Lipos ng diwang rebolusyonaryo, ang Partido Komunista ng Pilipinas ay puno ng determinasyon na humakbang nang malaki pasulong at kamtin ang matatayog na tagumpay sa bagong taong 2023. Determinado ang Partido na ibayong konsolidahin at palakasin ang sarili at buong-tatag na pamunuan ang komprehensibong pag-abante ng demokratikong rebolusyong bayan sa buong bansa. Walang dalang pangako […]
Desidido ang alipures ni Marcos sa Kongreso na iratsada ang “cha-cha” (charter change o pagbabago sa konstitusyon) sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. Ayon sa pinuno ng komite sa pag-amyenda nito sa Mababang Kapulungan, maglulunsad sila ng mga “marathon hearing” (tuluy-tuloy na mga pagdinig) simula ngayong buwan para “pabilisin” ang pag-apruba sa walong panukala at resolusyon […]
Puno sang diwa nga rebolusyonaryo, ang Partido Komunista ng Pilipinas napun-an sang determinasyon nga magtikang sang daku pasulong kag agumon ang mga mataas nga kadalag-an sa bag-ong tuig 2023. Determinado ang Partido nga labing konsolidahon kag pabaskugon ang kaugalingon kag lubos-kalig-on nga pamunuan ang kumprehensibong pag-abanse sang demokratikong rebolusyon sang banwa sa bilog nga pungsod. […]
Inatasan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas noong Disyembre 17, 2022 ang lahat ng mga yunit ng Bagong Hukbong Bayan na magsagawa ng 21-gun salute bilang pamamaalam at pinakamataas na pagpupugay kay Kasamang Jose Maria Sison sa araw ng anibersaryo nito noong Disyembre 26, 2022. Namatay sa edad na 83 si Ka Joma, […]
Napalayas kamakailan ng Parents-Teachers Association o PTA ang mga sundalo ng 68th IB na nagkampo sa paligid ng Redhills National High School ng Calintaan, Occidental Mindoro. Nagpasa ng petisyon sa kapitan ng Barangay New Dagupan ang nagrereklamong mga guro at magulang upang patalsikin ang kampo-militar ng 68th IB malapit sa eskwelahan mula pa Hulyo 2022. […]
Sapilitang pinasok, hinalughog at niransak ng 60 tropa ng 64th IB ang pitong bahay ng magkakaibang pamilya sa Sityo Dangalon, Barangay Hilamunan, Kabankalan City sa Negros Occidental noong Disyembre 26, 2022 ng umaga. Walang ipinakitang kahit anong mandamyento ang mga militar sa panghahalughog. Pinasok ng mga berdugo ang bahay ng pamilya nila Albert Ramos, Leticia […]
Walang kasingdumi ang ginawa ng 402nd IBde sa ilalim ng 4th ID sa Northern Mindanao na pagdukot, pag-desaparesido (sapilitang pagwala) at pag-hostage sa mga sanggol, buntis, sugatan at sibilyan. Noong 2022, di bababa sa apat na buntis, isang hors de combat at isang sibilyan ang dinukot at dinesaparesido ng ahente ng militar sa pakay na […]
Konstruksyon ng Kaliwa Dam, tinutulan. Nagprotesta noong Disyembre 28 sa upisina ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa Quezon City ang mga katutubo, tagapagtanggol ng kalikasan, at iba pang mga grupo para igiit ang kagyat na pagpapatigil sa konstruksyon ng New Centennial Water Source-Kaliwa Dam Project na itinatayo sa mga bahagi ng prubinsya […]
Nalalantad ang baho ng sistemang padrino, korapsyon at kriminalidad sa loob ng Armed Forces (AFP) the Philippines at Philippine National Police (PNP). Litaw ang balyahan ng mga heneral at kanilang mga pangkatin na nag-uunahan sa pwesto at bilyun-bilyong pondong nakalaan para sa modernisasyon at kampanya kontra-insurhensya ng AFP. Kahapon, Enero 6, lumabas sa balita na […]