Sa harap ng mabilis na nagbabagong sitwasyong pampulitika at pang-ekonomya sa Pilipinas, gayundin sa buong mundo, naglalabas ang pahayagang Ang Bayan ng arawang mga balita at pagsusuri sa mga susing usapin na kinakaharap ng proletaryo at sambayanang Pilipino, gayundin ng aping mamamayan sa iba’t ibang sulok ng mundo. Makikita dito ang pinakahuling mga balita at artikulo ng Ang Bayan Ngayon.
Sa isang pinag-isang pahayag na inilabas noong Oktubre 14, pumirma ang lahat ng mga partido sa Mababang Kapunungan para ipagtanggol si Deputy Minority Leader at ACT Rep. France Castro laban sa redtagging at pambabanta ni dating presidente Rodrigo Duterte. Nanawagan sila sa dating pangulo at lahat ng partidong sangkot na iwasan ang “pagbabanta o paghahayag […]
Nagtayo ng barikada ang mga residente ng Sityo Balubad, Barangay Anunas, Angeles City sa Pampanga para labanan ang planong demolisyon ng Clarkhills Properties Corporation sa kanilang mga bahay. Apektado ng demolisyon ang nahigit 500 kabahayan sa 72-ektaryang lupang kinakamkam ng naturang kumpanya. Tinatayang 2,000 residente ang maapektuhan ng pang-aagaw ng lupa. Liban dito, pinangangambahan ding […]
Patuloy na lumalawak ang mga kilos-protesta ng mga mamamayan sa buong mundo bilang suporta sa mamamayang Palestino para sa tunay na kalayaan at laban sa gerang henosidyo ng Israel. Sa pinakahuling mga ulat, kumalat na ang mga kilos protesta sa 40 bansa at sa iba’t ibang syudad sa loob ng naturang mga bansa. Sa Pilipinas, […]
Ginunita ng kababaihang magsasaka sa ilalim ng Amihan National Federation of Peasant Women ang International Rural Women’s Day (IWRD) sa pamamagitan ng protesta laban sa kawalan ng lupa, gutom at militarisasyon. Kasama ang mga balangay nito mula sa Cavite at at Bicol, nagmartsa sila mula Morayta hanggang Mendiola sa Maynila kahapon, Oktubre 15. Bahagi ang […]
Higit 200 taong-simbahan, mga tagapagtanggol ng kalikasan, kabataan at residente sa baybayin ng Dumaguete City ang nagtipon sa Pantawan, Rizal Avenue, Barangay 5 para sa “Ecumenical Walk for Creation.” Layon ng pagkilos ng mga grupo na ipanawagan ang hustisyang pangkalikasan at pagprotekta sa kalikasan laban sa mapanirang mga proyekto. Sa pangunguna ng grupong simbahan, naglunsad […]
Inaresto ng mga pwersa militar ang 70-anyos na babaeng magsasakang si Dolores Rapsing-Belibit sa Barangay Bolo, Masbate City, Masbate noong Setyembre 30. Pinaniniwalaang pinag-initan siya ng mga sundalo dahil siya ay nakatatandang kapatid ni Jose Rapsing, martir na rebolusyonaryong kilusan, kung kanino nakapangalan ang kumand ng Bagong Hukbong Bayan (BHB)-Masbate, noon pang dekada 90. Sinampahan […]
Ipinadala ng Department of Justice ang isang subpeona o pagpapatawag kina Jonila Castro at Jhed Tamano noong Oktubre 12 para harapin ang mga kasong perjury at slander na isinampa ng 70th IB. Naniniwala ang mga grupo sa karapatang-tao na ang mga ito ay pawang panggigipit at ganting-salakay matapos isiwalat ng dalawa ang ginawang pagdukot, tortyur […]
Sinakal, isinubsob ang mukha sa lupa, at pinagbantaang patayin ng mga tauhan ng 2nd IB ang kasalukuyang barangay tanod at kumakandidatong kagawad sa Barangay Matubinao, Cataingan, Masbate na si Ariel Urag noong Oktubre 12 ng umaga. Sinalakay ng 15 sundalo ang bahay para takutin si Urag at pasunurin sa kanilang paghaharing militar sa prubinsya. Malayang […]
Hustisya ang sigaw ng pamilya at mga kaanak ng 68-anyos na magsasakang si Antonio Diwayan Agliwan na pinaslang ng mga sundalo ng 77th IB sa Sityo Talipugo, Barangay Buneg, Lacub, Abra noong Oktubre 13 ng hapon. Pinasinungalingan ng pamilya ang paratang ng militar na si Agliwan ay kasapi ng Bagong Hukbong Bayan (BHB) na napatay […]
Sadyang nagsisinungaling si Ferdinand Marcos Jr at kanyang mga alipures sa Department of Agriculture sa mga pahayag na tumaas na tungong ₱24 kada kilo ang bilihan ng palay ngayong anihan. Sa Camarines Norte, umaabot lamang sa ₱16 hanggang ₱18.50 ang bilihan nito. Sa unang distrito ng Camarines Sur, nasa ₱14-₱18 ang bilihan. Nangangamba ang mga […]