Kinukondena ng NDFP-Mindoro ang utak-pulburang 203rd Brigade-PNP-MIMAROPA sa walang pakundangan nitong paghahasik ng teror at ligalig sa mamamayang Mindoreño. Dalawang magkasunod na insidente ng pambobomba at pag-iistraping ang naganap sa lalawigan ng Oriental Mindoro noong Abril 29 at Mayo 8. Unang binomba ang kabundukan sa hangganan ng Roxas at Mansalay noong Abril 29, 2023 na […]
Bagong Hukbong Bayan-Quezon (Apolonio Mendoza Command ) Abril 24, 2023 Isang mapula at mapagpalayang araw ang ipinaabot ng Apolonio Mendoza Command sa ika-limampung taong pagdiriwang ng anibersaryo ng NDFP. Mataas ang pagkilala ng NPA sa lalawigan ng Quezon sa makasaysayang papel ng NDFP na isulong ang makauring pakikibaka ng sambayanan, igiit ang makatwirang laban para […]
Kailangan nang bigyang katarungan ang mga sinalanta ng oil spill mula sa MT Princess Empress. Tanging sa pamamagitan ng pagpanagot sa malaking burgesya kumprador (MBK) na si Ramon Ang na sangkot sa trahedya maigagawad ang katarungan na hinahanap ng mga apektadong sektor. Hindi biro ang idinulot nitong kahirapan sa masang naapektuhan lalo na ang mga […]
Ginugunita ng NDFP-ST ang ika-120 anibersaryo ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa nang may militanteng diwa na ipaglaban ang karapatan ng lahat ng manggagawa. Nagpupugay ang NDFP-ST sa mga unyon at liga ng mga manggagawa na matatag na lumalaban para igiit ang kanilang karapatan sa paggawa. Ilan sa mga ito ang mga unyon ng Gardenia Bakeries […]
Ngayong ika-50 anibersaryo ng Pambansang Demoktratikong Nagkakaisang Prente o National Democratic Front (NDF), nagbibigay ng pinakamataas na pagpupugay ang Pambansang Katipunan ng mga Magbubukid Batangas sa mga pinuno ng Partido na sila Benito Tiamzon (ka Bagong-tao) at Wilma Austria-Tiamzon (ka Laan)! Si ka Bagong-tao ay nagsilbing pangulo ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komite Sentral habang si […]
Nakikiisa sa pagdiriwang ang rebolusyonaryong mamamayan sa isla ng Mindoro sa okasyon ng ginintuang anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Binabati ng NDFP-Mindoro ang kasapi ng mga pambansa demokratikong organisasyon sa buong bansa sa patuloy nilang pagsisikhay na isulong ng programa ng NDFP kahit sa harap ng tumitinding bangis ng estado na […]
Pinagpupugayan ng KM-TK ang limang dekada ng pangunguna ng NDFP sa pakikibaka laban sa bawat atake ng pasismo at pagpapahirap ng tuta at kontra-mamamayang gobyerno. Hindi nagmaliw ang apoy ng paglilingkod ng NDFP–mula sa pagiging epektibong tinig ng iba’t ibang sektor na nagkakaisa laban sa imperyalismo, pyudalismo at burukrata kapitalismo, hanggang sa patuloy na patataguyod […]
Itaas at iwagayway natin ang mga pulang bandila sa ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP)! Inspirasyon ng NDFP-ST sa pagdiriwang ng ginintuang anibersaryo ang buhay at pakikibaka ng mga kapita-pitagang lider na sina Benito “Ka Laan” Tiamzon at Wilma “Ka Bagong-Tao” Austria-Tiamzon, at iba pang mga rebolusyonaryong martir at bayani ng […]
Pinakamainit at rebolusyonaryong pagbati ang ipinapaabot ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan sa probinsya ng Laguna para sa ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines! Tunay na kumikinang ang limang dekada ng maningning na tagumpay at ubos-lakas na pagpapatuloy ng pakikibaka ng rebolusyonaryong kilusan ng mamamayan, at ibayong lumalakas ang mga makabagong rebolusyonaryo […]
Binabati ng mga rebolusyonaryong kabataan sa probinsya ng Laguna ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ika-50 na taong anibersaryo nito. Patunay ang nagniningning na limang dekadang pakikibaka ng mamamayang Pilipino at ang pagyabong ng mga makabagong rebolusyonaryo sa antas ng ideolohiya, pulitika, at organisasyon na pundasyon ng ating pakikidigma. Bilang isa sa […]