Balita

Pagsunog sa sasakyan ng isang mamamahayag sa Camiguin, kinundena

,

Kinundena ng National Union of Journalists of the Philippines-Cagayan de Oro (NUJP-CDO) ang pagsunog sa sasakayan ng mamamayahag na si Manuel Jaudian sa labas ng kanyang bahay sa Sagay, Camiguin noong Mayo 10. Dagdag ang kaso sa naiulat ng NUJP na 177 atake sa midya sa ilalim ng rehimeng Marcos.

Si Sagay ay host sa isang podcast ng Mindanao Daily News Network (MDDN) na nagtalakay tungkol sa dinastiyang pampulitika at bentahan ng boto sa nagdaang mga linggo. Dati rin siyang pangulo ng Cagayan de Oro Press Club (COPC) at kasalukuyang direktor ng COPC Journalism Institute.

Malinaw na nakalagay sa sasakyan ni Jaudian ang isang istiker na “media” sa bubong nito. Mayroon din itong logo ng MDNN at ng programa ni Jaudian na Kalandrakas.

Ayon sa NUJP-CDO, ipinakikita ng insidente na nagpapatuloy pa rin sa bansa ang panghaharas at pananakot sa midya. Nakiisa ang grupo sa panawagan ng COPC sa mga pulis sa Camiguin na magsagawa ng masusing imbestigasyon at panagutin ang mga nasa likod ng krimen.

Pinag-iingat ng NUJP-CDO ang lahat ng mga mamamahayag sa Camiguin at buong Northern Mindanao sa kanilang paggampan sa mahalagang tungkulin ng pag-uulat, laluna tungkol sa eleksyon.

AB: Pagsunog sa sasakyan ng isang mamamahayag sa Camiguin, kinundena