Pahayag

Kabataang Lagunense, isabuhay ang rebolusyonaryong kagitingan! Labanan ang krisis ng imperyalistang digmaan!

,

Sa paggunita natin sa Araw ng Kagitingan, dakilain natin ang kabayanihan ng mga Pilipinong lumaban sa dayuhang pananakop at pang-aapi sa kamay ng mga mananalakay na Hapones. Sa kaparehong yugto ng kasaysayan ng ating bansa walumpo’t apat na taon na ang nakalilipas, ipinakita ng imperyalismong US ang panibagong mukha ng panlilinlang nito sa mga mamamayang Pilipino bilang pain sa kanilang nagpapatuloy na imperyalistang panliligalig hanggang sa kasalukuyan.

Ang pag-alala natin sa Araw ng Kagitingan ay panawagan din mismo, lalo na sa mga kabataan, na isabuhay ang rebolusyonaryong diwa ng mga Pilipino sa paglaban sa lahat ng porma ng imperyalistang pananakop, higit lalo sa kasalukuyang pandaigdigang politikal na sitwasyon. Ang tumitinding gerang agresyon ng imperyalistang US at Zionistang Israel upang ipagdiinan ang hegemonya nito sa Middle East, gayundin ang mga kaparehong agresyon nito sa Asia Pacific, ang yumuyurak sa soberanya ng maraming mga bansa sa daigdig na naghahangad ng pagpapalaya mula sa dayuhang pananakop.

Sa Iran, pinuntirya ng US-Israel ang mga sibilyang imprastraktura kung saan mahigit 2,400 na Iranian ang nasawi, mahigit 25,000 ang sugatan, at nasa 3 milyon na ang nataboy sa kanilang mga tahanan. Hindi lamang Iran ang aktibong ginegera ng imperyalistang US nariyan din ang Venezuela, Cuba, Lebanon, Palestine, at iba pa.

Walang humpay ang imperyalistang US sa pagbubuhos ng pondong militar para sa mga gerang inilulunsad nito. Inihahanda na rin nito ang pagpapalaki ng presensyang militar sa Asia-Pacific sa pamamagitan ng paggamit sa mga base militar sa Japan, South Korea, at Pilipinas upang palibutan ang imperyalistang karibal nitong Tsina.

Sa rehiyon mismo ng Timog Katagalugan, nariyan ang base militar ng imperyalismong US sa Balabac, Palawan. Habang ginawa namang lunsaran ng mga US military exercises, na sumisira sa kalikasan at sistema ng kabuhayan ng mga lokal na mamamayan, ang isla ng Mindoro at ngayon ay sa San Narciso, Quezon.

Sa tabing ng capacity building, direktang hinahatak ng imperyalismong US ang Pilipinas sa digmaang niluluto nito sa Asia-Pacific. Kaya kinakailangan na magkaisa ng sambayang Pilipino upang tumindig at labanan ang imperyalistang US para sa tunay na kasarinlan at kaligtasan ng bayan.

Nararapat ding tuligsain ang papet na rehimeng Marcos Jr. na patuloy na naninikluhod sa imperyalistang US. Nananatiling bulag at bingi ang rehimeng ito sa krisis na kinakaharap ng mamamayan. Walang kwenta ang mga baryang ayuda na pahirapan pa ang pagkuha habang pinapatay sa gutom ang mamamayang Pilipino. Samantalang nananatiling bilyun-bilyong pondo ang winawaldas ng AFP at sundalong Amerikano sa isinasagawang balikatan exercises na umuubos sa pondo ng Pilipinas para suportahan ang gerang maaaring ilunsad ng US.

Sa mas tumitinding pandaigdigang krisis ng imperyalismo, hinog na ang panahon para sa rebolusyon. Samantalahin ang krisis at galit ng sambayanan upang magpukaw, mag-organisa, at magpakilos at direksyunan ito tungo sa rebolusyonaryong pakikibaka. Isulong ang pambansa-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng pangunahing armadong pakikibaka para wakasan ang paghahari ng imperyalismong US at ng mga lokal na papet nito sa Pilipinas!

Kabataang Lagunense, lumaban para sa tunay na kasarinlan! Sumapi sa Bagong Hukbong Bayan!

Kabataang Lagunense, isabuhay ang rebolusyonaryong kagitingan! Labanan ang krisis ng imperyalistang digmaan!