatay at isa ang nasugatan sa mga pasistang sundalo ng 62nd IB na nakahimpil sa Casingan Army Detachment sa Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental matapos paputukan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros noong Hulyo 30. Nilapitan ng mga Pulang mandirigma ang detatsment at saka pinaulanan ng bala pasado […]

Gawa-gawang mga kaso, isinampa laban sa aktibista sa Batangas
July 31, 2023

Limang gawa-gawang kaso ang isinampa ng mga sundalo ng 59th IB laban kay Hailey Pecayo, tagapagsalita ng grupo sa karapatang-tao na Tanggol Batangan. Ang mga kaso ay may kaugnayan sa paratang na nilabag ni Pecayo ang Anti-Terrorism Law, tangkang pagpatay, at paglabag sa internasyunal na makataong batas. Napag-alaman lamang ni Pecayo at kanyang grupo ang […]

Bakanteng mga pusisyon ng manggagawang pangkalusugan ng PGH, dapat punan
July 31, 2023

Sa pang-apat na pagkakataon, naglunsad ng “Friday protest” noong Hulyo 28 ang mga manggagawang pangkalusugan sa ilalim ng All UP Workers Union-Manila/Philippine General Hospital para igiit sa maneydsment nito na itigil na ang pagkuha ng serbisyo ng mga pribadong kumpanya para sa ilang aspeto ng gawain sa ospital at sa halip ay punan ang bakanteng […]

Ulat sa autopsy sa labi ni Ericson Acosta, ipinrisenta
July 30, 2023

Ipinrisenta ni Dr. Raquel Fortun sa isang press conference na ginanap kahapon, Hulyo 29, sa University of the Philippines sa Quezon City ang naging resulta sa isinagawang awtopsiya o pagsusuri sa labi ng pinaslang na organisador ng magsasaka at NDFP consultant na si Ericson Acosta at kasama niyang si Joseph Jimenez na isang lokal na […]

Comelec, nilabag ang sariling proseso sa dinayang eleksyong 2022
July 30, 2023

Inamin noong isang araw ng mismong pinuno ng Commission on Elections (Comelec) na dumaan sa iisang “IP address” ang mahigit 20,000 resulta ng eleksyon noong Mayo 2022, na pinuna ng ilang ekspertong teknikal bilang anomalya at palatandaan ng iregularidad. Ang IP (internet protocol) address ay ekslusibong numerong ibinibigay sa mga kompyuter na nakakabit sa network […]

Tropa ng 62nd IB, pinatamaan ng BHB-Central Negros
July 29, 2023

Nasugatan ang isang sundalo ng 62nd IB sa operasyong haras ng mga mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Central Negros sa Barangay Sikatuna, Isabela, Negros Occidental noong Hulyo 25. Iniulat ng yunit ng BHB na pinaputukan nito ang nag-ooperasyong tropa ng 62nd IB Bravo Coy bandang alas-7:30 ng gabi. Para pagtakpan ang kanilang kabiguan, itinago ng […]