Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Inambus ng isang yunit ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Rizal ang nag-ooperasyong tropa ng 80th IB sa Lukutang Malaki, Barangay San Isidro, Rodriguez, Rizal noong Enero 31, alas-5:10 ng madaling araw. Isang pasistang sundalo ang napaslang, habang dalawang iba pa ang nasugatan. Ang naturang yunit militar ay tagabantay sa mapanirang proyektong Wawa-Violago Dam sa Rizal. Ayon […]
Napaatras ng mga estudyante at iba’t ibang grupong demokratiko ang plano ng US Air Force na magsagawa ng porum sa College of Science sa University of the Philippines (UP)-Diliman ngayong araw, Pebrero 1. Mahigit 46 organisasyon at 464 indibidwal ang pumirma sa petisyon para ikansela ang naturang porum. Anila, ang abanteng teknolohiya ay di dapat […]
Pumalo sa ₱14.62 trilyon ang utang ng Pilipinas sa katapusan ng 2023, mas mataas nang ₱1.8 trilyon mula nang maupo sa poder si Marcos Jr, at ₱8.68 trilyon o halos doble ng ₱5.954 trilyong utang ng bansa noong 2015, bago maupo sa poder si Rodrigo Duterte. Sa pagitan ng dalawang presidente, halos nagtriple ang utang […]
Nagtungo sa Maynila ang mga tinanggal na empleyado ng Bacolod City Water District (BACIWA) upang magpiket-protesta sa pambansang tanggapan ng Civil Service Commission (CSC) sa Quezon City mula Enero 29 hanggang Pebrero 2. Giit nilang ibasura ang joint venture agreement (JVA) sa pagitan ng Prime Water ng mga Villar at BACIWA na dahilan ng pagkawala […]
Nagprotesta ang mga iskolar ng bayan sa University of the Philippines (UP) Manila at UP Visayas sa pagbubukas ng klase nito noong Enero 29. Karaniwang inilulunsad ng mga estudyante ng UP ang tinatawag nitong “First Day Rage” para salubungin ang pagbubukas ng klase at patampukin ang iba’t ibang isyung panlipunan. Sa UP Manila, isinagawa ng […]
Kinundena ng mga grupong maka-kalikasan at tagapagtanggol ng karapatang-tao ang rekomendasyon ng Department of Justice na kasuhan sina Jonila Castro at Jhed Tamano ng “oral defamation” dahil sa “pagpapahiya” diumano nila sa mga sundalo sa isang press conference. Matatandaang balak noon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iprisenta sa publiko ang dalawa bilang […]
Sa gitna ng di matapos-tapos na ugong ng kudeta at destabilisasyon, inaprubahan ni Ferdinand Marcos Jr ang ₱2 trilyong badyet para sa “modernisasyon” ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Gagamitin ang pondo para sa ipambili ng mga eroplano, barko, armas, pyesa at serbisyo na nakasaad sa “Horizon 3” ng AFP Modernization Act. Layunin ng […]
Sinuspinde nang walang taning noong Enero 29 ng Commission on Elections ang pangangalap ng pirma para sa isang “people’s initiative” para sa charter change (chacha) o pagbabago sa konstitusyong 1987. Ayon sa komisyon, kailangang balik-aralan muna ang resolusyong namamahala sa gayong inisyatiba. Bago nito, inianunsyo ng Comelec na “tagatanggap” lamang ito ng mga pirma. Ibinalita […]
Tuluy-tuloy ang tanggalan ng mga manggagawa sa industriya ng teknolohiya sa buong mundo nitong taon. Sa unang apat na linggo pa lamang ng 2024, umabot na sa 24,584 manggagawa mula sa 93 kumpanya ang nawalan ng trabaho. Karugtong ito sa paglusaw ng mga kumpanya sa teknolohiya ng 260,000 trabaho noong 2023. Ayon sa mga pagsusuri, […]
Kinamuhian ng malawak na masa ng sambayanan ang lantad na lantad nang girian ng naghaharing mga pangkating Marcos at Duterte. Noong Enero 28, direktang sinumbatan ng mag-amang Rodrigo at Sebastian Duterte si Ferdinand Marcos Jr sa isang rali na isinagawa ng kanilang pamilya sa Davao City laban diumano sa charter change. Sa rali na ito, […]