Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan (PKP-TK) sa lahat ng makabayan, demokratikong pwersa at buong sambayanang Pilipino sa paggunita ngayong Setyembre 21, araw ng deklarasyon ng Batas Militar na naghudyat sa 14-taong madilim na kasaysayan ng pasistang paghahari ng diktadurang US-Marcos Sr. Taas-kamaong nagpupugay ang PKP-TK sa lahat ng mga martir at sa mamamayang […]
Walang napala ang sambayanang Pilipino sa unang taon ng ilehitimong rehimeng US-Marcos II kundi ang papatinding kahirapan dulot ng ibayong pagka-agnas ng lipunang malakolonyal at malapyudal sa ilalim ng imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo na saklot ng pandaigdaigang krisis ng monopolyo kapitalismo. Sagad-sagaran ang pagiging papet at tuta ng rehimeng Marcos II sa imperyalismong US […]
Nagpupuyos ang damdamin ng mamamayan ng Timog Katagalugan sa karumal-dumal na pagmasaker ng tropa ng 94th IBPA sa pamilyang Fausto ng Brgy. Buenavista, Himamaylan City, Negros Occidental noong gabi ng Hunyo 14. Nakikiisa ang buong rebolusyonaryong kilusan sa rehiyon sa mga kaanak ng biktima at kanilang mga kababayan sa paghahanap ng hustisya sa malagim na […]
Pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas – Mindoro kay Arc John “Ka Jack/Ka Hunter/Ka Baron” Varon, magiting na kadre ng Partido at opisyal ng BHB, sa walang pag-iimbot na pag-alay ng kanyang buhay para sa sambayanang Pilipino na malaon nang inaapi at pinagsasamantalahan. Sina Ka Hunter at Bunso “Ka […]
Kaisa ng Partido Komunista ng Pilipinas ng Timog Katagalugan (PKP-TK) ang buong sambayanang Pilipino sa pagkundena sa isinusulong na pag-amyenda sa konstitusyon ng Pilipinas sa ilalim ng tuta, pasista, palpak at pahirap na rehimeng US-Marcos II. Ang pakanang ito ay tiyak na magdudulot ng ibayong pagpapahirap sa mamamayang Pilipino na matagal nang nagdurusa sa ilalim […]
Sa okasyon ng ika-50 anibersaryo ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), natatangi at pinakamataas na parangal at pagpupugay ang iginagawad ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Timog Katagalugan kina Benito “Ka Laan” Tiamzon at Wilma “Ka Bagong-tao” Austria-Tiamzon, mga dakila at kapita-pitagang haligi ng Partido, BHB at NDFP. Brutal silang pinaslang ng berdugong […]
Ang mga rebolusyonaryong pwersa at mamamayan ng Mindoro ay sumasabay sa buong bansa sa pagdiriwang ng ika-54 na anibersaryo ng New People’s Army. Ipagdiwang natin ang mahigit limang dekadang magiting na pagsusulong ng armadong pakikibaka na puno ng rebolusyonaryong optimismo at kumpyansa sa lakas ng masa at sa katumpakan ng Pambansa-demokratikong programa ng rebolusyon na […]
Sa makasaysayang araw na ito, ibinibigay ng Komiteng Rehiyon ng Partido sa Timog Katagalugan ang pinakamataas na pagpupugay sa Bagong Hukbong Bayan (BHB) sa kanyang 54 na taong pagsusulong ng matagalang digmang bayan upang tupdin ang makasaysayang tungkuling dalhin hanggang ganap na tagumpay ang demokratikong rebolusyong bayan at itatag ang demokrasyang bayan sa Pilipinas.
Kaisa ang Partido Komunista ng Pilipinas -Timog Katagalugan (PKP-TK) sa paggunita ng mamamayan ng Timog Katagalugan sa karumal-dumal na Bloody Sunday Massacre. Ang Bloody Sunday ay ang araw kung saan sabay-sabay na pinaslang ng mga ahente ng estado ang siyam na aktibista at lider at dinakip ang anim na iba pa mula sa mga hayag […]
Nakikiisa ang Partido Komunista ng Pilipinas-Timog Katagalugan sa pakikibaka ng mga Dumagat, Re-montado at lahat ng mamamayang apektado ng mapaminsalang proyektong Kaliwa Dam. Naninindigan ang Partido at buong kilusang rebolusyonaryo sa TK na walang ibang mabuting idudulot ang proyekto kundi delubyo para sa mamamayan ng Rizal at North Quezon. Pinatutunayan ng nagaganap na martsang protesta […]