Inianunsyo noong Disyembre 19 ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pilipinas na hindi ito magdedeklara ng tigil-putukan ngayong kapaskuhan. Ayon sa Partido, “walang karason-rason para magdeklara ng tigil-putukan.” Nagpapatuloy ang mga operasyong militar at pag-atake ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa maraming komunidad sa kanayunan. Maraming barangay ang ipinaiilalim sa kanilang paghahari. […]
Sinalubong ng mga protesta ng libu-libong mga Pilipino ang unang paggunita sa Internasyunal na Araw ng Karapatang-tao sa ilalim ng rehimeng Marcos Jr. Nagmartsa noong Disyembre 10 mula sa Liwasang Bonifacio patungo sa Mendiola sa Maynila ang libu-libong raliyista para batikusin at papanagutin si Marcos Jr at armadong pwersa ng estado sa maraming mga paglabag […]
Dalawang trak ng malaking kumprador at panginoong maylupa na si Teotimo Ballesteros ang sinunog ng mga operatiba ng Bagong Hukbong Bayan-Northern Negros sa Sityo Proper, Barangay Tabun-ac, Toboso, Negros Occidental noong Disyembre 14, bandang alas-9:30 ng umaga. Si Ballesteros ay isang notoryus na kontra-rebolusyonaryo at landgrabber. Sa kanyang kalupitan, gwardyado ng mga bandidong grupo at […]
Nagsagawa ng walang-patumanggang pambobomba ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng kagubatan ng Mt. Hilong-Hilong sa hangganang bahagi ng Agusan del Sur, Agusan del Norte at Surigao del Sur noong Nobyembre 30. Mula alas-5:40 ng umaga hanggang alas-7 ng Nobyembre 30 ay binomba ang erya gamit ang anim na malalaking bomba at […]
Karaniwang inirereklamo ng mamamayan ng Barangay B, isang baryo sa Visayas, ang pananakit ng kanilang katawan, laluna ng mga binti at paa. Tantya nila, sanhi nito ang init ng motorsiklo sa mahabang pagbyahe ng palay at iba pang produkto nila tungong pamilihan. Hindi maiiwasan na mabasa ng tubig ang kanilang mga paa dahil sa uka-ukang […]
Bahagi ng militaristang Indo-Pacific Strategy ng imperyalismong US ang pagpapalakas ng hegemonya nito sa mga ekonomya ng alyado at malakolonya nito sa Asia-Pacific. Tungo rito, inilunsad ni US Pres. Joseph Biden ang Indo-Pacific Economic Framework for Prosperity (IPEFP) bago ang pagpupulong ng Quadrilateral Security Dialogue (US, Japan, Australia, India) sa Japan noong Mayo. Isinagawa sa Australia […]
Defend Louie Jalandoni. Nagpiket sa harap ng DoJ sa Maynila noong Disyembre 9 ang grupong Defend Louie Jalandoni para ipabasura ang pagsama sa dating punong negosyador ng NDFP sa arbitraryo at walang batayang listahan ng mga “terorista” ng Anti-Terrorism Council. Black to Block MROTC. Suot nang mga damit na itim, nagprotesta ng mga grupong […]
Brutal na minasaker ng mga sundalo ng 7th IB ang limang Pulang mandirigma at isang sibilyan sa Sityo Mugti, Barangay Chua, Bagumbayan, Sultan Kudarat noong Nobyembre 23. Walang engkwentrong naganap matapos magdesisyon ang limang Pulang mandirigma na hindi makipagpalitan ng putok dahil nasukol sila habang maraming sibilyan sa kanilang paligid. Pilit mang itinatanggi ng Armed […]
Iniratsada ng mga alipures ng rehimeng Marcos sa Mababang Kapulungan ang mga panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) at Mandatory ROTC (inilusot bilang National Citizens Service Training Program Act o NCSTP) sa huling araw ng Kongreso para sa taon noong Disyembre 15. Napaiksi ang proseso ng “deliberasyon” matapos ginawang prayoridad ang mga ito ni Ferdinand Marcos […]