Archive of AB Dailies

Pagkitid ng ekonomya, nagbabadya ng dagdag pang paghihirap
August 16, 2022

Anumang pagpapabango ng mga upisyal sa ekonomya ng estado, hindi nila mapagtakpan ang sangsang ng nabubulok na ekonomya. Kahapon, isiniwalat ng mismong ahensya ng gubyerno sa estadistika na muli na namang kumitid ang ekonomya noong ikalawang kwarto ng taon. “Ipinapakita nito na nananatiling mahina at nangangailangan ng dagdag na determinadong aksyon mula sa panig ng […]

Labi ng batang biktima ng gera kontra-droga, hinukay para muling ma-awtopsiya
August 16, 2022

Tumungo kahapon, Agosto 15, ang mga kaanak ni Kian de los Santos, biktima ng “gera kontra-droga” ng rehimeng Duterte, sa La Loma Cemetery sa Maynila para i-exhume (hukayin o ilabas sa nitso) ang kanyang mga labi. Ngayong araw ang katapusan ng upa sa nitso sa sementeryo. Ang pag-exhume ay isinagawa sa tulong ng Project Arise, […]

Nangag-ekspayr na mga bakuna, nangabulok na ayudang pagkain
August 16, 2022

Magkasunod na nabunyag ang kapalpakan at kainutilan ng mga heneral na itinalaga ng nagdaang rehimeng Duterte sa matataas na pusisyon ng estado. Sa isang pagdinig sa Senado kahapon, Agosto 15, nabunyag na nalustay ang ₱5.78 bilyon sa mga bakunang kontra-Covid 19 na nag-ekspayr at mag-eekspayr ngayong Agosto. Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, tumalon mula 4.7% […]

Kahit sa mababang pamantayan ng gubyerno, dumami pa rin ang naghihirap
August 16, 2022

Tumaas ang bilang ng mahihirap na pamilyang Pilpino sa pinabagong estadistika ng kahirapan na inilabas ng Philippine Statistics Authority kahapon, Agosto 15. Anito, halos 20 milyong pamilya ang “nabubuhay sa kahirapan” noong 2021, mas mataas nang 2.322 milyon kumpara sa 7.670 milyon noong 2018. Hindi man direktang sinabi ng mga upisyal ng gubyerno, inamin nilang […]

Minoryang Mamanwa sa Northern samar, itinaboy ng operasyon ng AFP
August 15, 2022

Nagbakwit noong Mayo ang mga residente ng isang komunidad ng minoryang Mamanwa mula sa Kilometro 7, Barangay San Isidro, Las Navas matapos silang itaboy at palayasin ng pangungubkob at okupasyon ng 87th IB sa erya. Ito ay ayon sa ulat ng pahayagang Larab ng Eastern Visayas na may petsang Hunyo 25, 2022. Sinakop ng mga […]

Mga bira ng 803rd IBde sa Northern Samar, binigo ng BHB
August 15, 2022

Iniulat ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Eastern Visayas ang magkakasunod na armadong aksyong inilunsad ng mga yunit ng BHB-Northern Samar laban sa mga pasistang yunit ng 803rd IBde mula Abril hanggang unang linggo ng Hulyo. Ayon sa ulat, ang focused military operation ng mga yunit ng 803rd IBde ay bahagi ng “last quarter campaign” nito na […]

Dagdag pensyon, hindi dagdag trabaho para sa mga senior—CPP
August 15, 2022

Hindi karagdagang taon ng pagtatrabaho kundi mas malaking pensyon ang kailangan ng mga senior citizen. Ito ang reaksyon ni Marco Valbuena, Chief Information Officer ng Communist Party of the Philippines (CPP), sa panukalang pagtrabahuin pa ang mga nakatatanda imbes na magretiro at tumanggap ng pensyon. Sa isang post sa Twitter noong Agosto 10, sinabi ni […]

Manggagawang pangkalusugan, iginigiit ang One Covid-19 allowance
August 13, 2022

Nagpiket ang mga manggagawang pangkalusugan ng National Kidney and Transplant Institute (NKTI) at Philippine Heart Center (PHC) sa harap ng NKTI sa Quezon City kahapon, Agosto 12. Iginigiit nila ang kagyat na pamamahagi ng One COVID-19 Allowance (OCA) para sa mga manggagawang pangkalusugan. Sa pangunguna ng Alliance of Health Workers (AHW), pinuna nila ang Department […]

21-anyos na martir ng BHB-South Central Negros, pinarangalan
August 13, 2022

Binigyang-pugay ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-South Central Negros (Mt. Cansermon Command) ang 21-anyos na si Anthony “Ka Bal” Ariola matapos mapaslang sa isang engkwentro sa Sityo Bulasot, Barangay Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong Agosto 10. Nakasagupa ng yunit na kinabibilangan ni Ka Bal ang 94th IB na nag-ooperasyon sa naturang lugar. Magiting siyang nagtanggol […]

Magsasaka, pinatay ng militar sa Himamaylan City
August 13, 2022

Iniulat ngayong araw ng alternatibong dyaryo na nakabase sa Negros na isang magsasaka ang pinatay ng mga sundalo ng 94th IB sa Barangay Buenavista, Himamaylan City noong Agosto 8. Sa ulat, hindi pa nakukumpirma ang identidad ng biktima. Pinatay siya ng mga sundalong nagsasagawa ng operasyong kombat sa lugar. Noong Agosto 10, binulabog at sapilitang […]