Hindi na bago ang mga pakanang panghihimasok at pakikialam ng imperyalsitang US sa usapin sa ekonomiya, politika, militar, kultura at ugnayang panlabas ng bansa. Mula nang maging malakolonya ng imperyalistang US ang Pilipinas, pinatigas nito ang kontrol sa militar. Patunay rito ang Military Bases Agreement (MBA) na isinabatas noong Marso 14, 1947, kasunod ang Military […]
Habang niyayanig ng mga malalaking opensiba ng New People’s Army ang estado. Hindi nagpahuli ang Kabataang Makabayan (KM)-Quezon na yanigin ang pekeng “kapayapaan” na ipinangangalandakan ng 2nd ID (Jungle Fighter) at Quezon LGU. Walang takot na pinintahan ng mga rebolusyonaryong kabataan ang mga pader upang salubungin ang pagdating ni Marcos Jr sa Quezon. Marapat lamang […]
Ayon sa isang awit ng alternatibong musika, may tatlong panahon sa Pilipinas—ang tag-araw, tag-ulan at ang eleksyon. Inilalarawan nito ang pagkahumaling sa eleksyon pangunahin ng mga naghaharing uri na may iba’t ibang paksyon, padrino at interes subalit, nagkokoro naman sa pagsasamantala at pang-aapi sa masang Pilipino na napasasayaw pa nila sa mapanlinlang na kumpas ng […]
Tayo’y sama-samang magtirik ng mga kandila at mag-alay ng ating mga rebolusyonaryong awitin ngayong inaalala natin ang 14 na pulang mandirigma o ang binansagang Nasugbu 14 na namartir noong Nobyembre 28, 2017 sa isang operasyong ambus ng AFP-PNP sa National Highway sa Barangay Aga at Kaylaway, Nasugbu, Batangas. Ang kanilang yunit ay nasa proseso ng […]
Ngayong nalalapit ang ika-60 anibersaryo ng Kabataang Makabayan at araw ng anakpawis, marapat nating alayan ng pinakamataas na pagpupugay at Pulang pagsaludo sina Jian Markus “Ka Reb” Tayco, Royce Jethro “Ka Alex” Magtira at Gladys Cassandra “Ka George” Mendoza bilang mga magigiting na Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan na namartir nitong Hunyo 23, 2024 […]
Tahasang kinukundena ng National Democratic Front-Cavite (NDF-Cavite) ang tangkang demolisyon noong Nobyembre 15, sa mga kabahayan ng 6 na pamilya sa Sitio Tabon, Longos, Barangay Zapote 3, syudad ng Bacoor. Dumating ang mahigit 6 tauhan ng demolition team na may bitbit na mga maso at chainsaw, 3 tauhan ng opisina ng Bacoor Mayor Strike Revilla […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST at mamamayan ng Southern Tagalog ang pahayag ni Marcos Jr. na malaking tulong ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at mga ayuda ng US para mapahusay ang “calamity response” ng rehimen. Ipinahayag niya ito sa courtesy call ni US Defense Secretary Lloyd Austin III sa Malacañang noong Nobyembre 18, habang sinasalanta […]
Ang daan patungo sa pagbubukas ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng GRP at NDFP ay palaging malubak at matinik dahil sa mga anti-kapayapaan at tuta ng US na mga pwersa ng GRP. Naninindigan ang NDF-ST na para magbukas ang usapang pangkapayapaan, dapat na tumbasan ng GRP ang sinseridad ng NDFP at tigilan ang mga pataksil […]
Sa buwang ito, sama-sama at militante nating gunitain ang mga kilusang kabataang estudyante na nag-iwan ng marka sa kasaysayan at nagpatunay sa lakas na taglay ng nagkakaisang hanay ng mga kabataan. Ipanata nating ipagpapatuloy ang kasaysayang ito at pananatilihing nag-aalab ang paglaban ng mga estudyante para sa tunay na demokrasya at kalayaan lalo sa gitna […]
Taas kamaong tumitindig ang Kabataang Makabayan upang pagpugayan ang rebolusyunaryong legasiya ng diwa at kadakilaan na iniwan ni Kasamang Sandy sa kaniyang pagpanaw noong nakaraang taon, Nobyembre 10, 2023. Malaki at makahulugan ang ginampanang tungkulin ni Ka Sandy sa pagtataguyod ng bagong demokratikong rebolusyunaryong kilusan, partikular na sa rehiyon ng Timog Katagalugan. Bago ang kaniyang […]