Ang Bayan Ngayon

Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.

Presyo ng langis, apat na beses nang tumaas sa 2024
January 30, 2024

Naglunsad ng protesta ang mga drayber at opereytor ng dyip sa harap ng Shell Gasoline Station sa Caretta, Cebu City ngayong araw, Enero 30, para kundenahin ang muling pagtaas ng presyo ng langis. Itinaas ng mga kumpanya ng langis ang presyo ng gasolina nang ₱2.80 kada litro, ₱1.30 kada litro ng diesel at ₱0.45 kada […]

Kita ng US sa mga imperyalistang gera at agresyon, lomobo nang 16% noong 2023
January 30, 2024

Lumobo nang 16% ang supertubo ng industriyang militar ng US noong 2023 dulot ng inilulunsad nitong imperyalistang gera at agresyon, pangunahin sa gerang proxy nito laban sa Russia sa Ukraine. Tumabo ng $238 bilyon ang mga Amerikanong kumpanyang gumagawa ng armas noong nakaraang taon, ayon mismo sa Department of State ng US sa pahayag nito […]

Nagpapatuloy na pag-block ng rehimeng Marcos sa mga progresibong website, binatikos
January 29, 2024

Nagprotesta ang mga progresibong grupo at mga tagapagtanggol sa kalayaan sa pamamahayag sa harap ng upisina ng National Telecommunications Commission (NTC) sa Quezon City ngayong Enero 29 para batikusin ang nagpapatuloy na pag-“block” o pagharang sa 27 website ng mga alternatibong midya, progresibo at rebolusyonaryong grupo sa bansa. Nagsimula itong i-block noong Hunyo 2022 sa […]

35 berdugong pulis ng India, napaslang sa pag-atake ng PLGA
January 29, 2024

Hindi bababa sa 35 elemento ng Central Armed Police Force (CAPF) ng reaksyunaryong estado ng India ang napaslang sa pag-atake ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) sa kampo nito sa Darmavaram sa erya ng Pamed, distrito ng Bijapur, estado ng Chhattisgarh noong Enero 16. Liban dito, 40 iba pang pulis ang malubhang nasugatan. Ang yunit […]

Mga grupong pambansa-demokratiko, magrarali sa embahada ng US sa anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano
January 29, 2024

Inianunsyo ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) ang plano nitong magsagawa ng isang rali sa embahada ng US sa Maynila sa darating na Pebrero 4 bilang paggunita sa ika-125 anibersaryo ng gerang Pilipino-Amerikano. Ayon sa grupo, ang digmaan ay isang “brutal na gera para sakupin ang Pilipinas sa ngalan ng mga interes ng imperyalistang US.” Tinatayang […]

Mamamahayag na bilanggong pulitikal sa Tacloban City, binisita ng UN Special Rapporteur
January 28, 2024

Nagpasalamat ang mga grupo ng mamamahayag at alternatibong midya sa pagbisita ni Irene Khan, United Nations Special Rapporteur on Free Expression and Opinion, sa nakakulong na mamamahayag na si Frenchie Mae Cumpio, at mga tagapagtanggol ng karapatang-tao na sina Marielle Domequil at Alexander Abinguna sa Tacloban City Jail noong Enero 27. Ang tatlo ay nakakulong […]

Unyon ng manggagawa sa Nexperia, makikipagnegosasyon para sa CBA
January 28, 2024

Nagsimula na ang panibagong negosasyon ng Nexperia Phils. Inc. Workers Union (NPIWU) at pamunuan ng Nexperia Philippines para sa Collective Bargaining Agreement (CBA) para sa 2024 hanggang 2026. Inianunsyo ito ng unyon noong Enero 25. Magaganap ang panibagong negosasyon kasunod ng tanggalan sa mga manggagawa at ilang upisyal ng unyon noong Setyembre 2023. Dumalo sa […]

80 manggagawa, tatanggalin sa pagbebenta ng SkyCable sa PLDT
January 28, 2024

Hindi bababa sa 80 manggagawa ng SkyCable Corporation ang tatanggalin sa trabaho sa darating na Pebrero 26 matapos maisapinal ng pamunuan ng kumpanya ang pagbebenta nito sa kumpanyang PLDT ni Manny V. Pangilinan. Ang SkyCable ay pag-aari ng mga Lopez. Tatanggalin ang mga manggagawa sa pagdadahilang “redundancy.” Binatikos ng SkyCable Supervisors, Profesional/Technical Employees Union (SSPTEU) […]

Rali kontra chacha, inilunsad ng mga magsasaka sa Bacolod City
January 27, 2024

Inilunsad ng mga magsasaka ng Negros Island ang isang martsa-protesta sa Bacolod city noong Enero 24 para kundenahin ang isinusulong na charter change o “chacha” ng rehimeng Marcos. Ang aktibidad ay bahagi ng 2-araw na kampanya ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP)-Negros at National Federation of Sugar Workers Negros (NFSW) para sa karapatan sa lupa […]

Paglulustay ni Marcos para sa raling "Bagong Pilipinas," binatikos
January 27, 2024

Binatikos ng grupong Bayan Muna ang nakatakdang rali ng rehimeng Marcos para sa upisyal na paglulunsad sa kampanya nitong “Bagong Pilipinas” sa Enero 28. Ilulunsad nito ang isang malaking pagtitipon sa Qurino Grandstand sa Maynila, na pinondohan ng buwis ng taumbayan. Ayon kay Bayan Muna chairman Neri Colmenares, may balita silang gagamitin din ang rali […]