Archive of AB Dailies

Sunud-sunod na mga kaswalti, ininda ng militar at pulis sa Negros
September 15, 2022

Pinabulaanan ng sunud-sunod na mga kaswalti ng militar at pulis sa mga kamay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa Negros ang ipinagmamayabang nina Maj. Gen. Benedict Arevalo, commanding officer ng 3rd ID-PA at Brig. Gen. Inocencio Pasaporte, commanding officer ng 303rd IBde-PA at ng National Task Force-Elcac-Negros na “nawawalan na ng suportang masa ang rebolusyonaryong kilusan” […]

LFS@45: Raling iglap sa embahada ng US, inilunsad
September 12, 2022

Pinangunahan ng League of Filipino Students (LFS) ang protesta ng kabataan nitong Setyembre 11 sa harap ng embahada ng US upang kundenahin ang mga gerang agresyon na inilulunsad ng gubyerno ng Amerika at panghihimasok militar sa mga bansa tulad ng Pilipinas. Kinundena rin nila ang pagiging kasapakat ng rehimeng Marcos Jr. sa pagpapanatili ng presensya […]

Ilitaw si Raquel Santillano!
September 10, 2022

Nananawagan ngayong araw ang pamilya at kaibigan ni Raquel Dahoyla Santillano, rebolusyonaryong lider sa North Central Mindanao (NCMR), para tulungan silang igiit sa militar na ilitaw ang kanilang kaanak at bigyan sila at ang kanilang mga abugado ng pagkakataon na makausap siya. Dinukot si Santillano noong Setyembre 4 ng pinagsamang mga tauhan ng 1st Special […]

Lumalalang krisis sa pagkain, ibinunton sa importasyon, korapsyon sa DA
September 10, 2022

Inalmahan ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang paninisi kamakailan ng Department of Agriculture sa mga magsasaka sa usapin ng pagkakaroon ng “sobrang suplay” ng bawang at repolyo. Nagpahayag ng hinaing kamakailan ang meyor ng isang bayan sa Batanes na mayroon silang 20 toneladang bawang na hindi nabibili. Ibinunton ni Undersecretary Domingo Panganiban ang sisi sa […]

Mga artista, grupong pang-kultura, nagprotesta sa harap ng upisina ng NICA
September 08, 2022

Nagpiket kahapon ang mga artista at grupong pang-kultura sa harap ng pambansang upisina ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) sa Quezon City para kundenahin ang programang inilulunsad ng NICA at ng National Task Force-Elcac na tumatarget sa mga artista. Anila, gagamitin lamang ng ahensya ang programa para magpakalat ng disimpormasyon at paninira sa mga progresibong […]

Redtagging ng NTF-ELCAC sa MSU-IIT, inalmahan
September 08, 2022

Binatikos ng konseho ng mag-aaral ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology at ng iba’t ibang organisasyon sa loob ng unibersidad ang isinagawang “pulong oryentasyon” ng National Task Force (NTF)-Elcac sa harap ng mga estudyante ng unibersidasd para sa National Service Training Program noong Setyembre 4. Ginamit ng NTF-Elcac ang oryentasyon para malisyosong iugnay ang […]

Bilanggong pulitikal sa India, namatay sa kulungan
September 07, 2022

Namatay sa sakit at pagpapabaya ng pasistang rehimeng Modi ang bilanggong pulitikal na si Pandu Naroti noong Agosto 25 sa isang ospital sa distrito ng Nagpur, estado ng Maharashtra sa India. Nagkaroon ng malubhang sakit si Naroti ngunit hindi inasikaso ng estado ang kanyang pagpapagamot hanggang sa lumubha ito. Inaresto si Naroti noong 2013 sa […]

Nelia Sancho: Kagandahang may puso
September 06, 2022

Pinarangalan ng Gabriela at Bayan, gayundin ng lumalabang mamamayan, si Nelia Sancho-Liao, beauty queen na naging simbolo at haligi ng mapagpalayang kilusan ng kababaihan at matatag na tagapagtaguyod ng pambansang demokrasya. Isa sa mga tagapagtatag ng Gabriela si Ka Nelia, kasama ang kapwa beauty queen na si Maita Gomez. Nagsilbi siyang pangkalahatang kalihim nito bago […]

Anak ni Ka Oris, manugang nito, pinaslang ng militar
September 05, 2022

Pinasinungalingan ni Ka Malem Mabini, tagapagsalita ng Bagong Hukbong Bayan-North Central Mindanao Region (BHB-NCMR) ang pahayag ng 8th IB at 4th ID na napaslang sa isang engkwentro sina Vincent Madlos, anak ni Ka Oris at Maria Malaya, at asawa niyang si Glorivic Belandres noong Setyembre 3 sa Barangay Capitan Bayong, Impasug-ong, Bukidnon. Ayon kay Ka […]

Bagong panukalang Anti-Subversion Law, mangmang sa batas
September 04, 2022

Inilarawan ni Edre Olalia, tagapangulo ng National Union of People’s Lawyers bilang makitid at mapaniil na hakbang ang panukalang batas na magbabalik sa Republic Act No. 1700 o ang Anti-Subversion Law. Isinusulong ito ngayon ng Duterte Youth Partylist, ang huwad na partido ng kabataan. Ang Anti-Subversion Law ang ginamit ng diktadurang Marcos bago at sa panahon […]