Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Isang linggong pagdiriwang sa anibersaryo ng Partido, isinagawa sa Central Panay
February 04, 2024

Serye ng mga aktibidad ang inilunsad ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) at rebolusyonaryong masa sa Central Panay noong huling linggo ng Disyembre 2023 hanggang unang linggo ng Enero para ipagdiwang ang ika-55 anibersaryo ng Partido Komunista ng Pilipinas. Hindi nahadlangan ng pinatinding focused military operation ang isang linggong aktibidad ng mga Pulang mandirigma at masa. […]

Pag-aresto sa direktor at tatlong iba pa sa Quezon, kinundena
February 04, 2024

Kabi-kabila ang pagkundena ng mga grupo ng artista, direktor at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao sa arbitraryong pag-aresto ng Philippine National Police (PNP)-Quezon sa direktor ng pelikula at propesor na si Jade Castro at tatlo niyang kaibigan sa Mulanay, Quezon noong Pebrero 2. Idinadawit ang mga biktima sa naiulat na pagsunog ng apat na hindi kilalang […]

Yunit ng Partido sa Maynila, nagdaos ng muling panunumpa at parangal sa mga martir
February 03, 2024

Napuno ng rebolusyonaryong mga awitin, parangal sa dakilang mga martir, at kritikal-sa-sariling pagtalakay sa mensahe ng Partido sa ika-55 na anibersaryo nito ang pagtitipon ng isang komite ng Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) sa isang syudad sa Metro Manila kamakailan. Hindi bababa sa 20 mga kadre at kasapi ang dumalo sa pagtitipon. Naghandog ng awit […]

Mga estudyante ng DLSU, nagrali kontra taas-matrikula
February 03, 2024

Mahigit 100 estudyante ng De La Salle University (DLSU)-Manila ang nagprotesta sa loob ng kampus nito sa Taft Avenue, Malate, Manila noong Enero 31 para ipahayag ang kanilang pagtutol sa nakaambang pagtaas ng matrikula sa susunod na pasukan. Nagmartsa rin ang mga estudyante sa kampus ng DLSU-Laguna sa araw na iyon. Parehong pinangunahan ang pagkilos […]

Pagtarget ng Israel sa mamamahayag sa Gaza, kinundena ng mga eksperto ng UN
February 03, 2024

Kinundena ng tatlong espesyal na tagapag-ulat ng United Nations (UN) ang sadyang pagtarget ng Israel sa mga mamamahayag at mga myembro ng midya na anila’y ginagamit na estratehiya para sadyang patahimikin ang kanilang pag-uulat. Naglabas ng pinag-isang pahayag noong Pebrero 1 sina Irene Khan (UN Rapporteur on free expression), Francesca Albanese (UN Rapporteur on Palestine) […]

Pagbuwag sa NTF-Elcac, inirekomenda ng espesyal na tagaulat ng UN
February 02, 2024

Nagtapos ngayong araw, Pebrero 2, ang 10-araw na pagbisita ng UN Special Rapporteur para sa pagtataguyod at pagtatanggol sa karapatan sa malayang pagbibigay ng opinyon at pagpapahayag para siyasatin ang kalagayan nito sa Pilipinas. Kabilang sa pinagtuunan niya ng pansin ay ang mga gawi na nakaaapekto sa malayang pagpapahayag tulad ng Red-tagging, harasment at ligal […]

Lektura ng USAID sa UP Manila, binatikos ng mga estudyante
February 02, 2024

Binatikos ng University of the Philippines (UP)-Manila University Student Council (USC) ang pagpasok ng US Agency for International Development (USAID) at pagsasagawa nito ng lektura sa loob ng kampus noong Enero 31. Tinuligsa ito ng konseho dahil sa pagtatangka ng US na itulak sa loob ng unibersidad ang imperyalistang adyenda nito. “Kasama ang iba pang […]

Pagdausdos ng GDP, tanda ng paglala ng krisis sa ekonomya
February 02, 2024

Patuloy na dumausdos ang gross domestic product (GDP) o lokal na produksyon noong nakaraang taon. Inianunsyo ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Enero 31 na lumago lamang nang 5.6% ang GDP sa huling kwarto at buong taon ng 2023, na kapos sa target nitong 6%-7%. Taliwas sa unang ipinagmamalaki ng mga upisyal sa ekonomya ng […]

Hatol ng International Court of Justice, dapat ipatupad ng Israel—ILPS
February 02, 2024

Ipinaabot ng International League of Peoples’ Struggle (ILPS) ang kanilang suporta sa mamamayang Palestino matapos ilabas ng International Court of Justice (ICJ) ang hatol nito laban sa Israel kaugnay ng isinampang kaso ng South Africa na paglabag sa Convention on the Prevention and Punishment of the Crime of Genocide. Naglabas ng desisyon ang ICJ noong […]

Mga magsasaka sa Masbate, ninakawan, pinaputukan ng CAFGU at militar
February 02, 2024

Kinundena ng Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid (PKM)-Masbate ang mga kaso ng pagnanakaw at walang habas na pamamaril ng mga elemento ng Citizen Armed Force Geographical Unit (CAFGU) at yunit ng 2nd at 96th IB sa ilang bayan sa Masbate noong huling linggo ng Enero. Labis ang takot at tromang idinulot nito sa masang magsasaka […]