Karapatan ng mga manggagawa, ipagtanggol!
February 07, 2023

Sinabayan ng iba’t ibang aktibidad ng mga unyon, asosasyon at samahan ng mga manggagawa ang isinagawang High Level Tripartite Mission (HLTM) ng International Labour Organization (ILO) sa Pilipinas noong Enero 23-26. Layon ng naturang misyon na imbestigahan ang mga paglabag sa karapatan ng mga manggagawa sa bansa. Ang HLTM ay inilunsad matapos ipanawagan ng mga […]

Parangal ng CPI (Maoist): Ka Joma, proletaryong internasyunalista
February 07, 2023

Bilang pagpaparangal at pagkilala sa mga ambag ni Kasamang Jose Maria Sison sa internasyunal na kilusang komunista, pinangunahan ng Communist Party of India (Maoist) ang “Araw ng Paggunita kay Kasamang Joma” noong Enero 16. Nagtipon ang mga kasapi ng CPI (Maoist), mga mandirigma ng People’s Liberation Guerilla Army (PLGA) at mga kasapi ng rebolusyonaryong organisasyon […]

Gen. Durante at 1001st IBde, berdugo ng Davao
February 07, 2023

Hindi naitanggi ng militar at pulis ang krimen ni Brig.Gen. Jesus Durante III, kumander ng 1001st IBde, matapos tumambad sa publiko ang ebidensya na ipinapatay niya si Yvonne Chua-Plaze, isang babaeng negosyante. Mismong ang limang elemento ng 1001st IBde na sangkot sa pamamaslang ang nagturo sa kanya bilang utak ng krimen. Binaril si Chua-Plaza sa […]

Armadong paglaban sa Myanmar, umiigting
February 07, 2023

Umiigting ang armadong paglaban ng mamamayan ng Myanmar laban sa huntang militar habang papasok sa pangatlong taon ng brutal na paghahari nito. Noong Pebrero 1, ibinalita na umabot sa 43 armadong pwersa ng hunta ang napatay sa mga rehiyon ng Mandalay, Sagaing at Magwe, sa loob lamang ng tatlong araw. Kabilang dito ang ilang kumander […]

Kalatas | January 2023
January 31, 2023

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Puspusang labanan ang tuta, korap, kriminal na AFP-PNP, ang pasistang kasangkapan ng rehimeng US-Marcos-Duterte
January 31, 2023 |

Higit pang lalala ang atrosidad ng teroristang estado sa mamamayang Pilipino sa pagbabalik-poder ng mga berdugong heneral na sina Andres Centino, Carlito Galvez Jr. at Eduardo Año. Madugo ang rekord ng mga heneral na ito sa ilalim ng tiranikong rehimeng Duterte. Sila ang nanguna sa kontra-rebolusyonaryong gera ng estado na nagresulta sa kabi-kabilang pagpaslang, masaker, […]

Matabang ang kape ng magtutubo sa Batangas
January 31, 2023 |

Tumataas ang presyo ng asukal sa palengke subalit ang presyo ng tubo kada tonelada ay hindi nagbabago. Ito ang inirereklamo ni Tatay Torres, isang maggagapak sa Tuy, Batangas. Bahagi siya ng masang anakpawis na pinipiga ng mga panginoong maylupa’t malalaking burgesya kumprador na kumokontrol at nagpapasasa sa kita ng industriya ng asukal. Monopolyado ng mga […]

Sa ating muling pagtatagpo
January 31, 2023 |

KORESPONSAL Sa ating muling pagtatagpo ni Ka Bora “Isang mapula at mainit na pagbati!” bati ko nang pinagsalita ako bilang representante ng MAKIBAKA* sa ika-54 na anibersaryo ng Partido sa isang sonang gerilya sa Timog Katagalugan. Bago makarating sa site, naligo na ang suot kong t-shirt at parka nang lumangoy ako sa kumunoy na ika […]

Matagal pa bago makauwi si Karen
January 31, 2023 |

Bagong tapak ng elementarya ang bunsong anak ni Karen noong umalis siya para magtrabaho sa isang pabrika ng microchips sa Taiwan. Ngayon, maghahayskul na ang kanyang bunso at patapos na ng senior high school ang panganay. Sa orihinal na plano ng pamilya ay uuwi na si Karen, subalit nagbago ang kanyang pasya nang tumindi ang […]

Tugon ni Patnubay de Guia: Bakit dapat tutulan at labanan ang Maharlika Investment Fund?
January 31, 2023 |

Kasuklam-suklam ang naghaharing kleptokrasya sa pamumuno ni Ferdinand Marcos, Jr. na nagpapakanang ibayong dambungin ang pondo ng bayan sa pamamagitan ng Maharlika Investment Fund (MIF). Ang MIF ay isang sovereign wealth fund (SWF) na inaasahang makakalikom ng inisyal na ₱275 bilyong kapital. Dagdag pasakit ito sa mamamayang Pilipino dahil nanakawin ng reaksyunaryong gubyerno ang kanilang […]