Dalawang taon na ang nakalipas nang maganap ang madugong Bloody Sunday Massacre at kumitil sa siyam na buhay ng mga aktibista sa Timog Katagalugan. Kinaumagahan ng Marso 7, 2021 nang sugurin ng elemento ng estado ang mga kabahayan ng aktibista at pinagbabaril ito. Dagdag pa ang panghuhuli sa anim na mga lider-unyonista at aktibista na […]
Nananawagan ang NDFP – Mindoro kasama ng mamamayang Mindoreño na agarang tugunan ang hinaing ng mga pamayanang sinalanta ng oil spill bunsod ng paglubog ng MT Princess Empress sa bahagi ng Naujan, Oriental Mindoro noong Pebrero. May kargang 800,000 litrong industriyal na langis o black oil ang barko. Apektado ng sakuna at nagdeklara na ng […]
Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Rizal sa isinasagawang tigil-pasada ng mga grupo sa transportasyon. Binabati rin namin at nagpupugay kami sa 80-90% paralisasyon na nagawa ng mga Rizaleñong tsuper at opereytor. Kolektibong pahayag ito ng mariing pagtutol nila sa Jeepney Phaseout na sasagasa sa kabuhayan ng daan-daang libo mula sa sektor ng pampublikong […]
Makatarungan at nararapat na paigtingin ang mga pakikibaka ng mamamayan laban sa pagmimina sa harap ng mga pakana ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte na isulong ito bilang “solusyon” sa bagsak na ekonomya ng Pilipinas matapos ang pandemya. Kaisa ang NDFP-ST sa pakikibaka ng sambayanan para tutulan at pigilan ang mapaminsalang pagmimina sa rehiyon at buong bansa. […]
Ipinaaabot ng NDFP-ST at mamamayan ng buong rehiyon ang mahigpit na pakikiisa sa sambayanang Pilipino sa paggunita ng ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA noong Pebrero 25, 1986. Lagi nating alalahanin na sa ating pagkakaisa at marubdob na pakikibaka nagawang ibagsak ang kinamumuhiang diktadurang US-Marcos. Hinangaan at dinakila sa buong daigdig ang tagumpay na ito ng […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagbabasura ng first division ng Supreme Court (SC) sa kasong graft kaugnay ng coco levy fund (CLF) na nakasampa laban kay Juan Ponce Enrile. Pinasisidhi nito ang kawalang katarungan para sa mga magsasaka sa niyugan na pinagnakawan ng diktadurang US-Marcos at kanyang mga kroni kabilang si Enrile. Sa paggulong ng […]
Napapanahon ngayon ang paggunita sa ika-37 taon ng Pag-aalsang EDSA UNO sa unang taon ng pasista’t ilehitimong rehimeng US-Marcos II. Malinaw sa buong sambayanang Pilipino na walang pinag-iba si Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa ama niyang diktador na nagpataw ng batas militar noong 1972. At katulad ng sinapit ng matandang Marcos, itatapon din ng nagkakaisang […]
NDF-Rizal is one with the people in condemning the Government of the Republic of the Philippines’ (GRP) decision to construct the Bureau of Corrections’ headquarters in the Masungi Georeserve site. Masungi has had a long history of land disputes because its vast lands are rich in natural resources. This is the real reason behind the […]
Ampaw at pakitang-tao ang pagbabayad ng Manila Waterworks and Sewerage Systems (MWSS) sa mga katutubong Dumagat at Remontado para sa epekto ng proyektong Kaliwa Dam. Bukod pa sa lubhang malayo ang sinasabi nitong 66 pamilya sa totoong 10,000 pamilyang maaapektuhan ng proyekto, walang maitutumbas na halaga sa ilang henerasyon na nilang tirahan, taniman at ginagalawang […]
Nananawagan ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa mamamayang Palaweño at buong bansa na suportahan ang pakikibaka ng mga magsasaka at natibong Palaw’an sa Brooke’s Point laban sa mapaminsalang operasyon ng Ipilan Nickel Corporation. Mula Pebrero 18, nagbarikada ang mga residente sa sayt ng mina sa Brgy. Maasin para igiit sa pambansang gubyernong ipahinto […]