Mga protesta

,
Ang artikulong ito ay may salin sa EnglishBisaya

 

Defend Louie Jalandoni. Nagpiket sa harap ng DoJ sa Maynila noong Disyembre 9 ang grupong Defend Louie Jalandoni para ipabasura ang pagsama sa dating punong negosyador ng NDFP sa arbitraryo at walang batayang listahan ng mga “terorista” ng Anti-Terrorism Council.

Black to Block MROTC. Suot nang mga damit na itim, nagprotesta ng mga grupong kabataan sa harap ng University of Sto. Tomas sa Maynila laban sa pagpasa ng panuklang NCSTP/MROTC noong hapon ng Disyembre 15. Nagprotesta rin sila sa harap ng Kongreso noong Disyembre 12 habang nakasalang sa pagdinig ang panukala.

Protesta kontra Marcos sa Europe. Nagsagawa ng mga pagkilos ang mga grupong migrante sa Europe noong Disyembre 14 at 15 bilang pagsalubong kay Marcos Jr. Nasa Belgium siya noon para dumalo sa pagpupulong ng mga lider ng bansa mula sa European Union at ASEAN.

Barikada sa Bacolod. Nagbarikada ang mga residente ng Purok Katilingban, Ba-rangay Punta Taytay, Bacolod City para pigilan ang demolisyon sa 40 kabahayan sa lugar. Iligal ang demolisyon lalupa’t hindi ang may-ari ng lupa ang nag-utos nito kundi ang tenante lamang.

Mga protesta