Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Pasalubong ni Marcos mula sa US: Mas mahigpit ng ugnayang neokolonyal
May 10, 2023

Kabi-kabila ang mga pangakong “pakikipagtulungan” at pamumuhunan ang inuwi ni Ferdinand Marcos Jr mula sa kanyang pangalawang byahe sa US. Buong ipinagmamalaki niya ang mga nalimos niyang luma at bagong “bentahe, “mula sa mga armas at gamit pandigma, pagbabahagianan ng inteledyens, kapital at pamumuhunan, puhunan sa edukasyon hanggang sa programa sa pangangalaga ng hayop (veterinary). […]

Pagtatagpong Biden-Marcos, rehabilitasyon ng pamilya ng diktador sa US
May 10, 2023

Noong dekada 1980, isa ang noo’y senador na si Joseph Biden sa pinakamaingay na kritiko ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr at ang tagasuporta nito sa US na administrasyong Reagan. Pero hindi nagmula ang kanyang pagtutol sa diktadura sa pagsisimpatya sa mamamayang Pilipino kundi sa alanganing kalagayan ng noo’y mga base militar ng US […]

'Ilitaw ang Taytay 2', 'Palayain ang Mansalay 2', sigaw ng mga katutubo
May 09, 2023

Nagprotesta ang mga grupo ng pambansang minorya at kanilang mga tagasuporta sa Commission on Human Rights sa Quezon City noong Mayo 5 para ipanawagan ang pagrespeto sa karapatan ng mga tagapagtaguyod ng karapatan ng katutubo na dinukot at iligal na inaresto ng mga pwersa ng estado sa nagdaang buwan. Nanawagan ang mga grupo na ilitaw […]

Pandaigdigang Araw ng Aksyon Laban sa G7, ipinanawagan
May 09, 2023

Nanawagan ang International People’s Front sa mga demokratiko at progresibong grupo sa buong mundo na magsagawa ng mga pagkilos at pagtitipon bilang protesta sa nakatakdang pagpupulong ng G7 sa Japan sa Mayo 19-22. “Sa pamumuno ng US, gumagamit ang G7 ng mga sangsyon, lakas militar, interbensyon, agresyon, pananakop at gera para ipataw ang isang internasyunal […]

Pagpatay ng SAF sa 2 sibilyan sa Northern Samar, pinalalabas na engkwentro
May 09, 2023

Umalma at umapela ng hustisya ang mga kaanak ng dalawang sibilyang biktima na brutal na pinatay ng mga pwersa ng Philippine National Police-Special Action Force (PNP-SAF) sa Sityo Ibaliw, Barangay Sangay, Palapag, Northern Samar noong Mayo 5. Kinontra nila ang sinasabi ng PNP-SAF na ang mga sibilyang sina Joel Balading Recare at Oscar Alastoy ay […]

Gawa-gawang kaso laban sa unyonista ng BPO, ibinasura
May 08, 2023

Ibinasura ng isang lokal na korte ang isinampang kaso ng National Task Force-Elcac noong 2021 laban kay Lean Porquia, lider-unyonista ng grupong BPO Industry Employee’s Network (BIEN). Sa pahayag ng grupong Citizens Rights Watch Network (CRWN) noong Mayo 3, sinabi nitong hindi kagulat-gulat na maibabasura ang naturang kaso dahil wala itong batayan. Ang isinampang kaso […]

4 armadong aksyon sa 6 na araw, inilunsad ng BHB-Southern Panay
May 08, 2023

Magkakasunod na armadong aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Southern Panay (Napoleon Tumagtang Command) sa timog na bahagi ng isla ng Panay mula Mayo 2. Una sa serye ang operasyong harasment laban sa mga sundalong nakahimpil sa CAA Detatsment sa Barangay Luyang, Sibalom, Antique sa ganap na alas-10 ng gabi noong […]

Mga residente ng pabahay sa Pandi, nagkamit ng serbisyong patubig
May 08, 2023

Ipinagdiwang ng grupong Kadamay ang pagdaloy ng tubig sa BFP Pabahay sa Pandi, Bulacan. Binati nito ang mga residente na walang kapaguran at sama-samang ipinaglaban ang kanilang karapatan sa batayang serbisyong panlipunan. “Matapos ang anim na taon ng paghihintay, nakamit na rin sa wakas ng mga taga BFP Pabahay sa Pandi, Bulacan ang kanilang hiling […]

Ehersisyong militar panghimpapawid, inilulunsad ng PAF at tropa ng US sa bansa
May 07, 2023

Tatagal nang hanggang Mayo 12 ang inilulunsad na ehersisyong militar panghimpapawid na Cope Thunder ng Philippine Air Force (PAF) at US Air Force sa bansa. Nagsimula ito noong Mayo 1, ilang araw lamang matapos ang pinakamalaking ehersisyong Balikatan sa bansa. Inilulunsad ang pagsasanay sa Clark Air Base sa Pampanga. Huling inilunsad ang gayong pagsasanay noong […]

Pagbaba ng implasyon, hindi dama ng mahihirap
May 07, 2023

Kinastigo ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers party-list Rep. France Castro ang sinasabing pagbagal ng implasyon noong Abril tungong 6.6% mula 7.6% noong Marso. Ayon sa kanya, “halos hindi ito nadarama ng mayorya ng mga Pilipino laluna ang mga mahihirap.” “Sa mahihirap at kulang sa pambili ng pagkain, hindi ramdam ang sinasabing bumaba […]