Sa ikalimang taong anibersaryo ng pagsasabatas ng Anti-Terrorism Law (ATL) ngayong Hulyo 18, naipakita at nagampanan ng batas na itong ilantad ang reaksyunaryong gobyerno sa tunay na katangian niya- bilang isang marahas na instrumento ng naghaharing uri upang supilin ang mamamayan at kanyang mga kritiko. Lubos na hinubad ng nakatayong gobyerno ang pagkukunwaring may malasakit […]
Lumalakas ang panawagan ng taumbayan para panagutin ang magnanakaw at gastador na si Sara Duterte sa korapsyon at kasalanan niya sa mamamayan. Patunay ito sa masidhing kagustuhan ng sambayanan na litisin si Sara at panagutin siya sa pagnanakaw at pagwawaldas ng pondo na dapat pinakikinabangan ng sektor ng edukasyon at iba pang batayang serbisyo at […]
Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-127 na taon ng pag-deklara ng taksil na si Emilio Aguinaldo sa kalayaan ng Pilipinas mula sa mga Espanyol habang buong lugod niyang pinapapasok ang imperyalismong US na nagpataw sa Pilipinas ng mas malupit at mapagsamantalang kolonyal na paghahari. Matapos ang ilang taong pagsasanay ng US sa mga lokal na naghaharing […]
Pinakamataas na pagpupugay ang ibinibigay ng NDF-Mindoro at ng mamamayang Mindoreño kay Ka Luis Jalandoni—isa sa mga haligi ng pambansa demokratikong rebolusyon—para sa buhay na kanyang inialay sa paglilingkod sa sambayanan at kanilang mithiin para sa katarungan, kalayaan, demokrasya at kapayapaan. Ipinanganak si Ka Louie noong Pebrero 26, 1935 sa pamilya ng mga malaking panginoong […]
Mariing kinukundena ng rebolusyonaryong mamamayan, kasama ang mga mamamayan sa Mindoro ang desisyon ng Korte Suprema na nagpapawalambisa sa moratoryum sa pagmimina sa prubinsya ng Occidental Mindoro na nagbabawal sa malakihang pagmimina. Ito ay matapos maghain ng petisyon sa Korte Suprema at kwestyunin ng Agusan Petroleum and Mineral Corporation, isang subsidiyaryo ng San Miguel Corporation […]
Sa paglabas ng resulta ng Halalan 2025, tumatambad ang kabulukan ng sistemang pampulitika sa Pilipinas at lahat ng “demokratikong” palamuti nito, laluna ang huwad na prosesong elektoral. Naiulat sa maraming lugar sa bansa ang maraming anomalya sa mismong araw ng halalan kabilang ang pamimili ng boto, red tagging, presensya ng mga pulis sa mga presinto […]
Taas-kamao at rebolusyonaryong pagbati ang ipinaabot ng nakikibakang mamamayan ng Mindoro sa lahat ng manggagawa sa buong daigdig sa pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa! Sa buong daigdig, ang Araw ng Paggawa ay panawagan para sa militanteng pagkilos laban sa makauring pagsasamantala. Ang makasaysayang pagkilos ng mga manggagawa para sa makatarungang sahod at makataong kundisyon […]
Nakikiisa ang buong rebolusyonaryong mamamayan ng Mindoro sa paggunita noong ika-28 Pandaigdigang Araw ng Pagkilos para sa mga Ilog, at sa mga kilos protesta at mga paglaban na inilulunsad ng mamamayan sa buong daigdig laban sa mapaminsalang dambuhalang mga dam, pandarambong sa kalikasan at upang ipagtanggol ang karapatan sa buhay at likas yaman ng mamamayan. […]
Mariing kinukundena ng NDF-Mindoro ang pambobomba at pamamaril ng 4th IBPA at 203rd IBde sa Sityo Lomboy, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Marso 1. Marapat singilin at papanagutin ang 203rd IBde sa panibagong bugso ng paghahasik ng takot at teror sa mamamayang Mindoreño. Unang nagpakana ng pekeng labanan ang 4th IBPA noong umaga ng […]
Mahigpit na kaisa ang mamamayang nakikibaka, ginugunita ng buong rebolusyonaryong kilusan sa isla ng Mindoro ang ika-39 na anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA at pagpapatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr na may determinasyong isulong at dalhin sa bagong yugto ang bagong tipong pambansa-demokratikong rebolusyon at upang buklurin ang lakas ng mamamayang Mindoreño para sa […]