Kinukondena ng NDFP – Mindoro ang patuloy na panggigipit kina Mary Joyce Lizada at Arnulfo “Ompong” Aumentado, mga volunteers ng grupong Bigkis at Lakas ng Katutubo sa Timog Katagalugan (BALATIK), at tagapagtaguyod ng karapatan ng mga katutubo sa isla ng Mindoro. Iligal silang dinakip at inaresto noong Abril 26, higit isang buwan na ang nakakaraan, […]
Kagalang-galang na Atty. Dennis Mosquera Regional Director CHR MIMAROPA Mainit at mapagpalayang pagbati! Kaisa ang NDFP-Mindoro, sampu ng mga alyadong rebolusyonaryong organisasyon nito, sa adhikain at mandato ng inyong ahensya para sa proteksyon ng karapatang pantao na nilalaman ng Saligang Batas ng Republika ng Pilipinas at sa mga kaukulang batas, patakaran at programa sa […]
Dapat na maging alerto ang mamamayang Mindoreño sa nakaambang proyekto ng inutil na rehimeng US-Marcos II sa isla. Kamakailan lang ay ipinagmalaki ni Marcos ang plano ng NuScale Power Corporation, isang kumpanyang nagpoprodyus ng small modular reactor (SMR) o maliliit na plantang nukleyar na pinopondohan ng gubyernong US, para di umano magsuplay ng dagdag kuryente […]
Kinukondena ng NDFP-Mindoro ang utak-pulburang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa walang pakundangan nitong paghahasik ng teror at ligalig sa mamamayang Mindoreño. Dalawang magkasunod na insidente ng pambobomba at pag-iistraping ang naganap sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Abril 29 at Mayo 8. Unang binomba ang kabundukan sa hangganan ng Roxas at Mansalay noong Abril 29, 2023 na […]
Kailangan nang bigyang katarungan ang mga sinalanta ng oil spill mula sa MT Princess Empress. Tanging sa pamamagitan ng pagpanagot sa malaking burgesya kumprador (MBK) na si Ramon Ang na sangkot sa trahedya maigagawad ang katarungan na hinahanap ng mga apektadong sektor. Hindi biro ang idinulot nitong kahirapan sa masang naapektuhan lalo na ang mga […]
Nakikiisa sa pagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan sa isla ng Mindoro sa okasyon ng ginintuang anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Binabati ng NDFP-Mindoro ang kasapi ng mga pambansa demokratikong organisasyon sa buong bansa sa patuloy nilang pagsisikhay na isulong ng programa ng NDFP kahit sa harap ng tumitinding bangis ng estado na […]
Nananawagan ang NDFP – Mindoro kasama ng mamamayang Mindoreño na agarang tugunan ang hinaing ng mga pamayanang sinalanta ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero. May kargang 800,000 litrong industriyal na langis o black oil ang barko. Apektado ng sakuna at nagdeklara na ng […]
Kinukundena ng NDFP-Mindoro ang pagdukot ng pasistang 203rd Brigade kay G. Elyong, residente ng Sitio Sinariri, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro, umaga ng Pebrero 6. Dapat ilitaw si G. Elyong at ibalik sa kanyang pamilya’t komunidad na labis nang nag-aalala sa kanya. Sa ulat na nakalap ng NDFP-Mindoro, dinukot si G. Elyong sa kanilang sityo […]
Nagpupugay ang NDFP-Mindoro kay Kasamang Jose Maria Sison o Ka Joma, tagapangulong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas – Marxismo-Leninismo-Maoismo (PKP-MLM) at Chief Political Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP). Habambuhay na mananatili sa puso ng mamamayang Mindoreño ang buhay at pakikibaka ni Ka Joma at ang kanyang malaking ambag sa rebolusyong […]
Kaisa ang NDFP-Mindoro sa paggunita sa ika-74 na taon ng Pandaigdigang Araw ng Karapatang Pantao o International Human Rights Day. Dapat gunitain ng mamamayang Mindoreño ang araw na ito nang may determinasyon na puspusang itaguyod ang laban para sa karapatan sa lupa, kabuhayan, kalayaan at katarungan sa harap ng pinag-ibayo pang pag-atake sa mamamayan ng […]