Archive of NDF-Southern Tagalog

Ipagdiwang ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihan!
March 08, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan-Batangas | Charito “Ka Maki” Bautista | Spokesperson |

Ngayong ika-8 ng Marso, ipinagdiriwang ng buong rebolusyunaryong kilusan, sa pangunguna ng Makabayang Kilusan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA), ang Pandaigdigang Araw ng Kababaihang Anakpawis, isang panandang bato na nagsisimbolo sa kapasyahan ng kababaihan, sa partikular ng kababaihang anakpawis, na gapiin ang macho-pyudal at burges-dekadenteng pagtrato sa kababaihan. Sa mahigit 100 taong pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw […]

Panawagan sa ika-4 taon ng Bloody Sunday Massacre: Panagutin si Duterte, AFP at PNP!
March 07, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Apat na taon na ang lumipas, nananatiling wala pa ring hustisya sa karumaldumal na Bloody Sunday Massacre na kumitil sa buhay ng siyam na aktibista at iligal na nagpiit sa anim na iba pa noong Marso 7, 2021. Hindi malilimutan ng bayan ang karumal-dumal na krimeng ito lalo’t malayang namamayagpag hanggang ngayon ang mga utak […]

Itigil ang pambobomba! Igalang ang karapatan at kaligtasan ng mga sibilyan!
March 03, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Muli na namang ipinakita ng pasistang AFP ang pagiging terorista sa walang habas na pambobomba ng 203rd Infantry Brigade sa Mansalay, Oriental Mindoro, bandang 2:30 ng hapon noong Marso 1 kahit na walang kalabang mandirigma o yunit ng NPA sa lugar. Ang aktong ito ng AFP na tiyak na may basbas ng pangulo ng GRP […]

Teroristang 203rd IBde, panagutin sa pambobomba sa Mansalay
March 02, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mariing kinukundena ng NDF-Mindoro ang pambobomba at pamamaril ng 4th IBPA at 203rd IBde sa Sityo Lomboy, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro noong Marso 1. Marapat singilin at papanagutin ang 203rd IBde sa panibagong bugso ng paghahasik ng takot at teror sa mamamayang Mindoreño. Unang nagpakana ng pekeng labanan ang 4th IBPA noong umaga ng […]

Pagpupugay sa malaking protestang bayan ng paggunita sa Pag-aalsang EDSA
March 02, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | Patnubay de Guia | Spokesperson |

Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Timog Katagalugan at buong bansa na lumahok sa paggunita ng ika-39 anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA nitong Pebrero. Libu-libo ang tumungo sa lansangan, karamiha’y mga kabataan, upang sariwain ang diwa ng People Power. Ipinanawagan ang pagpapatalsik kay Sara Duterte, pagpapanagot sa ama niyang si Rodrigo Duterte sa madudugong krimen at […]

Humalaw ng aral at inspirasyon mula sa Pag-aalsang EDSA! Isulong ang demokratikong rebolusyong bayan!
February 25, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Mahigpit na kaisa ang mamamayang nakikibaka, ginugunita ng buong rebolusyonaryong kilusan sa isla ng Mindoro ang ika-39 na anibersaryo ng Pag-aalsang EDSA at pagpapatalsik sa diktador na si Ferdinand Marcos Sr na may determinasyong isulong at dalhin sa bagong yugto ang bagong tipong pambansa-demokratikong rebolusyon at upang buklurin ang lakas ng mamamayang Mindoreño para sa […]

Singilin at pagbayarin ang rehimeng US-Marcos sa epekto ng kalamidad at pagbaha! Igiit ang sapat at napapanahong ayuda sa mga nasalanta!
February 25, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Sa muling paghambalos sa mamamayang Palaweño ng walang kaparis sa kasaysayan na mga kalamidad at pagbaha, dapat ugatin at itutok ang pagpapanagot sa papet at burukrata-kapitalistang estado pangunahin na sa rehimeng US-Marcos na siyang nagsakatuparan ng mga mapangwasak sa kalikasang mga proyekto at negosyo ng mga dayuhan at lokal na naghaharing uri. Ang mga pagdurusang […]

Magkaisa at itanghal ang tunay na mga kahilingan at mithiin ng mamamayang Mindoreño sa panahon ng reaksyunaryong eleksyon!
February 22, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Mindoro | Ma. Patricia Andal | Spokesperson |

Daig pa ang teleserye sa telebisyon, nagsimula na nitong ika-11 ng Pebrero ang maingay at magarbong palabas ng mga naghaharing uri–ang panahon ng pangangampanya para sa Halalan 2025. Anumang pakitang gilas ng mga tumatakbong burukrata kapitalista, malaon naman nang batid ng masang Mindoreño ang likas na kabulukan sa pulitikang hawak at nagsisilbi lamang sa mga […]

Pagpupugay sa Magiting na Pakikipaglaban at Opensiba ng NAAC-NPA Rizal
February 20, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Rizal | Arman Guerrero | Spokesperson |

Binabati ng National Democratic Front of the Philippines-Rizal (NDFP) ang mga pulang mandirigma at kumander ng Narciso Antazo Aramil Command-NPA-Rizal (NAAC) sa magiting na pakikipaglaban sa mga pasistang tropa ng 80th IBPA at PNP sa magkasunod na labanan noong Pebrero 16 at 17 sa Anitpolo City. Aktibong nakapagdepensa at nakapanlaban ang pulang hukbo sa nag-ooperasyong […]

Tutulan ang pagpapapasok ng malalaking komersyal na barkong pangisda sa munisipal na pangisdaan
February 11, 2025 | National Democratic Front of the Philippines | NDF-Southern Tagalog | NDF-Palawan | Leona Paragua | Spokesperson |

Kaisa ng mamamayang Palaweño, naninindigan ang NDF-Palawan na anti-mamamayan at dapat labanan ang desisyon ng Korte Suprema na pahintulutan ang pagpasok ng mga komersyal na barkong pangisda (CFV) sa saklaw ng 15-kilometrong munisipal na pangisdaan. Nitong Disyembre 2024, kinatigan ng Korte Suprema ang desisyon ng Malabon RTC sa petisyon ng Mercidar Fishing Corporation, isang malaking […]