Salamin ng masahol na pangangayupapa ng rehimeng Marcos II sa mga imperyalistang kapangyarihan at mga monopolyo kapitalistang dayuhan at mamumuhunan ang pagpapahintulot sa oil drilling operations sa Cadlao oil field sa Palawan. Pangangasiwaan ito ng Sacgasco, kumpanyang Australian na nag-oopereyt sa bansa bilang Nido Petroleum Philippines Pty. Ltd. at magsisimula sa unang hati ng 2023. […]
Insulto para sa mamamayang Palaweño ang pagkakatalaga kay 2nd district congressman at dating governor Jose Chaves Alvarez (JCA) bilang pangulo ng paksyong Cusi sa PDP-Laban. Naganap ito sa gitna ng di na mabatang krisis na dinaranas ng mamamayang Pilipino na pinalala ng tiranikong paghahari ni Rodrigo Duterte at ngayon, sa ilalim ng naghaharing pangkating Marcos-Duterte. […]
Dapat singilin ang ilehitimong rehimeng US-Marcos II at ang utusang aso nitong 203rd Brigade – Armed Forces of the Philippines (203rd Bde) sa kaso ng panganganyon sa Mansalay, Oriental Mindoro nitong Martes, Oktubre 18. Ayon sa ulat ng Lucio De Guzman Command – NPA – Mindoro (LDGC – NPA – Mindoro), tatlong beses nagpasabog ng […]
Labis na pasakit na agad ang ipinalasap ng rehimeng Marcos II sa mamamayang Pilipino sa unang 100 araw pa lamang nito sa estado poder. Nagbunyi ang mga naghaharing uri, lalo ang pangkating Marcos-Duterte. Higit pang iniratsada ang mga pahirap na neoliberal na patakaran sa tulak ng imperyalismo at lalong pinasidhi ang pasismo ng estado. Resulta […]
Lalong ginatungan ng unang 100 araw ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II ang galit ng mamamayang Mindoreño sa pamilya Marcos at sa nagnanaknak na malakolonyal at malapyudal na lipunan. Nabubuhay si Marcos II sa delusyon na “functional” o gumagana ang kanyang gubyerno sa kabila ng kainutilan nitong tugunan ang malawakang kahirapang nararanasan ng mga magsasaka at […]
Nakaririmarim ang sapilitang pagkawala ng tatlong magsasaka sa Batangas at Mindoro sa unang 100 araw ng ilehitimong rehimeng Marcos II sa poder. Nakikiisa ang mamamayan ng Timog Katagalugan sa panawagan ng mga kaanak na ilitaw ang mga biktima kabilang ang mga naunang desaparecidos ng reaksyunaryong estado. Marapat ding papanagutin ang AFP-PNP, paramilitar at bayarang goons […]
Mariing kinokondena ng NDFP – Mindoro ang walang habas na paghahalughog sa tahanan at pambubugbog kay G. Kitot at anak nito, mga Mangyan-Hanunuo, residente ng Sitio Gaang, Barangay Panaytayan, Mansalay, Oriental Mindoro ng mga pasistang pwersa ng 4th Infantry Battalion Philippine Army (4IBPA) nitong Huwebes, Setyembre 22. Nagkakaong ang mag-ama sa kanilang lupain nang biglang […]
Mahal kong mga kababayan, Sa Setyembre 21, ginugunita ng bansa ang 50 taon mula nang ipinataw ang Martial Law (ML) ng pasistang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Markahan din natin ang taon na ito ng panunumbalik sa kapangyarihan ng mga Marcos na isang trahedya para sa sambayanang Pilipino. Pero hindi dapat mawalan ng pag-asa […]
Ginugunita ng NDFP-ST at ng buong bansa ang ika-50 taong deklarasyon ng Martial Law ng diktador na si Ferdinand Marcos Sr. Isang madilim na yugto ito ng kasaysayan kung saan dinanas ng sambayanang Pilipino ang di mabilang na mga karumaldumal na paglabag sa karapatang tao habang nagpapasasa ang pamilya Marcos, mga kroni at among imperyalistang […]
Mariing kinukundena ng NDFP-ST ang pagtatanggol ng estado sa mga kriminal na pulis na pumaslang sa mga biktima ng Bloody Sunday. Kamakailan, nangako ang PNP na tutulungan nito ang 30 pulis na kinasuhan ng pagpatay matapos kwestiyunin sa Kamara ang Department of Justice (DOJ) sa mabagal na pag-usad ng kaso. Higit lamang nitong pinalala ang […]