Binabati ng NDFP-ST ang mamamayan ng Romblon na tumindig at nagbarikada laban sa pagmimina ng Altai Philippines Mining Corporation (APMC) sa isla ng Sibuyan. Dahil sa kanilang paglaban, naobliga ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ipahinto ang konstruksyon ng causeway project at iba pang aktibidad ng APMC doon. Makatwiran ang pagpapatigil ng […]
Nakikiisa ang National Democratic Front of the Philippines-Palawan sa pagtindig ng malawak na hanay ng mamamayan at mga tunay na makabayang Pilipino laban sa pagtatayo ng karagdagang mga base militar ng US sa bansa sa tabing ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Mariin naming kinukundena ang garapalang pagpapakatuta ng ilehitimong rehimeng Marcos-Duterte, laluna ang pasista’t […]
Kinukundena ng NDFP-Mindoro ang pagdukot ng pasistang 203rd Brigade kay G. Elyong, residente ng Sitio Sinariri, Brgy. Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro, umaga ng Pebrero 6. Dapat ilitaw si G. Elyong at ibalik sa kanyang pamilya’t komunidad na labis nang nag-aalala sa kanya. Sa ulat na nakalap ng NDFP-Mindoro, dinukot si G. Elyong sa kanilang sityo […]
Sa gitna ng tumatalim na krisis sa ekonomya kung saan hirap na hirap ang mamamayan na pagkasyahin ang kinikita, mananawagan naman ang reaksyunaryong pangulo sa mamamayan na magbayad ng tamang buwis habang nilulustay naman niya ang pera ng bayan sa kanyang maluluhong paglalamyerda. Walang moral na awtoridad si BBM na manawagan para sa pagbabayad ng […]
Ngayong araw ay ating ginugunita ang ika-84 na kaarawan ni kasamang Jose Maria Sison, punong tagapagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas at nagsilbing gabay ng rebolusyong Pilipino sa mahabang panahon. Sa kabila ng kanyang pagpanaw noong Disyembre ng nakaraang taon, patuloy na umaabante ang mapagpalayang kilusan ng mamamayan upang isulong ang demokratikong rebolusyong bayan —taliwas […]
“Hindi magagapi ang Demokratikong Rebolusyon ng Sambayanang Pilipino”. Ito ang huling isinulat ni Ka Joma sa nalalabing mga sandali ng kanyang dakilang buhay. Hindi siya nagsayang ng panahon at ibinuhos ang natitirang lakas upang mag-iwan ng maningning na pamana, gabay at tanglaw. Sa sulating ito, matalas niyang inilatag kung bakit hindi mabibigo ang rebolusyon at […]
Ikinalulugod ng NDFP-ST at mamamayan ng Timog Katagalugan ang positibong resulta ng International Labour Organization High Level Tripartite Mission (ILO HLTM) na inilunsad sa Pilipinas noong Enero 23-27. Sa HLTM, tinalakay ang kahilingan ng mga manggagawang Pilipino sa pagtataguyod ng karapatan sa paggawa at kinundena ang pandarahas ng estado sa kanilang hanay. Matapos ang HLTM, […]
Isang tagumpay para sa mamamayang Pilipino lalo sa mga tagapagtanggol ng karapatang tao at mga biktima ng karahasan ng estado ang pagtutuloy ng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga krimen ng nakaraang rehimeng Duterte kaugnay ng brutal na gera kontra-droga. Malaking tulak sa ICC ang pag-apela ng 204 biktima na kumakatawan sa 1,050 […]
Nananawagan ang NDFP-ST sa lahat ng mapagkawanggawang institusyon, tunay na lingkod bayan, taong simbahan at internasyunal na makataong organisasyon na tulungan ang mamamayan ng Quezon laban sa atrosidad ng 85th IBPA, 201st Brigade at Southern Luzon Command. Nangangailangan ng mga ayuda at tulong psycho-social ang mga biktima. Ayon sa ulat ng Apolonio Mendoza Command (AMC)-NPA […]
Sa paggunita sa ika-36 taon ng masaker sa mapayapang pagkilos ng mga magsasaka sa Mendiola, at sa gitna ng pagkawasak ng malalawak na taniman sa timog Palawan, dapat magbigkis ang mga magsasakang Palaweño para labanan ang lahat ng proyektong nangwawasak sa kanilang kabuhayan at kapaligiran. Hindi pa ganap na nakakabawi sa pinsala ng bagyong Odette […]